Chapter 4
“Sana makita ulit kita” sabi ni Jake sa sarili habang nag-iisip nang concept sa gagawin nitong photoshoot sa isang produktong kinuha ang kanilang service para sa bagong ngang nasabing produkto.
“Hmmm, iniisip mo na naman siya? Girl Move on.” si Lea habang inabutan si Jake nang binili nitong Pizza kani-kanina lang. kararating lang kasi nito sa isang meeting sa isang client na napapayag nila na kunin ang kanilang service para sa bagong produktong lalabas sa merkado.
Biglang nagbago ang mood ni Jake. Noong muli nitong malaman na wala na pala talaga sila ni Nick.
“Oh? Anyare? Bakit ganyan ang mukha ng bestfriend ko?” binibaby pa ni Lea si Jake habang sinusubuan ng Pizza.
“Badtrip ka naman kasi eh.” sinisisi pa nito si Lea. Imbis na kasi na tulungan niya itong maka-move on. Siya pa itong nagbabalik ng mga ala-ala nang kasintahan niya.
“Kasalanan ko pa ah?” inis na sabi ni Lea sabay tumalikod ito. Nakwento na kasi ni Jake kay Lea na wala na sila ni Nick. At sobra ang galit ni Lea kay Jake. Matagal na kasi nitong sinasabe na niloloko lang siya ng lalakeng iyon. Pero patuloy parin si Jake sa paniniwala sa sarili niya. Hanggang siya na mismo ang nakasaksi sa panglolokong ginagawa sa kanyang nang inaakala niyang lalakeng tunay na nagmamahal sa kanya.
“Inaarte mo diyan? Babae lang ang PEG? Ano ka ba, mas matuwa ka pa nga dapat eh. Nakawala ka na sa walang kwentang boyfriend mong iyon. Jake! Sayang ang kagwapuhan mo. Bakit kasi hindi ka nalang magbalik loob? At mahalin ang mga babaeng katulad ko?” si Lea na nagsexy po pa sa harapan ni Jake. Masuka-suka pa si Jake sa ginagawa ni Lea sa kanyang harapan. Na siyang kinainis naman ng kanyang kaibigan.
“Hindi nalang Lea. No thanks,” sabay tumingin si Jake sa bintana ng kanilang office. Kitang kita nito ang kagandahan ng makati. Ang lawak at ang mga matataas na building na yung iba ay nagsisimula pang gawin upang maging commercial property.
“Nakakadiri ka kaya? Magpapari nalang ako,” giit pa ni Jake. Nagpaalam si Jake kay Lea na bibili ito ng kanyang lunch sa labas. At bumaba na nga ito nang mag-isa sa ground floor. At noong makababa na sa ground floor yung elevator na sinakyan nito sinalubong siya ng receptionist nila.
“Sir, sira po kasi yung telephone line. Under maintenance po kasi, may isang lalakeng nag-aantay po sa inyo sa may lobby,” giit pa ng babae sa kanya.
“Thanks.” sabi ni Jake saka na niya ito iniwan. Sino naman kaya yung lalakeng naghahanap sa kanya? Bakit hindi nalang ito gumawa ng appointment with him? Ganitong gutom siya ayaw na ayaw niyang naiistorbo siya sa pagkain niya. Kahit na hindi pa naman talaga siya kumakain pa.
It’s nick. Kaagad siyang tumalikod noong makita niya na si Nick pala yung nag-aantay sa kanya sa lobby.
Hanggang sa narinig nito ang isang pamilyar na boses sa likuran ni Nick na tumatawag sa kanyang pangalan. Dahan-dahan nitong inilingon ang kanyang ulo sa direksyon ni Nick. At dahan-dahan ding inilingon ni Nick yung kanyang ulo kay Andrei.
“Jake!!!!!” sigaw pa nang makulit na bagong kaibign ni Jake sa kanyang pangalan. Nasapo nalang ni Jake ang kanyang ulo sa bigat ng kanyang pakiramdam ng oras na iyon. Kaagad na lumapit si Andrei sa kanya na may bitbit na bulaklak at isang box ng Pizza.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE YEARS (Revised Edition)
RomantikHanggang saan aabot ang inyong pagmamahalan, kung ang tingin naman ng iba dito ay isa lamang malaking Kalokohan? #Through The Years