XXVIII

599 19 1
                                    

"Pi-Piyo," nauutal na sabi ni Alex. "Buti dumating ka. Paano mo nalaman na andito kami? Nanghihina na si Ja-,"

"Narinig ko ang lahat Alex," pagputol ni Piyo. "Narinig ko kung paano mo pinaslang ang mga kaibigan ko na tinuring ko bilang pangalawang pamilya."

Bumuntong hininga si Alex at yumuko ito pagkatapos magpaliwanag ni Piyo. Ilang sandali pa ay naglabas ito ng isang nakakalokong tawa. Nakatingin pa rin sina Janine at Piyo sa kaniya at nagtataka.

"Wala naman na palang dapat itago," sabi ni Alex na nakayuko pa rin. "Sayang Piyo, gusto pa naman sana kita."

Pagkabitaw ni Alex ng mga salitang iyon ay sinugod niya si Piyo. Sa kaniyang mga kamay ay taban niya ang kutsilyong pinangsaksak sa katawan ni Janine ngunit bago pa man siya makalapit sa kaibigan ay isang malakas na putok na baril ang umalingawngaw sa buong bahay. Napahinto si Alex at napaluhod. Dahan dahan niyang tinutop ang kaniyang tiyan at pinigilan ang pagtagas ng dugo mula rito.

"Tama na Alex!" Sigaw ni Piyo. "Hanggang dito nalang ang kabaliwan mo! Nang naabutan ko na wala kayong dalawa ni Janine sa bahay nila ay nagtaka na ako. Hindi ko alam kung saan ko kayo hahanapin hanggang sa nakatanggap ako ng tawag mula kay Janine at doon ko narinig lahat ng pag amin mo!"

Napatingin si Alex kay Janine na ngayon ay nakangiti at ipinapakita ang cellphone na taban.

"Minahal kita Alex! Minahal kita ng patago," sabi ni Piyo. Namumuo sa mga mata nito ang kaniyang mga luha. "Hindi naman kailangang humantong sa ganito kung sinabi mo ito sa akin. Matutulungan sana kitang kuhanin ang hustiya para sa pamilya mo kung sinabi mo lang. May ibang mas makataong paraan para sa hustisya, hindi ganito. Hindi kailangang madumihan ang mga kamay mo para lang sa paghihiganti. Sa tingin mo ba ay matutuwa si Mang Danilo kapag nakita ka niyang ganito?"

"Pero hindi naman na niya ko makikita di ba? Dahil wala na siya!" Sigaw ni Alex ngunit halata sa tono niya ang paghihirap. "Wala na ang tatay ko dahil sa kanila! Wala na ang pag asa ko sa masayang pamilya! At kung hindi ko yon makukuha, hindi ako papayag na maging masaya ang pamilya ng mga taong sumira sa buhay namin. Hindi pupwedeng ako lang ang miserable!"

Napalingon at tatlo nang narinig nila ang sirena ng pulis sa di kalayuan. Napatingin si Alex at Janine kay Piyo pagkatapos ng narinig.

"Tinawagan ko ang mga pulis. Ilang sandali nalang ay andito na sila. Sumuko ka na Alex para sa ikatatahimik ng lahat," sabi ni Piyo. Halata sa mukha niya na nahihirapan siya sa nangyayari.

"Hindi!" Sagot ni Alex. "Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sumuko!" Pagkabitaw ni Alex sa mga salitang iyon ay ibinuhos niya ang natitirang gasolina sa kaniyang katawan ay siniklaban ang sarili gamit ang kaniyang lighter. Isang malakas na sigaw ang bumalot sa buong bahay. Nagulat naman ang dalawa sa nangyari ngunit hindi rin nila nakuhang tumulala dahil nagsimula ng gumapang ang apoy sa loob ng bahay.

Dali daling pinakawalan ni Piyo si Janine pagkatapos ay tumakbo sila papalabas ng bahay papunta sa mga pulis. Nakasalubong nila ang mga pulis ngunit hindi na sila nakalapit pa sa bahay. Tuluyan na itong nilamon ng lagablab ng apoy.

Inalalayan ng mga pulis ang dalawang magkaibigan paalis sa eskenita para madala sa ospital. Kinakausap sila ng mga ito ngunit hindi na makapagsalita ang dalawa. Nakatingin nalang sila sa liwanag ng apoy na nagpapailaw sa madilim na gabing iyon.

Kasabay ng pagtaas ng maitim na usok ay ang hudyat ng katapusan ng kanilang laban. Namatay si Alex sa mismong lugar kung saan namatay ang kaniyang ama. Marahil ay ito na ang sagot sa katahimikan ng loob na matagal ng hinahanap ng kaibigan.

Pito sila nang nagsimulang pumasok sa loob ng bahay na iyon para maglaro at dalawa na lang silang nakalabas at nakatapos nito. Hindi man totoo ang pinaniwalaan nilang laro ay masaya na ang dalawa dahil sa wakas ay tapos na ang kanilang paghihirap.

Inaya na sila ng mga pulis na lisanin ang lugar na iyon. Sumang ayon naman ang dalawa at naglakad papalayo sa bahay. Kasabay ng bawat yapak nila papalayo ang pamamaalam sa lagim na bumalot sa kanilang simpleng barkada.

A/N:
Hi guys! I just want to take this opportunity to give a big big thank you to all of you who read, re-read, voted, commented, shared, criticized, supported or anything that has to do with The Game! 👏👏 It has been a wonderful experience sharing this story to the world! Naks!

Special thanks to esimportante and Oatkuforever12 for always commenting and voting for this book. Your comments have been an inspiration to continue this book. 😜

To those silent readers, I also appreciate it. Thanks even though your identities are unknown.

To those who added this to your reading list, it has been a great honor seeing notifications about it!

To the future readers, I wish you will enjoy this as much as I enjoyed writing this one!

This is not the end! Please wait for the final chapter! I will end this once and for all! Thank you again! Salud!!!

Labyuol!


The Game (Completed)140918Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon