Halos paubos na ang mga istudyante sa kanilang school at kakaunti nalang ang nakakasalubong ni Miggy. Naka off na rin ang elevator sa kanilang building kaya naman dali dali niyang tinakbo ang hagdanan papunta sa 8th floor kung saan nandoon ang locker niya.
Pagdating niya sa 8th floor ay napansin niya na wala ng tao sa paligid. Siya nalang ang nag iisang tao sa floor na iyon. Binilisan niyang pumunta sa kaniyang locker at kinapa niya ang kaniyang susi.
Tahimik ang buong paligid. Nakakabinging ingay ang bumabalot sa kanilang building. Bawat yapak niya ay tumutunog sa mahabang corridor ng building.
Nang nakapa na niya ang kaniyang susi ay dali dali niyang binuksan ang locker. Nakasabit doon ang kaniyang uniform na gagamitin bukas. Tinanggal niya ito sa pagkakahanger at inilagay sa bag. Nang isasara na niya ang pinto ng locker ay narinig niyang bumukas ang pinto sa pinakadulong classroom ng corridor. Inisip nalang ni Miggy na dala ito ng hangin at hindi na ito pinansin.
Pagkasara ng pinto ng locker ay napagdesisyunan ni Miggy na isara na rin ang bumukas na pinto ng classroom pati na rin ang bintana kung saan nanggaling ang hangin kanina. Marahil ay gusto niya ring patunayan na hindi totoo ang kung ano ano mang pumapasok sa isip niya.
Binuksan ni Miggy ang ilaw ng classroom at sinilip ito ngunit walang bintana na nakabukas. Hindi nalang niya ito pinagtuunan ng pansin at isinara na lang ang pinto sabay lakad papunta sa hagdanan.
Napatigil si Miggy nang may narinig siyang nakakalokong sipol na umaalingawngaw sa corridor. Pinakinggan niya itong muli ngunit nawala na ito. Kinumbinsi niya ang sarili na kathang isip lamang ang narinig.
Patuloy pa rin siya sa paglalakad nang biglang isang malakas na halakhak ang kaniyang narinig. Bumilis ang tibok ng puso ni Miggy pati na rin ang kaniyang paglalakad. Puno na ng pawis ang kaniyang pagmumukha at nanginginig na ito sa kaba. Pinaspasan niya ang paglalakad patungong hagdanan. Diretso lang kaniyang tingin at hindi na niya nakuhang lumingon kahit saan sa sobrang takot.
Tila nabunutan ng tinik si Miggy pagkarating niya ng hagdanan. Tumigil na rin ang halakhak na narinig niya kanina. Humugot ito ng malalim na hininga at pinagtawanan ang sarili.
"Tinatakot mo lang sarili mo Miggy eh," sabi niya sa sarili. "Imagination mo lang ang lahat."
Pagkahakbang niya sa unang baitang ng hagdanan ay biglang namatay ang ilaw sa buong building. Inakala ni Miggy na pinatay na ng security guard ang ilaw ng building dahil tila wala ng tao dito. Dahan dahan niyang kinakapa ang bawat baitang pababa nang biglang may tumulak sa kaniya na naging dahilan para siya ay mahulog at mapaluhod. Naramdaman niya ang sakit ng kaliwa niyang paa na nabalian ng buto sa pagkakalaglag.
Bumalik muli ang halakhak na kaniyang narinig kanina. Hindi makatayo si Miggy ng maayos dahil sa pagkakahulog pero sinubukan pa rin niya.
"Ahhhh!" Sigaw ni Miggy ng malakas. Isang matalim na bagay ang naramdaman niyang bumaon sa kaniyang likuran. Napaluhod siyang muli sa nangyari. Ramdam niya ang mainit na pagtulo ng dugo sa kaniyang likod. Sinubukan niyang kapain kung ano ang bagay na iyon at nanlaki ang mga mata niya ng nalaman niyang isang palakol ang nakabaon sa kaniyang likod.
Pinilit niyang tumayo kahit ang bawat kilos na ginagawa niya ay dumadagdag sa sakit na kaniyang nararamdaman. Ang kaba na kanina ay nawala ay unti unti siyang kinain at lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
Nakuhang makababa ni Miggy sa 7th floor ngunit natumba ulit siya sa sakit na nararamdaman. Isang matinding sigaw ang kaniyang nailabas nang biglang may humugot ng palakol sa kaniyang likod at inihampas itong muli sa kaniyang kanang braso.
Hindi na niya naramdaman ang kaniyang mga daliri sa kanang braso. Ang tanging nararamdaman nalang niya ay ang sakit na bumabalot sa buo niyang katawan. Putol na ang kanang braso niya. Nagtalsikan ang mga dugo nito sa kaniyang pagmumukha.
Naghahalong sipon, luha at dugo ang bumabalot sa mukha niya. Naramdaman niya na may dalawang paa ang nakatapat sa nakahandusay niyang katawan. Lalong tumindi ang pag iyak ni Miggy nang nakita niya ito.
"Bakit mo ito ginagawa sa amin?!" Tanong niya. Sumagot lang ng halakhak ang kaniyang kausap at hinampas muli nito ang palakol sa kabila niyang braso dahilan para mawala na ang dalawa niyang kamay.
Pagkatapos nito ay umikot ang nilalang sa paligid ng katawan ni Miggy. Narinig na naman niya ang nakakalokong sipol kasabay pa ang nakakangilong tunog ng palakol na hinihila sa kaniyang tabi. Halos hindi na makagalaw si Miggy sa panghihina at wala na ring tumutulong luha sa mga mata nito. Isang hampas muli ang kaniyang naramdaman sa kaniyang kaliwang hita na lalong nagpahina sa kaniya. Hindi na nakuhang makasigaw ni Miggy. Manhid na ang katawan nito sa sakit na nararamdaman.
Isinunod na ng nilalang ang kaliwa niya hita kasabay nito ang pagbulwak ng maraming dugo sa bibig ni Miggy. Punong puno na ng dugo ang kinahihigaan niya. Hirap na hirap si Miggy sa paghabol sa kaniyang paghinga.
Isang matinding halakhak muli ang umalingawngaw sa paligid. Ito ang huling narinig ni Miggy pagkatapos ay inihampas muli ng nilalang ang palakol at tuluyan ng nawalan ng hininga si Miggy at naputol ang kaniyang leeg. Tanging ang ulo nalang niya ang gumulong pababa ng 6th floor ng kanilang building.
BINABASA MO ANG
The Game (Completed)140918
HorrorSa di inaasahang pagkakataon ay natagpuan ng mga magkakaibigan na sina Janine, Alex, Hannah, Elle, Piyo, Miggy at Ed ang isang Ouija Board. Inakalang ito ay simple lamang na laro at walang katotohanan, sinubukan ng mga magkakabigan na maglaro nito. ...