Napasigaw muli si Elle nang biglang namatay ang ilaw sa kwarto iyon. Tanging liwanag lang na nanggagaling sa pinto palabas ng kwarto ang makikita. Nagmadali siyang tumayo at binalak tumakbo palabas ngunit natigilan siya nang napansin niya ang isang hugis ng tao na nakatayo sa tapat ng pintuan. Hindi niya maaninag ang itsura nito dahil sa dilim ng paligid. May hawak siyang isang matulis na kutsilyo sa kanang kamay at nakataas ito na akmang ihahampas sa kaniya.
Nagtatakbo pabalik si Elle at pilit na naghanap ng matataguan. Nakapagtago siya sa isang sulok na puno ng mga papel. Nanginigig niyang inilabas ang kaniyang cellphone at tinawagan ang mga mga kaibigan.
"Sagutin mo please Papa Piyo," sabi nito sa bagay na hawak. Ang mga luha niya ay patuloy na pumapatak at ang mga make-up sa mukha ay nabubura na.
The subscriber cannot be reached. Please try again later.
Paulit ulit na binigkas ng automated na boses sa kabilang linya. Sinunod niyang tinawagan si Alex ngunit pinatay ng kaibigan ang kaniyang tawag kasunod nito ang isang text mula sa kaniya.
Wait lang sis 1% nalang batt ko. Nasa jeep pa ako. Tawag ako sa yo mamaya pagkauwi. Labyu.
"Fudge!" wika niya.
Hirap man sa pagpindot ay pinilit niyang idinial ang numero ng kaibigan na si Janine. "Please sis sumago—,"
"Hello Elle," putol ng kaibigan sa sinasabi niya. "Oh kumusta interview?"
"Sis! Sis! Tu—tulungan mo ako," sabi niya. Pilit niyang hinihinaan ang boses para hindi marinig ng nilalang.
"Ha?" Sagot ni Janine. "Tulungan saan?"
"A—andi—to siya," sabi ni Elle sa nanginginig na boses. "Andito siya ulit!"
"Sino?" Sabi ng kaibigan sa kabilang linya. "Huminahon ka nga muna Elle. Nas—,"
Hindi na natapos ang sinasabi ng kaibigan ng bigla nalang naubusan ng baterya ang cellphone ni Elle. "Hello sis? Sis?" sabi niya. Nang napansin ang nangyari ay hinampas hampas nalang ni Elle ang hawak sa kaniyang binti sa sobrang inis.
"Elle," sambit ulit ng boses ngunit kasunod nito ang isang halakhak na umaalingawngaw sa kwarto. Ramdam ni Elle na papalapit na sa kinaroroonan niya ang nilalang sapagkat hinahampas nito ang kaniyang hawak sa mga metal na higaan.
"Tigilan mo na kami!" sigaw niya sa nilalang. "Ibinalik ka na namin sa impyerno! Wala ka ng karapatang lumagi pa sa mundong ito!"
Sinagot lang siya ng nilalang ng isang tawa. Hindi pa rin ito humihinto sa paglalakad papunta sa kaniya. Kinapa ni Elle ang paligid para makahanap ng armas ngunit tanging mga papel lang ang nasa tabi niya. Minabuti niyang kumuha ng ilang piraso at irolyo ito bilang sandata. Handa na sana siyang umatake sa kalaban ng napansin niya ang katahimikan. Dahan dahan siyang sumilip sa sahig para tingnan kung nasan ang kalaban ngunit wala na ito sa paligid.
Gumaan ang kaba na nararamdaman niya at gumapang palabas sa pinagtataguan. Hindi pa rin niya binibitawan ang sandatang ginawa. Naglabas siya ng isang ngiti nang natanaw ang pinto ng kwarto na malapit na sa kaniya. Tumayo siya at umakmang tatakbo papalabas ngunit bigla siyang natigilan sa sumunod na nangyari.
Biglang bumalik ang nakakalokong tawa ng nilalang na humahabol sa kaniya. Ang halakhak na iyon ay nanggagaling sa kaniyang likuran. Marahang nilingon ni Elle ang pinaggagalingan ng boses ngunit hindi na niya nakita ang mukha nito nang biglang isang matulis na bagay ang tumama sa kaniyang likuran dahilan para siya ay mapadapa.
Hinatak siya ng nilalang sa kaniyang kuhelyo at nasakal. Hindi makuhang makalaban ni Elle sa ginagawa sa kaniya dahil sa sakit na nararamdaman. Ipinatong siya ng nilalang sa bakanteng higaan at sinaksak nito ang dalawang palad. Napasigaw naman siya ng malakas sa ginawa nito.
"Tulong!" sigaw niya. Ang boses niya ay paos na ngunit pilit pa rin siyang nagsasalita. "Tulungan niyo ako parang awa niyo na."
Nang hindi na makagalaw mabuti ay umalis muli ang nilalang at nagtungo sa isang lamesa sa sulok ng kwarto. Nakatalikod ito sa kaniya at tila may mga binubutingting na bagay sa kaniyang harapan.
"Mang Da—Danilo," sabi niya sa kausap. "Maawa po kayo sa akin. Gusto ko pa pong mabuhay."
Tila hindi siya narinig ng kausap at patuloy pa rin ito sa kaniyang ginagawa. Nang natapos ito ay binuhat niya ang isang lalagyan na may lamang likido sa loob. Dahan dahan itong lumapit sa kaniya dala ang mga ito.
Pagkatapat ng nilalang sa kaniya ay inilapag nito ang kutsilyo at ang dalang kemikal sa katabing higaan. Pilit inaaninag ni Elle ang itsura ng kalaban ngunit natatakpan ang mukha nito ng kadiliman. Lalong tumindi ang kaniyang pagsigaw nang biglang inangat ng nilalang ang hawak na kutsilyo at mabagal na biniyak ang kaniyang tiyan. Tumulo ang mainit na dugo mula rito at umagos sa buong higaan. Halos masamid na rin siya nang lumabas ang mga dugo sa kaniyang bibig.
Nanghihina na si Elle sa nangyari sa kaniya at hindi na niya magalaw ang kaniyang katawan. Ang mga paningin niya ay nanlalabo na rin at pakiramdam niya ay ilang saglit nalang ay malalagutan na siya ng hininga.
Biglang naginig ang buong katawan ni Elle nang biglang kinuha ng nilalang ang tinabing likido at dahan daang ibinuhos ito sa loob ng tiyan ng binata. Kasabay ng bawat daloy ng asido ay ang malalakas at nakakagimbal na tawa ng nilalang.
Tumirik ang mga mata ni Elle at napalitan ang mga dugo sa kaniyang bibig ng mga bula. Nangingisay ang katawan nito ay kitang kita sa kadiliman ang usok na lumalabas sa tiyan niya. Naghahalong amoy ng formalin at nasusunog na laman ang buong paligid. Hindi na kinaya ni Elle ang kaniyang paghihirap at dahan dahan siyang tumigil sa paggalaw at naubusan ng buhay.
Namatay siya na nakadilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo at asido. Nag iwan muli ng isang tawa ang nilalang bago takpan ng puting kumot ang kaniyang bagong biktima at lumisan. Namula dahil sa dugo ang puting tela pagkapatong niya sa katawan.
Patay na si Elle at tatlo nalang silang natitira. Nabawasan na naman ng isa ang kanilang barkada ngunit walang ideya ang tatlo na hindi pa natatapos ang mga kagimbal gimbal na pangyayari sa kanila. Dahan dahang sinara ng nilalang ang pinto sa kwarto ng mga bangkay at lumisan ito na may nakakalokong ngiti sa mukha.
A/N:
Sa wakas nakapatay din! 😳
Ang tagal na walang namatay. Hahaha.
Tatlo nalang sila. 😱😱
Pano naman nila malalabanan to?Really fathoming if I'll kill Elle. 😂😂 medyo siya ang favorite kong sinusulat eh. Haha. Okay na rin siguro! Nahihirapan akong magconceptualize ng wordings niya. 😜
Hope you like this.
Kita kita ulit tayo sa next UD!
Spread the word! Ingats 😉
BINABASA MO ANG
The Game (Completed)140918
HororSa di inaasahang pagkakataon ay natagpuan ng mga magkakaibigan na sina Janine, Alex, Hannah, Elle, Piyo, Miggy at Ed ang isang Ouija Board. Inakalang ito ay simple lamang na laro at walang katotohanan, sinubukan ng mga magkakabigan na maglaro nito. ...