VI

904 21 1
                                    

Tatlong araw ang nakalipas matapos ang nakakakilabot na laro ng magkakaibigan. Lahat sila ay tulalang lumayas sa lugar na iyon at iniisip kung totoo ba o panaginip lamang ang kanilang nakita at naramdaman. Wala ni isa sa kanila ang nakapagsalita pagkatapos ng nangyari at ang kanilang pamamaalam ng gabing iyon ay may kasamang takot at kaba.

Malapit ng magsara ang school nang napagisipan ng mga magbabarkada na magkita kita sa main gate para pag-usapan ang pangyayari. Nadatnan ni Janine si Alex na magisang nakaupo sa may hagdanan ng main gate at nakatulala lang siya.

"Alex," panimula ni Janine. Napatigil naman si Alex sa pagmumuni muni at napatingin siya kay Janine. "Okay ka lang?"

Tumango lang siya pero halata sa mukha niya na malayo siya sa pagiging okay. Dahan dahang umupo si Janine sa kaniyang tabi at nagipon ng lakas ng loob para magsalita. "Iniisip mo pa rin ba ang nangyari?"

Tumango siyang muli at tinitigan ang kaibigan. "Natatakot ako Janine sa mangyayari," sabi niya. "Paano kung totoo yung sinabi ng ispiritu sa atin?"

"Kalokohan lang yun ni Piyo," pagkumbinsi ni Janine pero mukhang kinukumbinsi rin niya ang sarili. "Hindi totoo lahat ng nangyari. Walang mangyayaring masama sa atin."

Hindi nagsalita si Alex. Yumuko lang siya at hindi gumalaw. Maya maya pa ay nagsimula na siyang humikbi. Humarap ang luhaang babae kay Janine. "Ayoko pang mamatay," paliwanag ni Alex.

Kinalma ni Janine ang kaibigan. "Walang mangyayaring masama sayo. Pangako ko yan," sabi niya. "Bff tayo di ba? Tutulungan kita."

"Andito na pala kayo," singit ni Piyo na noon ay kasama si Elle at Hannah. "Nasan si Miggy at Ed?"

Pagkasabi nito ay dumating na si Ed na puno ng pawis galing practice. Kasunod naman niya si Miggy na halatang kakatapos lang ng shift sa work.

Napatigil ang pagdadrama ng dalawa sa pagdating ng kanilang mga kaibigan. Bakas rin sa mga mukha nito ang takot na nadarama.

"Anes na ang gagawin natin?" Singit ni Elle na tinutukoy ang tungkol sa nangyari.

"Tinatanong pa ba yan?" Singit ni Hannah. "Let's make Piyo apologize. You've done a very good and realistic prank Piyo and it's time na magpakilala ang mastermind."

"Hindi pa rin ba kayo naniniwala sa akin?" Pagpapaliwanag ni Piyo. "Ang dami kong ginawang kalokohan sa inyo pero hindi ko naman gagawin yung ganun."

"Whose idea ba kasi to play that game?" Sagot ni Hannah. "Di ba yours? Then who told us about dun sa bahay? Di ba it's still you? You planned all of this! You scared the hell out of us."

"Hindi naman natin dapat sisihin si Piyo," pagtatangol ni Ed sa kaibigan. "Alam natin ang nangyari. May explanation lahat ng iyon."

"Then explain it!" Sigaw ni Hannah. Hindi naman nakapagsalita si Ed. Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin sa barkada.

"See," sabi ni Hannah. "There's no other explanation kundi it's just Piyo's idea."

"Mali naman na si Piyo ang sisihin natin Hannah," singit ni Miggy. "Hindi naman natin alam kung siya ba talaga o hindi ang gumawa non."

"Oh shut up!" Sabi ni Hannah. "Did Piyo pay you to say that? You'll do anything naman for money eh. Here's some oh para manahimik ka lang," sabi niya sabay dukot ng pera sa wallet.

"Tama na Hannah!" Sabi ni Piyo. "Hindi mo naman kailangang insultuhin si Miggy para lang sisihin ako!"

"You're right," sagot muli ni Hannah. "Ikaw dapat ang topic di ba? Just do us a favor nalang. Grovel and apologize or I'll make sumbong na kay Daddy about what happened that night."

"Eh di magsumbong ka!" Sigaw ni Piyo. "Puro ka naman sumbong eh. Bakit hindi mo nalang kasi aminin sa sarili mo na totoo ang nangyari at duwag na duwag ka lang kaya gumagawa ka ng rason para lokohin ang sarili mo sa peke mong katotohanan!"

"Stop na guys," singit ni Elle. "Wis dapat tayo nag aaway ng ganitey. Kalimutan nalang natin lahat ng happenings at mag move on."

"Tama si Elle," sabi ni Alex. "Mas mabuti nalang na kalimutan natin ang lahat. Walang mangyayari sa atin kung magsisigawan pa tayo dito."

"Baka ito rin ang gustong mangyari sa atin ng ispiritu. Ang magkagulo tayo," dagdag ni Janine.

"Ikaw rin? OMG! He's just fooling us," sabi ni Hannah na ayaw magpatalo. "It's not true guys. Wake up!"

"Totoo man o hindi kailangan natin maniwala sa isa't isa," paliwanag ni Alex. "Ngayon pa ba tayo magsisiraan?"

Hindi na nagsalita si Hannah. Alam niyang wala ng patutunguhan ang gulo at wala ng kakampi sa kaniya.

"Magdasal nalang tayo," sabi ni Ed sa barkada. "Hingi tayo ng gabay at ipagdasal na rin natin ang kaluluwa ng lalaki."

"Mabuti pa nga," pag sang ayon ni Miggy. "Para wala ng mangyari sa atin."

Pati ang lima ay sumang ayon na rin sa sinabi ni Ed. Hindi nalang nila pinansin ang tensyon na namumuo sa kanilang grupo.

Lahat sila ay naghawak hawak ng kamay at taimtim silang yumuko at nagdasal sa harap ng kanilang school. Hiniling nila ang kanilang kaligtasan at ang katahimikan ng kaluluwa na nagambala nila pati na rin ang katahimikan ng mag ina nito. Humingi rin sila ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at lakas na rin ng loob para tumatag ang kanilang pagkakaibigan.

Matapos ng kanilang pagdarasal ay nagpaalamanan na sila sa isa't isa para umuwi na ngunit biglang napatigil si Miggy sa paglalakad habang kinakalkal ang bag.

"Ay mauna na pala kayo," sabi niya. "Nakalimutan ko yung uniform ko sa work para bukas sa locker eh. Opening pa naman ako bukas. Kailangan ko pang balikan bago magsara ang school."

"Wala ka bang extra sa bahay?" Tanong ni Janine.

"Wala eh," sagot ni Miggy. "Sa school na kasi ako nagbibihis para di nalulukot sa bag ko yung uniform ko."

"Gusto mo samahan kita?" Dagdag na tanong ni Janine.

"Hindi na," sabi ni Miggy. "Saglit lang naman ako at gumagabi na rin. Pahatid ka nalang kila Piyo. Pasensya na at hindi kita maiihahatid ngayon. Babawi nalang ako sayo bukas. Sigurado yon."

Nginitian ni Janine si Miggy. "Okay lang," sabi ni Janine. "Aasahan ko yan ah. Basta magiingat ka," sabi niya at nagpaalam na ito sa manliligaw. Hindi niya alam na ito na pala ang huling beses niyang makikita na buhay si Miggy.

The Game (Completed)140918Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon