CHAPTER 2

2.2K 30 6
                                    

Chapter 2

                It’s my day. It’s my Birthday. Happy Birthday to you Jake. Masayang kinakanta pa ni Jake ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Ngayong araw na kasi na ito, ay kaarawan niya. Ang isa sa pinaka-importanteng araw sa kanyang buhay. Ang araw na binigyan siya ng pagkakataon na makilala ang mundo. Makakilala ng mga taong nagmamahal sa kanya. Katulad nalang ni Nick. Pero asan na nga ba si Nick? Ang buong akala ni Jake ay susunduin siya nito. May pupuntahan kasi sila ngayong araw. Tumunog ang cellphone ni Jake, at kinuha niya ito sa kanyang kama. Sinagot niya ang tawag ni Nick. Rinig na rinig nito ang pagkabagabag ng boses ng kasintahan. “Akala ko ba?..” hindi pa natapos ni Jake yung kanyang gustong sabihin sa kansintahan, pero bigla itong pinutol ni Nick sa isang mensaheng siyang nagpabagsak kay Jake sa higaan nito. Para siyang pinatay, pinatay nang walang kalaban-laban. Ang kaninang masaya at excited na aura ni Jake ay napalitan ng lungkot at pagkabalisa ng minutong iyon.

                “Break na tayo Jake,” saka pinatay ni Nick ang kanyang tawag sa kasintahan. At noong dinail ni Jake muli ang kanyang numero ay out of coverage na ito. Tinanggal na kasi ni Nick ang battery ng kanyang cellphone upang hindi ito matawagan pa ni Jake at kulitin pa ito ng kulitin. Boyfriend ni Jake si Nick. Simula pa noong College sila. Sa isang pretigious school of Art sila nagkakilala. Kung saan kumukuha ng Fine Arts itong si Jake Marion Valerio at sa parehong kurso din si Nick. Unang tingin palang ni Jake kay Nick ay may ibang naramdaman na kaagad ito. At noong nagkaroon ng isang welcome party para sa mga freshmen ay nagkaroon sila nang pagkakataong magkakilanlan. At doon narin na sabi na gusto nito ang binata. Noong una ay hindi ito pinapansin ni Nick, hanggang sa tumagal ay naging magkaibigan sila. Then that time nahulog narin ito sa kabaitang ibinibigay sa kanya ng binata. Kaya nga hindi maintindihan ni Jake na yung apata na taon na relasyon nila ng binata ay bigla-bigla nalang mawawala? Masisira.

                May mga naririnig nang balita itong si Jake tungkol sa kanyang kasintahan. Na may iba na itong babaeng kinakasama. Pero nagbubulagbulagan lang ito sa katotohanang niloloko lang siya ng taong inaaakala niyang seryoso sa kanya.

                Tuluyang nang bumagsak ang mundo ni Jake. Umiyak na nang umiyak ito ng husto. Hanggang sa paglabas nito sa kanyang kwarto at patakbong lumabas ng bahay, pinigilan pa ito ng kanyang mga kapatid, tinatanong kung saan pupunta, at kung anong nangyari bakit ito umiiyak. Pero hindi na sumagot si Jake diretso ang tingin nito sa pintuan habang lumabas at kaagad na pumara ng isang tricycle sa gilid at kaagad na sumakay. At pinuntahan ang kasintahang si Nick. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang malaman ang dahilan kung bakit ito biglang nakapagdesisyon nang ganoon. Sa isang iglap lang ba? Maaaring masira ang lahat? Maaaring mawala ang lahat ng kanyang pinapangarap? Ang buong akala niyang perpektong buhay ay bigla-bigla nalang mawawala?

                Malayo ang tinitirahang bahay ni Nick. Sa laguna, at purisigido parin itong pinuntahan ni Jake kahit na malayo. Makausap lang ang kanyang kasintahan. At noong makarating na rin siya sa wakas ay agaran itong kumatok sa pintuang nang tinitirang bahay ni Nick. At bumukas din kaagad itong pintuan, at isang babaeng naka-tapis na tuwalya ang bumalandra sa harapan ni Jake. Halos lumuwa ang mga mata ni Jake sa kanyang nakikita. Ang kaninang bilis ng kanyang tibok ng dibdib ay mas lalo pang bumilis. Hindi pwede! Nakatulala ito sa babae. Hindi dahil sa nagagandahan ito, kahit kailan, hindi pa siya nagkagusto sa mga babae. Kaya hindi maaaring nagagandahan siya sa babae, kundi dahil nakatitig ito sa kadahilanang tinitignan ni Jake ang babaeng ipinagpalit sa kanya ng kanyang kasintahan. Matangkad ito, maputi, mahaba ang buhok. At higit sa lahat maganda. Mga katangian na wala sa kanya. Kahit kailan hindi talaga mananalo ang isang lalake sa isang babaeng katulad niya. Or should I say ang isang bading sa mga tunay na babaeng katulad nila.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon