EPILOGUE

1.4K 13 4
                                    

Epilogue

                Mahirap ang naging desisyon ni Jake na iwan si Andrei sa ganong sitwasyon. At isa rin desisyon ang tinanggap ni Jake, na dapat dati pa niya tinanggap.

                “Okay lang ho ba si Kuya Jake? Kaninang umaga pa ho siya hindi lumalabas ng kwarto niya, tapos kanina pa po siya hindi kumakain.” Pag-aalalang tanong ni Terrence, bunsong kapatid nila Jake at siyang pinakapaborito nitong kapatid.

                “Kelangan yan ngayon ng kuya mo. Malaki ang problemang dinadala niya ngayon. Bayaan natin siya sa kaartehan niya. Kapag naramdaman yang ng gutom kakain din yan.” Pabiro pang sabi nito Mommy Divine sa kanyang anak, pero katulad din ng ibang kapatid ni Jake, mas nag-aalala ang mga magulang niya sa mga nangyayari sa kanyang anak. Hindi lang nila ito pinapahalata kay Jake.

                Lumapit si Daddy Jayson kay Mommy Divine, hinila niya ito doon sa may Veranda at nag-usap ang dalawa tungkol kay Jake.

                “Ano bang problema niyang si Jake?” tanong ni Daddy Jayson, dahil maski siya nararamdaman ang pagiging malamig nito sa kanyang pamilya at wala na silang time sa isa’t isa.

                “Problema? Problema sa puso ang problema ng anak mo.” Giit pa ni Mommy Divine.

                “May Heart disease siya?” gulat na tanong ni Daddy Jayson, at dahil doon isang malakas na batok ang natanggap nit okay Mommy Divine.

                “Alam mo kung hindi ka lang gwapo, hindi kita sinagot kahit kelan talaga Jayson ang nonsense mo kausap.” Inis na sabi nito sa kanyang asawa. Ngumiti lang si Daddy jayson saka muling naging seryoso.

                “Wala na ba sila ni Andrei?” tanong ni Daddy Jayson, nagulat si Mommy Divine. Hindi niya inaasahan na alam pala ng Padre de pamilya nila ang relasyon ng anak nito sa ibang lalake.

                “May alam ka? Alam mo?” gulat na tanong ni Mommy Divine sa asawa nito, tumango lang si Daddy Jayson at sabay silang napatingin sa isang batang sumasayaw sa kanilang harapan. Tuwang-tuwa ang mga matatanda habang pumapalakpak pa si Mommy Divine habang sumasayaw si Terrence ng kapag tumibok ang puso. Tv commercial ng Skyflakes.

                “What if mag-out of town tayo. Tayo-tayo lang pamilya,” suggestion pa ni Mommy Divine, na siyang sinang-ayunan naman ni Daddy Jayson.

                “Bukas na bukas, aalis tayo at ibabalik natin ang saya sa mga labi ng kuya Jake niyo.” Saka nila niyakap ng mahigpit si Terrence na halos hindi na makahinga ang bata dahil sa ginagawa ng dalawang matandang ito sa kanya.

∞ ∞ ∞

                Kinabukasan,

                Kakauwi lang ni Jake at gaya nalang lagi ng mood nito, ay para itong multo na pumasok at para bang hindi nakikita ang mga tao sa paligid niya. Ni hindi nga nito binati ang pamilya niya, simula kasi noong araw na pinakawalaan na niya si Andrei. Kahit na ilang beses niyang sabihin sa sarili niya na kaya niyang kalimutan ang lalakeng iyon? Hindi parin pala madali, dahil masyado na siyang naattacted doon sa tao. Yung para bang, naiwan na niya ang puso niya doon sa taong iyon? At parang ang hirap-hirap nang ibalik at muling bumalik sa dati.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon