XXVI

603 19 0
                                    

Dumanak ang maraming dugo sa tiyan ni Janine. Namimilipit siya sa sakit ngunit hindi niya matulungan ang sarili dahil sa pagkakagapos. Nasasaktan man ay patuloy niyang pinagmamasdan ang kaibigan. Ang mukha niya ay puno ng pagtataka sa nangyari. Nakatitig lang din si Alex sa kaniya. Nakangiti ito na parang nanloloko at pinupunasan ang kutsilyong hawak gamit ang dulo ng kaniyang damit.

"A—Alex," banggit ni Janine sa pangalan ng kaibigan.

Tumawa ng malakas si Alex. Ang boses niya ay umaalingawngaw sa maliit na bahay na kanilang kinalalagyan. Halos maluha na siya kakatawa ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang sarili.

"Andito na rin tayo sa wakas," sabi niya nang nailabas na lahat ng kasiyahan sa katawan. "Ang tagal kong hinintay na mangyari to Janine."

"Anong nangyayari?" Tanong ni Janine. "Sagutin mo ako Alex! Anong nangyayari!"

Marahang naglakad lakad si Alex paikot sa kaibigan habang pinaglalaruan ang taban na kutsilyo. Sinundan naman ni Janine ng tingin ang bawat galaw niya. "Matalino ka, hindi ba?" sabi ni Alex. "Kaya mo ng sagutin ang tanong mo."

"Ma—Mang Danilo?" bigkas niya sa kaibigan. Inisip niya na ginawang instrumento ng ispiritu ang kaniyang kaibigan.

"Ehngk!" Sigaw ni Alex na ginaya ang tunog ng maling sagot sabay saksak muli ng kutsilyo sa tiyan ng kaibigan. Napasigaw naman ito sa sakit na naramdaman. "Oh come on Janine! You're better than that. Hula pa."

Umiiling nalang siya sa patuloy na pag agos ng dugo sa dalawa niyang saksak. Kasabay nito ang mahinang pag iyak ng dalaga. "Ugh! Wala ka na bang ibang alam kundi umiyak?" sabi ni Alex. "Siguro nga ay dapat na kitang tuluyan nang hindi ko na marinig ang nakakairita mong boses."

"I—ikaw ang gumawa nitong lahat?" Sambit ni Janine. Nanginginig siya sa mga sinabi. Naghahalong takot at panghihinayang ang kaniyang naramdaman para sa kaibigan.

"One point for Miss Janine Santos," sagot ni Alex habang pumapalakpak ng mabagal. "Kung nakita mo lang sana ang mga itsura nila habang nagmamakaawa sila sa kanilang buhay. Priceless! Pinakapaborito ko nga si Miggy eh. Matibay din pala ang lalaking iyon. Ngayon alam ko na kung bakit niyo siya pinagkakaguluhan ni Hannah."

"Walang hiya ka!" sigaw ni Janine. "Bakit mo ito ginagawa sa amin?"

"Bakit?" sabi ni Alex na ibinalik ang tanong ng kaibigan. Napatigil ito sa paglalakad at napakunot noo na parang dapat ay alam na ng kausap ang dahilan. "Ang tunay na tanong ay bakit hindi?"

"You see Janine, I planned all of these," dagdag ni Alex. "Alalahanin natin lahat ng mga masasayang ala ala para sa yo."

Pinagpagpag ni Alex ang kaniyang kinatatayuan at umupo rito para magkwento. Hindi pa rin niya binibitawan ang kutsilyong hawak at tila natutuwa pa ito sa matulis nitong pagkakagawa. "Sino kaya ang nagbigay ng ideya na pumunta ng library?" wika niya. Nakatingin lang si Janine sa kausap at hinihintay ang kasunod na sasabihin. "Itinago ko ang board sa parte ng library kung saan tayo maghahanap ng reference. Siyempre hindi ako ang dapat makakita para hindi masyadong halata. Malaki nga ang pasasalamat ko kay Hannah dahil kahit puro make-up lang ang alam ay marunong din pila niyang gamitin ang mata sa ibang bagay. Hindi naman mahirap makahanap ng ouija board sa panahon ngayon. Madami na ang nagbebenta ng peke sa mga online shops. Hindi ko naman kailangan ng totoo. Kailangan ko lang ng props para sa theatrical acts ko. Bigyan nalang natin ng title, The Revenge of Alex starring Miss Janine Effin' Santos. Ganda, hindi ba?"

Patuloy lang ang pagtitig ni Janine sa kaibigan. Tila namanhid na ang katawan niya sa sakit na nararamdaman. "Panibagong tanong," sabi ni Alex. "Sino kaya ang nagsabi kay Piyo kung saan magandang maglaro ng ouija? Nakita mo naman siguro ang pagtutol ko sa plano. Alam mo bang hirap na hirap akong umarte sa harap niyo na kunwari ay natatakot sa mangyayari? Gustong gusto ko na kayong patayin lahat pagdating natin sa bahay pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pwedeng mamatay lang kayo. Kailangan ko muna kayong pahirapan."

The Game (Completed)140918Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon