"Anak koooo!" Sigaw ng isang ginang habang inililalabas ng mga pulis ang katawan ni Elle sa kanilang school. Pilit niyang niyayakap ang malamig na bangkay ng anak at halos hindi na makahinga kakaiyak.
Nagkakagulo at nagbubulungan ang mga istudyante sa panibagong krimen na naganap sa kanilang school. Sina Alex, Janine at Piyo naman ay parang yelo na nanigas sa pagkakatayo. Puno ng pagtataka ang kanilang pag iisip sa nangyari.
"Kayo!" sabay turo ni Misis Maniquiz ng kaniyang dalari sa mga kaibigan ng anak. Nanlilisik ang mga mata nito at puno ng galit. "Anong ginawa niyo sa anak ko? Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa kaniya!"
Akmang sasampalin ng ginang ni Alex nang napigilan ito ng pulis. "Misis tama na ho," pigil nito.
"Ibalik niyo ang anak ko!" patuloy ang sigaw ng ina ni Elle. Halos lahat ng istudyante ay nakatingin na sa kanila. Pati ang mga guro ay walang magawa sa pangyayari. Pinilit hinatak ng mga pulis ang ginang at pinakalma para hindi na gumawa pa ng eksena. Nakatingin naman ang pulis na kumausap sa kanila noong nakaraan. Pawang nagbibigay ito ng mensahe sa kanila ngunit pagkapasok ng bangkay sa ambulansya ay umalis na rin ito kasama ang nanay ni Elle.
"Akala ko ba tapos na ang lahat?" Tanong ni Janine sa dalawang kaibigan. "Bakit nangyari pa ito kay Elle?"
"Wala rin akong ideya," paliwanag ni Piyo. "Sinunod naman natin lahat ng nakasulat sa nabasa ko kaya sigurado tayong naibalik na natin ang masamang ispiritu na iyon kung saan man siya nanggaling."
"Baka naman may mali tayong nagawa?" Sabi ni Alex. "Imposibleng magpatuloy pa ang patayan kung natapos nating mabuti ang laro. Baka mali yung nabasa mo. Piyo hindi pwedeng mangyari ang ganito sa atin ng wala man lang eksplanasyon."
"Hindi ko alam Alex," mahinahon na sagot ni Piyo. "Hindi ko na alam ang iisipin ko."
Napaisip si Alex bago magsalita. Nag aalangan siya kung sasabihin ba niya sa mga kaibigan ang pumasok sa isip niya. "Hindi kaya hindi na ispiritu ang gumawa kay Elle nito kundi isang tao na?"
"Siya pa rin," marahan na sagot ni Janine. Nagtinginan naman ang dalawa rito. "Nakausap ko pa si Elle kagabi. Sinabi niya sa akin na andito siya uli bago pa maputol ang linya."
Lalong nanlumo ang mga mukha nina Alex at Piyo sa sinabi ni Janine. Nagsisisi sila na hindi nila kaagad natulungan ang kaibigan na tumawag sa kanila kagabi. Abala si Piyo na nagbabasa at nanunuod sa internet kaya hindi niya namalayan na tumutunog ang kaniyang telepono. Kung napansin lang sana niya ang mga iyon ay marahil buhay pa ang kaniyang kaibigan.
"Kasalanan natin lahat ng ito," sabi ni Alex. "Hindi natin siya natulungan kagabi."
"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Janine. "Hindi pwedeng maghintay nalang tayo na maubos ang barkada natin. Ayokong pang mamatay!"
Ngunit walang nakuhang sagot si Janine. Tanging malalagim na tingin lang ang kayang ibigay ng mga kaibigan.
"Paano kung—," sabi ni Piyo. Ang mga mata niya ay nakatitig sa mga kaibigan. "Paano kung magsama tayo ng bagong manlalaro?"
"Nahihibang ka na ba?!" sigaw ni Alex. "Alam mo pa ba ang iniisip mo Piyo? Gusto mong magdamay ng iba? Gusto mong may mangyari ring masama sa ibang tao? Galit na sa atin ang nanay ni Elle. Ayaw ko ng may madagdag pa na iba sa gulo na ito."
"Wala na akong maisip na ibang paraan!" sagot ni Piyo. "Habang tumatagal ay lumalapit ang buhay natin sa piligro. Baka iyon lang ang paraan para matigil ang kalokohan na ito. Iyon lang ang tanging paraan para maisalba ko ang buhay niyo!"
"Baka tama si Piyo," singit ni Janine. Napalingon naman kaagad si Alex sa pagkakasambit ng kaibigan. "Baka kapag nagsama pa tayo ng ibang manlalaro ay magkaroon tayo ng panibagong oras para makahanap ng solusyon dito."
"Ano?!" Hindi makapaniwalang sagot ni Alex. "Buhay ang pinag uusapan natin dito. Anong klaseng tao tayo kung gagamit tayo ng iba para lang humaba ang buhay natin. Kung ganiyan ang iniisip ninyo ay wala rin tayong pinagkaiba sa ispiritu na humahabol sa atin!"
Hindi sumagot ang dalawa. Litong lito na sila at wala na silang ibang maisip pa para sa ikaliligtas ng kanilang buhay. Lahat sila ay ginagambala ng takot at hindi makapag isip ng mabuti.
"Maghahanap tayo ng paraan," pagbababa ng tono ni Alex. "Walang titigil sa atin hangga't hindi tayo nakakanahap ng solusyon pero sa ngayon ipahinga muna natin ang utak natin. Pagod tayo at takot. Hindi natin mapagkakatiwalaan ang mga ideya na nasa isip natin."
Natapos ang kanilang usapan pagkabigkas ni Alex ng mga salitang iyon. Dahan dahan silang naglakad pabalik ng kanilang classroom. Iniinda nila ang mga tingin at bulong na ibinibigay ng mga tao.
BINABASA MO ANG
The Game (Completed)140918
HorrorSa di inaasahang pagkakataon ay natagpuan ng mga magkakaibigan na sina Janine, Alex, Hannah, Elle, Piyo, Miggy at Ed ang isang Ouija Board. Inakalang ito ay simple lamang na laro at walang katotohanan, sinubukan ng mga magkakabigan na maglaro nito. ...