"This is so eww," reklamo ni Hannah habang naghahanap ng libro na magagamit nila para sa assignment. "I have done my nails for this?"
"Sino ba naman kasi nagsabi sayo na pinturahan mo yung kuko mo?" Pagsisimulang banat ni Piyo.
"Talk to my nails!" Sagot ni Hannah sabay turo ng kuko kay Piyo.
"Shhh. Marinig kayo ng librarian," Pagpigil ni Alex sa dalawa. "Baka mapagalitan pa tayo."
"Nasan na si papa Miggy sis?" Tanong ni Elle kay Janine.
"Nasa main gate na daw. Kakatapos lang daw ng shift niya sa work," sagot naman ni Janine.
"Moyket wis mo pa siya sagutin sis? Tagal ng nagwewaitsung si papa sayo ah?" Dagdag na tanong ni Elle. "Imagine sis, Mr. and Mrs. Policarpio! Oh di ba! Bonggacious!"
"More like yuck!" Singit ni Hannah sa dalawa na mukhang sumuko na sa paghahanap ng libro. "He's not even rich kaya. Unlike sis Janine na daughter ng Mayor, right?"
"Luh! Judger ka naman beshy. He's our friend kaya," depensa ni Elle sa kaibigan. "Wis naman niya fault na pureza siya. Hardworking naman si papa eh."
"Just saying," sagot ni Hannah.
"Janine," mahinang pagtawag ng isang lalaki. Napalingon si Janine at nakita niya si Miggy na may dalang burger at fries. Pawis na pawis ito at halatang nagtatakbo para lang makita nag kaibigan. "Para sayo. Baka kasi gutom ka na."
Di kaagad nakapagsalita si Janine sa nakita. Tinanggap nalang niya ang pagkain at nagpasalamat sa lalaki.
"Ahhh, how sweet naman ni papa Miggy," singit ni Elle na halatang kinikilig. "I wish meron din akis na ganyan."
"Fries?" Sagot ni Piyo.
"Pwede rin. Jutom na akis. Pero love life ang bet mes," sagot niya.
"Hmp. If I know leftovers lang yan sa fastfood," singit na naman ni Hannah at muli na naman siyang naghanap ng libro para sa assignment nila.
"Hindi naman Hannah. Alam mo naman na hindi kami pwedeng maguwi ng pagkain doon. Kailangan bibilhin," depensa ni Miggy sa kaibigan.
Tila wala ng narinig si Hannah at patuloy nalang siyang naghanap ng reference nila. Dahan dahan niyang kinukuha ang mga libro dahil baka masira ang bago niyang manicure.
"Uhm guys? Look at this!" Biglang pagtawag ni Hannah sa mga kaibigan. Hawak niya ang isang board na nakita niya na nakasingit sa mga libro. "Is this what I think it is?"
"Nabasa ko yan sa internet!" Sagot ni Piyo na medyo napalakas na dahilan para maglingunan ang mga tao sa library sa kanila.
"Hoy Piyo! Tahimik ka lang," pagpigil muli ni Alex. "Baka mapalayas pa tayo dito."
"Sorry," sagot niya gamit ang mahinang boses. "Ouija Board tawag jan. Pwede daw gamitin yan para tumawag ng kaluluwa ng mga namatay na."
"Ewww! This is so creepy! I don't want to hold it na," maingay na pagiinarte ni Hannah sabay abot ng board kay Alex.
"Shhhhhh," sabay na pagpigil sa kanila ng mga tao sa library.
Humingi ulit ng tawad ang mga magkakaibigan at pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa board na nakita.
"Pero di ba pare may parang glass na ginagamit jan?" Tanong ni Miggy. "Yun yung napapanuod ko sa mga movie eh."
"Let me guess, pirated cd's, right?" Singit na naman ni Hannah. Hindi nalang pinansin ni Miggy ang panglalait ng kanyang kaibigan.
"Ayon sa mga nabasa ko pwede naman daw kahit baso lang basta transparent," sagot ni Piyo.
"Hindi naman totoo yan eh," sagot ni Janine. "May nabalitaan na ba kayong nangyari na ginamit yan sa totoong buhay?"
"Oo nga," dagdag ni Alex. "Saka hindi naman yan ipinunta natin dito. Kailangan nating matapos yung assignment sa History."
"Hindi niyo ba napapansin," sagot ni Piyo. "Opportunity na to para sa barkada natin! Ang tagal tagal na nating magkakasama pero hindi pa tayo nakakagawa ng something adventurous."
"Wait. Are you saying na we should try calling the spirits?" Sabi ni Hannah.
"Oo," simpleng sagot ni Piyo.
"Bet ko this!" Sagot ni Elle. "Last kembot para sa graduation."
"You guys are insane!" galit na may halong takot na sagot ni Hannah.
"Pagbotohan nalang natin," suggestion ni Miggy. "Sino gusto na maglaro tayo nito? Itaas ang kamay."
Nagtaas ng kamay si Miggy, Piyo at Elle. Ang tatlong babae naman ay tila kinakabahan sa gustong gawin ng barkada nila.
"Tara na guys," pagpilit ni Piyo. "Pagkatapos ng graduation magtatrabaho na tayo. Hindi na tayo madalas magkakasama. Bonding na to."
Nagiisip pa rin ang tatlo sa sinabi ni Piyo. Nagtitinginan sila at inoobserbahan kung sino ang magtataas ng kamay. Napabuntong hininga na lang si Alex at nagsalita. "Papayag ako sa isang kondisyon..."
Natahimik ang lahat habang iniintay ang sasabihin ni Alex. "Kailangan muna nating matapos ang assignment sa History."
"Yes!" Napasigaw si Piyo at naglingunan na naman ang mga tao sa library.
"Wala namang mawawala di ba? Papatunayan lang natin na hindi totoo ang board na yan," pagpapaliwanag ni Alex sa dalawang kaibigan. Hindi na umimik ang dalawa. Talo sila sa boto ng barkada. Kahit dumating pa si Ed ay hindi rin naman sila mananalo.
"What are you doing?" Sermon ng librarian sa kanila na nagpatahimik sa kanilang lahat. Pasimpleng itinago ni Alex sa kanyang likod and board para hindi ito makita ng librarian. "Do you know where you are?"
"Sorry Ma'am," sabay nilang sagot na anim.
"Last warning," pagalit na sabi ng librarian at bumalik na ito sa kanyang upuan. Pagkaalis nito ay nagusap na naman ang magbabarkada.
"Saan tayo maglalaro?" Tanong ni Janine.
Ngumiti si Piyo sa mga kaibigan bago magsalita. "Ako na ang bahala diyan."
BINABASA MO ANG
The Game (Completed)140918
HorrorSa di inaasahang pagkakataon ay natagpuan ng mga magkakaibigan na sina Janine, Alex, Hannah, Elle, Piyo, Miggy at Ed ang isang Ouija Board. Inakalang ito ay simple lamang na laro at walang katotohanan, sinubukan ng mga magkakabigan na maglaro nito. ...