XII

705 20 0
                                    

"Babe!" Sigaw ni Ed sa kasintahan na nakatayo malapit sa court kasama ang mga barkada. "Nanalo kami! Nakita mo yung dunk ko kanina? Pati yung supalpal ko sa three points nung kalaban? Pati yung pagkuha ko ng bola kanina sa kanila? Ako yung MVP babe!"

Naglabas lang ng pekeng ngiti si Alex sa pagyayabang at kasiyahan ng kasintahan. Kitang kita pa rin sa kanila ang takot at kaba na kanilang naramdaman kanina.

"O bakit kayo ganiyan?" Tanong ni Ed. "Ayaw niyo yata na manalo kami eh."

"Ed," panimula ni Piyo. Bago pa man magpaliwanag si Piyo ay pinigilan na kaagad ni Alex ang sasabihin niya.

"Ahh ehh nalobat kasi phone ko babe kanina kaya hindi ko napicturan yung mga shots mo," pagsisinungaling ni Alex. Nakatingin siya kay Piyo at tila sinasabi na huwag munang guluhin ang kasiyahan na nararamdaman ng kasintahan.

"Yun lang?" Nagtatakang sabi ni Ed. "Hindi naman ako magagalit sayo ng ganun. Basta nanuod ka lang masaya nako," paliwanag niya sabay yakap kay Alex.

"O ano babe celebrate tayo ngayon?" Tanong ni Alex.

"Hindi muna babe," sabi ni Ed sabay labas ng malungkot na pagmumukha. "Pinarusahan kasi ako ni coach eh. Kailangan ko daw linisin itong buong gym ngayong gabi dahil hindi daw ako umattend ng practice nung lamay ni Miggy."

"Ha? Eh ang laki nito ah. Panalo naman kayo di ba?" Sabi ni Alex. "Baka naman pwedeng ipagpabukas na yan at sumama ka muna sa amin."

"Hindi talaga pwede babe eh," paliwanag ni Ed na nagkakamot ng ulo. "Buti nga pinaglaro pa ako ni coach. Ibang klase talaga yung coach namin babe. Walang awa."

"Ahh eh di tulungan ka nalang namin," sabi ni Piyo. "Di ba guys?" Kaagad namang tumango ang magkakaibigan sa sinabi niya. Napagusapan kasi ng magbabarkada kanina na huwag munang maghiwa-hiwalay dahil sa nakita kaya pinipilit nila si Ed na sumama sa kanila.

"Kung pwede lang pare," sabi ni Ed. "Kaso bawal eh. Ako lang daw dapat ang maglinis nito. Kinausap pa nga ng coach namin yung janitor para hindi ako tulungan."

Natahimik nalang ang magbabarkada at nag isip pa ng ibang paraan para makumbinsi ang kaibigan. "May problema ba?" Tanong ni Ed na kanina pa nagdududa sa ginagawa ng mga kasama.

""Was naman papa Ed," singit ni Elle. "Miss ka lang namin."

Tumawa ng malakas si Ed pagkarinig ng sinabi ni Elle. "Alam ko namang gusto mo lang ng libre Elle. Bayaan mo bukas. Magpapakain ako," paliwanag niya.

Ngumiti lang ang lima sa sinabi ni Ed. Naghihintay sila kung sino man ang may masasabi na kakaiba para makumbinsi ang kaibigan.

"O sige na. Magkita nalang tayo bukas," sabi ulit ni Ed. "Kayo nalang nandito oh. Umalis na yung mga ibang tao. Para na rin makapagsimula na ako. Gusto ko na nga ring matulog."

Wala ng nagawa ang magkakaibigan at umalis na sila sa gym. Lahat sila ay nagdarasal at nagnanais na sana ay walang mangyaring masama sa kaibigan.

Pagkaalis ng mga kasama ay kaagad namang nagpunta si Ed sa janitor's closet ng gym para simulan na ang paglilinis. Napabuntong hininga nalang siya sa lawak ng lugar na kaniyang lilinisin.

Kaagad niyang kinuha ang mop at sinimulang lampasuhin ang sahig. Pakanta kanta nalang siya para naman malibang at matakpan ang katahimikan na bumabalot sa gym. Nang matapos niyang lampasuhin ang lugar ay tiningnan niya ang kaniyang orasan. Malapit ng mag alas dose ng gabi at kailangan pa niyang i-wax ang buong court at walisin ang mga kalat na iniwan sa bleachers.

"Ibang klase talaga si coach," sabi ni Ed sa sarili. "Baka abutin pa ako ng umaga dito."

Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay biglang namatay ang ilaw sa loob ng gym. Wala ni isang liwanag ang nakapasok dito at pati mismong hawak niyang basahan ay hindi na niya maaninag.

"Hoooooy!" Sigaw ni Ed. "May tao pa dito! Grabe naman yung mga guard. Akala ba nila madali lang linisin ang buong gym?"

Ibinagsak ni Ed ang kaniyang basahan at kinapa ang daan palabas para humanap ng guard para buksan muli ang ilaw ngunit bago pa man siya makalayo sa kaniyang kinatatayuan ay may narinig siyang isang sipol.

"Kuya!" Sigaw ni Ed sa pag aakalang guard ang gumawa ng ingay na iyon. "May tao pa dito. Naglilinis pa ako."

Patuloy pa rin ang tunog ng sipol na kaniyang naririnig. Hinahanap niya kung saan ito nanggagaling ngunit nahihirapan siya dahil sa mga alingawngaw na ginagawa ng tunog. Maya maya pa ay bigla siyang kinabahan nang napalitan ng tawa ang matinis na sipol kanina.

"Ku—kuya," sabi ni Ed. "Pagtatawanan mo pa ako. Huwag ka naman ng manakot. Buksan mo na yung ilaw."

Wala pa ring sumagot sa kaniyang mga sinasabi ngunit isang maingay na tunog ng motor ang kaniyang narinig sa gym. Nanggagaling ito sa kabilang dulo ng court na kinalalagyan niya. Noong una ay inakala niya na tunog lamang ito ng generator set ng kanilang school.

"Kaya naman pala matagal," sabi ulit ni Ed sa sarili. "Nawalan pala ng kuryente."

Ngunit kinabahan muli siya ng narinig niya na papalapit ang tunog sa kaniya kasabay nito ang tunog ng mga yapak. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ed ng bumilis ang tunog nito. Ang dating mga mababagal na yapak ay naging damba ng takbo.

"Ahhhh!"

Isang malakas na sigaw ang binitawan ni Ed sa gym. Humampas sa kaniya ang bagay na may gawa ng tunog ng motor. Saka lang niya napag isip na isang chainsaw ang may gawa ng tunog na iyon. Umagos ang dugo sa kakalinis lang niyang sahig ng tumama ang chainsaw sa kaniyang kaliwang braso at naputol ito. Napaatras si Ed sa sakit na naramdaman at napatingin siya sa paligid. Inaaninag kung sino man ang may kagagawan sa kaniya nito.

"Sino ka!" Sigaw niya.

Sumagot lang ang nilalang ng isang malakas na tawa. Kasunod nito ang pagsunggab sa kaniya ng matalim na parte ng chainsaw at tumama ito sa kaniyang tiyan. Naghalong dugo at laway ang kaniyang ibinuga at wala na siyang nagawa kundi mapadapa nalang sa nangyari.

Umaalingawngaw pa rin ang tunog ng motor ng chainsaw sa gym kasabay ang nakakakilabot na tawa ng nilalang. Naramdaman ni Ed na binaba ng nilalang ang kaniyang hawak na armas at napalitan ito ng tunog ng mga kadena. Pinilit namang gumapang ni Ed palayo sa hindi kilalang kalaban para makatakas ngunit pinigil ito ng nilalang ng kadiliman.

Ipinalupot ng nilalang ang kadena sa leeg ni Ed at itinapon ang dulo nito sa may ring ng basketball. Nang naabot na niya ang dulo ay kaagad niya itong hinila na naging dahilan para masakal si Ed. Hindi na makapagsalita pa si Ed sa sakit at hirap na nararamdaman. Inabot ng kanan niyang kamay ang kadena sa kaniyang leeg upang tanggalang ngunit hindi na siya nabigyan ng pagkakataon para gawin ito dahil hinila muli ng nilala ang kadena.

Halos nakatingkayad nalang si Ed dahil sa pagkakahila ng nilalang. Isang hila nalang sa kaniya ay malalagutan na siya ng hininga. Sa abot ng kaniyang natitirang lakas ay pinilit pa rin niyang tanggalin ang kadena. Ang mga dugo na kaniyang ibinuga ay lalong nagpahirap at nagpadulas sa kadenang nakapalibot sa kaniyang leeg.

Isang malakas at nakakalokong tawa muli ang kaniyang narinig bago niya narinig ang tunog ng kadena na hinila ng nilalang na siyang nagpaangat sa kaniyang katawan. Lalo siyang nagpumilit na tanggalin ang nakapalibot sa kaniyang leeg at ikinawag niya ang kaniyang mga paa ngunit wala na siyang nagawa at tuluyan ng nalagot ang kaniyang hininga.

Nakatitig ang nilalang sa katawan ng bago niyang biktima. Inilabas nito ang kaniyang nakakatakot na mga ngiti at itinali ang kadena sa paanan ng basketball ring. Pinatay ng nilalang ang chainsaw at tanging ang mga patak nalang ng dugo ni Ed ang ingay na maririnig sa gym.

Ang kaninang malapit ng malinis na lugar ni Ed ay punong puno ng kaniyang malalapot na dugo. Hindi alintana ng kaniyang mga kaibigan na ngayong gabi na ang huling beses nilang makikita na buhay ang kanilang kaibigan. Hindi nila alam na nasundanan ng mabawasan ang mga manlalaro ng nasabing board.

A/N:
Wew. Sinipag akong magsulat. 😜 dami ng UD. Lasapin niyo muna ang mga chapters na iba. 😜

2 down! Mmm. May kasunod pa kaya? Let's see. 😊

Basta wag kakalimutan ang mga gawain! Votes and comments. 😉 ingats

The Game (Completed)140918Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon