Chapter 10
Saturday night.
Excited na si Jake na muling Makita ang bestfriend na si Tisay. Umuwi na raw kasi si Tisay galing sa England. Si Tisay na ang isang babaeng pinangakuan niya na papakasalan niya kapag dumating na sila sa tamang panahon at tamang edad. Maalala pa kaya ng batang tisay iyon?
Nasa harap na siya ng isang resort na siyang tinuturo ng nasa address. May isang kotse ang huminto sa kanyang harapan. Kababa lang kasi ni Jake nang mga oras na iyon. Dala-dala niya ang kotse ng kanyang ama. At marunong at maingat itong magdala ng kotse kaya kahit kailan hindi pa siya nahuhuli sa o nagkakaroon ng record sa pulisya kahit na sa mmda.
Lumabas mula sa kotse na iyon ang isang lalake na kalbo. Makapal ang kilay nito at may paka-chinito malaki rin ang pangangatawan at higit sa lahat mabango. Dumaan ito sa harapan niya at kaya naamoy niya ito. Lalakeng lalake ang amoy ng lalakeng iyon. Napangiti siyang sinundan ang lalake, habang dinadail ang number ni Tisay. At noong sumagot na si Tisay, ay doon na siya nakahinga. Nasa tamang lugar na nga siya. Doon na siya naglakad papasok sa loob ng resort.
∞ ∞ ∞
“Guys, wait nalang nating yung bestfriend ko. Malapit na yun for sure. Siya nalang ang inaantay natin.” Paliwanag pa ni Tisay sa mga kaibigan niyang dumating pa nang maaga sa lugar na ito. Sa isang resort na isipan ni Tisay na ipagdiwang ang kanyang pagbabalik dito sa pinas. Almost 6 years na nga rin siyang hindi nakabalik ng pinas, marami sanang dahilan na bumalik ito pero hindi niya ito naging dahilan para bumalik siya. Mas pinili niyang manatili sa ibang bansa at mamuhay ng mag-isa para lang matupad na pangarap niyang maging isang Fashion Designer.
“WTF! Ang tagal naman ng taong iyon? Nakapa-paimportante.” Reklamo pa ni Erol na siyang kaibigan ni Tisay. Katabi nito ang kanyang girlfriend na kanina pa naglalandian ang dalawa.
“Cool ka lang diyan Erol.” Sabi pa ni Vince.
Hanggang sa may kumatok pintuan, binuksan ito ni Tisay at laking gulat niya noong Makita niya ang isang 5’11” na lalake na sa tangkad nito hanggang balikat lang nito ang abot ng ulo nito. Kaya kailangan niyang tumingala para lang Makita ng buo ang kagwapuhan ng lalakeng nasa kanyang harapan.
“Jake? Is that you?” gulat na gulat na bungad ni Tisay sa kanyang bestfriend. Pati ang girlfriend ni Erol na si Claire at ang bestfriend nitong si May ay hindi maalis ang tingin sa lalakeng biglang dumating.
Hanggang sa minutong ito, hindi parin mawala-wala ang paghanga ni Tisay sa kagwapuhan na ngayon ng kanyang bestfriend na si Biboy.
“So here he is, ang gwapo niya hindi ba?” pakilala pa ni Tisay sa mga taong nasa loob ng kwartong iyon ang kanyang kaibigan na si Jake. Hinila pa ni Jake ang braso ni Tisay at bumulong ito sa tenga nito na wag na siyang ipakilala sa mga ito. Dahil nakakahiya. At nahihiya siya. Hanggang ngayon, hindi parin nawawala yung pagiging mahiyain ni Jake, na sa buong akala ni Tisay ay nawala na sa pagdating ng panahon. Pero kahit na hindi na nagpakilala pa si Jake ay isa-isa naman nagsilapitan ang mga babaeng kaibigan ni Tisay kay Jake at kinamayan ito, na para bang kanina lang ay iritang-irita sila dahil sa tagal nitong dumating.
“Hi dude,” bati pa ni Diego kay Jake. Si yun. Hindi siya nagkakamali. Siya yung lalakeng na amoy ni Jake na sobrang bango at amoy lalakeng lalake. Nakangiti ito sa kanya at iniwasan naman niyang magbigay ng kahit anong motibo sa ngiting ibinigay ng lalakeng iyon sa kanya. Hanggang sa may isa uling pumasok sa pintuang iyon, gaya ng sa pagpasok ni Jake muling natulala ang mga babaeng iyon sa sumunod na pumasok. Marahil mas gwapo ito kesa sa kanya, o di kaya mas makisig kesa sa kanya.
BINABASA MO ANG
THROUGH THE YEARS (Revised Edition)
RomantikHanggang saan aabot ang inyong pagmamahalan, kung ang tingin naman ng iba dito ay isa lamang malaking Kalokohan? #Through The Years