I

1.6K 33 1
                                    

"Uy Alex," kalabit ni Janine sa kaklase na tahimik na nagbabasa ng libro sa kanilang classroom. "Nagawa mo na yung assignment natin sa History?"

"Di pa nga eh," sagot ni Alex. "Ang hirap naman kasing maghanap ng reference. Sabi pa ni Sir kailangan daw galing sa libro at hindi sa internet."

Napabuntong hininga si Janine nung narinig niya ang sagot ng kaklase. "Ako din eh. Kokopya pa naman sana ako sayo," sagot niya na may halong tawa.

"Kung internet lang kasi, madali lang yon. Andyan naman si Piyo," biro ni Alex.

"Oo nga eh," pagsang-ayon ni Janine. "Kabisado yata nun lahat ng sites sa internet."

"Paano na naman ako nasama sa tsismisan nyong dalawa?" Biglang singit ni Piyo na kakarating lang at narinig ang pinaguusapan ng dalawa niyang kaibigan.

"Totoo naman kasi," sagot ni Alex. "Di ba ikaw tong laging chat ng chat sa group chat natin at send ng send ng mga kung ano-anong link?"

"Nagsesend din naman si Hannah ah," depensa ni Piyo.

"Eh youtube lang alam nun gamitin eh," biro ni Janine. "Mga make-up tutorials lang naman sinesend ni Hannah. Makakatulong ba sa pagpasa natin yun?"

"Ang usapan eh kung sino madalas magsend sa group chat," sagot ni Piyo na di pa rin nagpapaawat.

Pagkasabi ni Piyo ng mga salitang iyon ay sabay sabay na tumunog ang kanilang cellphone. Pagtingin nila dito ay may message si Hannah sa group chat.

Guys. I'm not going to pasok na sa first subject natin. Sa Anthro na me papasok. I just woke up eh. See yah! xoxo

"Oh speaking of the devil!" Sagot ulit ni Piyo.

"Anthro?" Sabi ni Janine. "Di ba third subject pa natin yun?"

"Kasi nga she'll have to fix her hair and make paganda pa and stuff," sabay na sagot ni Alex at Piyo na naging sanhi ng malakas nilang tawanan na tatlo.

"Hay nako Janine, parang hindi ka naman nasanay sa kaibigan mong yon," sabi ni Alex sa kaibigan. "Kilay is life nga di ba?"

"Haleeeeeer!" Isang malakas at matinis na boses ang narinig nila at nagpahinto sa kanilang usapan.

"The one and only Dyosa is here!" Dagdag ng kaklase nila na nakasuot ng mahahabang hikaw at makapal na make-up. Nakapose siya sa pintuan sabay wagayway ng kaniyang malaking pamaypay.

"Hoy Lorenzo! Gumagawa ka na naman ng eksena jan!" Biro ni Piyo nung nakita ang kaibigan.

Biglang napasimangot si Elle sa kanyang narinig. "Ugh. It's Elle! E-L-L-E! Elle!" Sagot ng bading nilang kaibigan na di pa rin umaalis sa kinatatayuan.

"Patingin nga ID mo?" Pang aalaska pa rin ni Piyo.

"Mga sis oh!" Pagdadabog niyang reklamo sa dalawang kaibigan. "Moyket si Alex hindi mo tinatawag na Alexandra?"

Nagtawanan nalang si Alex at si Janine dahil hindi nakakibo si Piyo. "Halika na dito sis. Wag mo ng pansinin yan. Kanina pa kasi hindi makahirit sa amin kaya ikaw ang pinagtitripan," sabi ni Alex.

Kaagad namang sumunod ang kaibigan at tumabi sa dalawa niyang kakampi. Inirapan niya ng pabiro si Piyo pagkaupo niya.

"Kampihan pala ah! Hintayin nyo lang dumating sina Ed at Miggy. Lagot kayo!" Banta ni Piyo sa tatlo.

"Huwag ka ng umasa na dadating pa si Ed," seryosong pagsasalita ni Alex.

"Where is lover boy ba sis?" Tanong ni Elle sa kaibigan.

"Nasan pa ba? Eh di dun sa first love nya. Sa basketball court!" Sagot niya na may halong galit. "Magsama sila ng coach niya!"

"Uy selos si sis!" Panggagaya ni Piyo kay Elle. "Wag ka na kasing magboboyfriend ng athlete."

"Gagatungan pa kasi," sabi ni Janine sabay batok kay Piyo. "Nako Alex. Wag mo nalang isipin yun. Dadating din yun. Ang kailangan natin ay pumasa at gumraduate ngayong sem."

"Ay true ka jan sis! Ready na akes sa rampa mes sa graduation!" Dagdag ni Elle.

"Eh pano tayo gagraduate eh yung simpleng assignment lang natin sa History hindi pa natin magawa," sabi ni Piyo.

"Alam mo, ang kontrabida mo," pambabara ni Janine sa kaibigan. "Paano ka ba namin naging kaibigan?"

"Gwapo eh! No choice kayo," pagmamayabang ni Piyo.

"Ahhhhhhh!" Sigaw na malakas ni Elle.

"Bakit?" Sabay na sagot ng tatlo.

"Lakas ng hangin eh. Tinatangay ako mga besh!"

"Loka-loka!" Tumatawang sagot ni Alex. "Mag library nalang tayo mamaya after ng Anthro. Sigurado naman akong may mahahanap tayo dun. Ayain na rin natin yung tatlo dahil sigurado wala pa din silang nagagawa. "

"Good idea sis," sagot ni Elle sabay apir sa kaibigan. "Maghahanap na rin akes ng mga yummy na papabels."

At nagtawanan muli ang apat na magkakaibigan. Hindi nila alintana ang malalagim na mga pangyayari na magaganap sa kanila.

The Game (Completed)140918Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon