XIII

654 22 4
                                    

Kaagad kumalat sa kanilang lugar ang pagkamatay ni Ed. Isang sikat na basketbolista ang natagpuang nakabigti sa mismong ring kung saan madalas siyang maglaro at magpractice. Pati ang media ay naipakalat na rin ang balita sa telebisyon.

Ang buong iskwelahan ay nagluksa sa pagkawala ng isang magaling na atleta. Pati ang mga istudyante at mga guro sa kanilang school ay nagtataka at natatakot na rin sa mga kakaibang pagpatay na nangyayari sa kanilang lugar. Ang mga pulis naman ay patuloy pa rin ang pag iimbestiga sa mga nangyari ngunit alam ng magkakaibigan na hindi ito masusulusyunan ng simpleng pag iimbestiga ng mga pulis. Kakaiba ang lagim na pumapalibot sa kanila at sila lang ang makakahanap ng kasagutan kung paano ito mapipigilan.

Hindi pa rin makapaniwala ang magkakaibigan. Ang dating barkada na binubuo ng pito ngayon ay lima nalang at hindi nila sigurado kung sa mga susunod na araw ay mababawasan pang muli ang bilang ng kanilang grupo.

Nagtagpo tagpo muli ang magkakaibigan sa libing ni Ed. Lahat sila ang nagluluksa at natatakot sa pangyayari. Pinakaapektado sa lahat ang kasintahan ni Ed na si Alex. Hindi niya nakuhang magsalita, kumain, matulog o kaya naman ay umiyak. Ang tanging nagawa lang niya ay tumulala at tumahimik sa isang tabi.

"Guys ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Janine sa mga kaibigan. "Natatakot ako."

"Akes din sis kinakabahan na," dagdag ni Elle. "Wis akes makatulog pagkatapos ng nangyari kay lover boy Eddy."

"Even me sis Elle," sabi ni Hannah na parang silang dalawa lang ni Elle ang magkausap. Hindi pa rin niya pinapansin si Janine simula ng lamay ni Miggy. "Every kaluskos that I hear makes my puso beats super fast. I can't even go to the toilet without asking my yayas to make sama to me."

"Huwag kayong matakot," sabi ni Piyo. Lahat naman ay naglingunan sa kaniya pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Pati si Alex ay napatingin na rin. "Nagbasa ako sa internet noong mga nakaraang gabi. Pinilit kong maghanap ng paraan para makatakas tayo sa sumpa ng laro."

"And?" Sabi ni Hannah. "Did you find something?"

"Mahirap maghanap pero may nakita akong isang article tungkol sa laro. Thesis iyon ng isang grad student sa US kaya sigurado naman na mapagkakatiwalaan iyon."

"What nga?" Tanong muli ni Hannah. Halatang naiirita sa paputol putol na kwento ng kaibigan.

Kumuha muna ng lakas ng loob si Piyo bago magsalita. "Kailangan nating tapusin ang laro," pag uulit ni Piyo sa mga katagang binitawan niya noing naglalaro sila.

"So what's new?" Sabi ni Hannah na mukhang nadismaya sa sinabi ng kaibigan. "We've heard that one na."

Huminga ng malalim si Piyo bago magsalita. Halatang hirap din siyang ipaliwanag ang solusyon. "Kailangan nating mabuo ang baso na nabasag. Iyon lang ang tanging paraan para matigil ang sumpa ng laro."

Lahat sila ay tila nawalan muli ng pag asa pagkarinig ng mga salita na binitawan ni Piyo. Hindi na nila nakita kung ano ang itsura ng baso pagkatapos nilang maglaro ngunit sa lakas ng tunog na kanilang narinig nung gabing iyon ay sigurado sila na mahirap gawin ang sinabi ng kaibigan.

"Imposible naman yata yan Piyo," sabi ni Janine. "Ni hindi nga natin sigurado kung nandun pa ang baso sa bahay na iyon."

"Wis ba pwede na mag buysung nalang tayis ng bago?" Sabi ni Elle.

Umiling lang si Piyo sa sinabi ng dalawa. "Hindi pwede. Ang basong iyon ang tumawag sa kaluluwa kaya iyon lang ang makakapagpabalik kung saan man siya nanggaling."

"There must be like another paraan to make balik that ispiritu to wherever man siya nanggaling before," sabi ni Hannah. "Read more from the internet."

"Halos isang linggo akong naghanap ng kasagutan pero wala akong nakuha kundi iyan lang," paliwanag ni Piyo. "Mahirap man pero wala tayong magagawa kung ayaw nating—,"

Nag alangan si Piyo na ituloy ang kaniyang sasabihin. "Ayaw nating?" Tanong ni Janine na iniintay ang kasunod ng sasabihin ng kaibigan.

"Kung ayaw nating masundan pa ang dalawa nating kaibigan," biglang sagot ni Alex na binasag ang kinikimkim niyang katahimikan. "Wala tayong magagawa guys. Mahal ko kayo at ayoko ng mabawasan pa ang ating grupo. Kailangan nating gawin lahat ng makakaya natin kahit mahirap."

Hindi naman na tumanggi at nagreklamo pa ang iba sa sinabi ni Alex. Naisip nila na habang tumatagal ay lalong lumalapit sa panganib ang kanilang buhay at kailangan nalang nilang magtiwala sa isa't isa at hindi na magkagulo pa.

Napagdesisyunan nalang ng magbabarkada na kunin kinabukasan ang mga matutulis na piraso ng nabasag na baso para pagkitin dikitin at buoin. Hindi na nila binalak na puntahan ngayon ang bahay sapagkat lahat sila ay pagod na rin lalong lalo na si Alex na namumutla na rin sa gutom at puyat.

Lahat nalang sila ay umuwi sa kani kanilang bahay ng araw na iyon. Nagdarasal at humihiling na sana sa gabing iyon ay walang mabawas sa kanilang grupo. Na sana, sa paghihiwalay nila ay makikita pa nila ang bawat isa kinabukasan.

A/N:
Hiiiiii! 😜 really sorry guys for a very late UD. Tapos short na UD pa nilabas ko. Bad writer. 😂😂 I've been very busy lately. Madaming nangyari sa simple, payak at personal kong buhay at hindi ko na nakuhang magbukas pa ng wattpad. 😞😞

Maraming salamat pala sa mga nagvote ng mga chapters ng The Game. Naappreciate ko po na makakita ng notifications pagkaopen ko ng app. 😁😁 Konti palang tayo guys pero medyo masaya nako sa turn outs. Hahaha.

Will UD more soon. Struggle lang talaga. Haha. Babawi ako. Hahaha.

Comments and votes! Labyuol! 😘😳

The Game (Completed)140918Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon