IV

864 26 1
                                    

Napagdesisyunan ng magbabarkada na magkita kita sa harap ng palengke bago puntahan ang sunog na bahay. Wala ng katao tao sa paligid at sila nalang magkakaibigan ang makikitang nakatayo sa lugar na iyon. Nang nakumpleto na sila ay sinimulan na nilang puntahan ang bahay. Kanya kanya silang labas ng mga cellphone at ginamit ang flashlight nito para makita ang dinadaanan. Pagkarating nila sa harap ng bahay ay napatigil ang lahat. Halong kaba at takot ang makikita sa kanilang mukha. Kitang kita ang kalungkutan na bumabalot sa sunog na bahay. Tila walang pumansin sa lugar na ito simula ng pangyayari at basta nalang kinalimutan ng panahon ang lugar na ito.

"Ready na ba kayo?" Tanong ni Piyo sa barkada.

"I can still call my dad to make us sundo," sagot ni Hannah na tila kinukumbinsi din ang barkada na huwag ng tumuloy.

"Andito na tayo eh," sabi ni Ed. "Wala ng atrasan."

"Papa Piyo saluhin mo akes pag hinimatay akes," sabi ni Elle sa kaibigan.

Hindi ito pinansin ni Piyo at nagsimula na siyang pumasok sa loob ng bahay. Agad namang sumunod and anim niyang kaibigan sa kanya.

Pagdating nila sa loob ay hindi rin nagbago ang kanilang pakiramdam. Tila mas malala pa ang itsura nito kaysa sa labas. Ang kisame na gawa sa kahoy ay itim na itim na dahil sa sunog. Nagkalat ang mga abo at sirang mga bagay sa paligid. Kasama na rin dito ang makapal na alikabok na sumalubong sa kanila.

"Dito nalang tayo," sabi ni Piyo. Nasa sala sila ng bahay ngunit hindi na matatawag na sala ang lagay nito. Isang malungkot na ala-ala nalang ang bumabalot dito.

"Ayon sa nabasa ko. Kailangan daw nating pumalibot sa board at ipatong ang daliri sa baso na nakataob. Wala dapat bibitaw kapag nagsimula na ang laro dahil makakawala ang kaluluwa," pagpapaliwanag ni Piyo. "Magsisindi tayo ng isang kandila na magiging gabay ng kaluluwa papunta sa atin."

"We're going to make upo there?" Turo ni Hannah sa maalikabok na sahig.

"May dala akong kumot," sagot ni Janine. "Pwede nating gawing sapin para di tayo madumihan."

"Thank you!" Kikay na sagot ni Hannah. "You're the best in every way talaga Janine unlike some na mahirap na nga wala pang class."

Walang pumansin sa panlalait ni Hannah. Parang nasanay na rin si Miggy sa mga ito. Pasok sa isang tenga at labas naman sa kabila ang ginagawa niya.

Inilapag na ni Alex ang board sa gitna at nagsimula na silang pumalibot dito. Sinindihan ni Piyo ang kandila niyang dala at tinitigan niya ang kaniyang mga kasama.

"Nasan yung baso?" Tanong ni Alex.

Nagkamot ng ulo si Piyo. Nakalimutan pala niyang dalhin ang pinakaimportanteng bagay na gagamitin nila. Tumawa si Janine at inilabas ang dala niyang baso mula sa kanyang bag.

"Girl scout to," paliwanag niya.

Inilagay na ni Piyo ang baso sa gitna at nagsimula na silang humawak dito. "Iikutin natin to ng tatlong beses pakaliwa kapag maguupisa na tayo at kapag tapos na tayo ay magpapaalam tayo at iikutin natin muli ng tatlong beses naman pakanan," sabi niya. "Hindi pwedeng mabasag ang baso hangga't hindi tapos ang laro dahil makakawala din daw ang ispiritu."

"Ang plenty naman ng rules," singit ni Elle. "Mas complicated pa itis sa Math. Emeghed!"

Napalunok ng laway si Miggy sa pagkakarinig nito. Tila naapektuhan na siyang takot na nung una ay hindi naman niya naramdaman.

Humugot ng malamim na hininga si Ed at nagsalita habang nakatingin sa mga kasama. "Game?"

Sabay sabay silang sumangayon ang nagsimula na silang iikot ang baso sa gitna ng board pakaliwa. Pagkatapos ng tatlong ikot ay nagsalita si Piyo. "Tinatawagan namin ang ispiritu ng namatay sa bahay na ito. Kung nandirito ka man, ay magparamdam ka gamit ang board na ito."

Katahimikan lang ang bumalot sa kapaligiran nila pagkatapos magsalita ni Piyo. Hindi gumalaw ang baso sa pwesto nito. Muli ay inulit niya ang mga salitang kaniyang sinabi ngunit wala pa rin silang nakuhang sagot.

"Sabi ko sa inyo hindi to totoo eh," biglang salita ni Alex. Ngunit kita sa kanilang mga mata na parang nabunutan sila ng tinik dahil hindi ito gumalaw.

"I'm going to call my father na to pick us up sa market," sabi ni Hannah na akmang itataas ang mga daliri na nakapatong sa baso.

"Huwag!" Pagpigil ni Piyo. "Iikot muna natin ng tatlong beses pakanan para matapos natin ang laro."

"Eh there's no one here nga eh," sagot niya. "There's no need na for that."

"Mabuti na yung sigurado," kontra ni Piyo.

Inirapan nalang ni Hannah si Piyo bago magsalita. "Fine. It's not true naman."

Nang magsisimula na silang iikot pakanan ang baso ay nagulat sila sa sumunod na pangyayari. Biglang gumalaw ang baso kasama ang mga daliri nila papunta sa isang salita sa taas ng board. Ang salita na "YES."

The Game (Completed)140918Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon