Kaba at takot ang bumalot sa mga magkakabigan ng gumalaw ang taban nilang baso. Di nila inaasahan na totoo ang laro na kanilang sinimulan. Lahat sila ay nagtitigan at naghintay kung sino ang unang magsasalita o kaya ay gagalaw. Tila ni isa sa kanila ay walang planong gawin ito dahil natulala sila sa pangyayari.
"Stop fooling na Piyo!" biglang sabi ni Hannah ngunit halata sa kaniyang boses na kinakabahan siya. "Like what you did is true. Halata naman that you move the baso with your own hand."
"Bakit ako?" Tanong ni Piyo. "Hindi ko yan ginalaw."
"Like we're gonna believe you," sagot ulit ni Hannah. "You're always making pranks kaya to us. This is not funny Piyo. I'm going to call my Dad and I'll make sumbong about you."
"Hindi nga ako!" Sigaw na ni Piyo. Medyo kinakabahan na rin si Piyo dahil sigurado siya na hindi siya ang naggalaw ng baso. "Baka si Elle."
"Wiiiis!" Sabi ni Elle sa mataas at nakakabinging tono. "Moyket naman akis magloloko ng ganern?"
Napalingon si Janine sa bintana dahil humangin dito na naging sanhi ng paggalaw ng apoy ng kandila at pagtunog ng basag na salamin sa bintana. Ang lamig na kaniyang naramdaman ay dumagdag sa kaniyang kaba.
"Alright. Hand's up tayo guys para malaman natin ang totoo," sabi ni Ed.
"Huwag!" Sigaw ulit ni Piyo. "Di ba sabi ko na kapag nagumpisa ang laro ay bawal tanggalin ang mga kamay dahil makakawala ang ispiritu."
"Para nga malaman natin ang totoo," sabi ni Miggy.
"Siguro kaya pinipigilan mo kami dahil tama kami at hindi talaga totoo ang larong yan," sabi ni Janine na kinampihan ang manliligaw.
"Hindi nga ako ang naggalaw ng baso," paliwanag ni Piyo. "Ang kulit niyo naman eh."
Kinakapa na ni Hannah ang bulsa niya gamit ang libreng kamay para kunin ang kaniyang cellphone ngunit nakahawak pa rin ang kaniyang kabilang daliri sa baso. Ang mga kaibigan naman niya ay nagtatalo at nagtuturuan kung sino ang naggalaw ng baso. Handa ng tawagan ni Hannah ang kaniyang Daddy ng bigla siyang pinigil ng kaibigan.
"Hannah," mahinahong tawag ni Janine.
"What?!" Galit na tono ni Hannah na sa cellphone pa rin nakatingin.
"Look," sabi ni Janine. Pagtingin ni Hannah sa baso ay lumipat na ito sa letrang H at nasundan ito ng letrang I.
"Hi," pagbasa ni Alex at tiningnan nito ang mga kaibigan na natutula muli at natahimik sa nakita. Hindi na nakuhang i-dial ni Hannah ang Daddy niya sa nakita.
"Sige Piyo. Papatulan namin ang kalokohan mo," matapang na sabi ni Ed at humarap ito sa board. "Hi ispiritu. Ikaw ba yung lalaki na nagpakamatay sa lugar na ito?" Sarkastiko nitong tanong.
Gumalaw muli ang baso at tumapat ito sa salitang NO. Napalunok ng laway si Ed sa nakita. Nagtatapang tapangan pa rin siya kaya nagtanong siya muli. "Eh sino ka? Ikaw ba yung tinawag namin?"
Nagsimula ulit gumalaw ang baso at tumapat ito sa YES. Lahat sila ay nagtaka sa pinuntahan nito. Magsasalita na sana si Miggy pero gumalaw ulit ito at pumunta sa iba't ibang letra. Binigkas ng malakas ng magkakaibigan ang bawat letra na natatapatan nito. Pagkatapos mabuo ng salita ay sinabi ni Elle ang nabuo nito.
"Pinataya ko?" Bigkas ni Elle. "San tumaya si koya? May lotto na ba nun? Emeghed! Baka pwede natin ipasplook kay koya killer ang winning numbeeeeeer!"
"Pinatay ako," seryosong sabi ni Janine. Tahimik muli sila sa nalaman tungkol sa ispiritu na kanilang tinawag.
"Ay anes ba yan. Wala kasing space," biro ni Elle. "So wis troot ang narinig naming splook?" Tanong niya.
"Seryosohin mo Elle," singit ni Ed. "Baka hindi nakakaintindi ng gay language yung multo." Inirapan lang siya ni Elle at inulit muli ang pagtatanong.
"So hindi totoo ang mga narinig namin? Ano ba ang nangyari sayo koya? Sino ang pumatay sayo?"
Gumalaw ulit ang baso at apat na letra lang ang pinuntahan nito na siyang ikinalaki ng mga mata ng magkakaibigan. K-A-Y-O.
Napaluha si Hannah sa nakita at humigpit ang hawak ni Alex at Janine sa isa't isa. Hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng ispiritu sa kanila.
"Piyo tama na!" Sigaw ni Miggy. "Natakot mo na yung tatlo. Masaya ka na ba?"
"HINDI NGA AKO!" Galit na pagpapaliwanag ni Piyo. "Bakit ayaw niyo kasing maniwala na totoo itong laro na ito. Akala ko ba papatunayan natin ito tapos nung nalaman ninyo na totoo ay hindi na kayo agad maniniwala."
"Naniniwala akis kay Papa Piyo," sabi ni Elle. "Sobra naman kung ganitey ang trip ni papa. Maniwala nalang tayis at wis magsisihan please?"
"Guys tama na," sabi ni Alex. "Tapusin nalang natin ang laro at magpaalam na tayo para matahimik na ang ispiritu."
"Teka lang Alex," pigil ni Ed. "Kailangan muna nating malaman kung bakit tayo ang sinisisi ang ispiritu."
"Oo nga," singit ni Janine. "Bata pa lang tayo ng namatay yung ispiritu di ba? Bakit tayo ang sinisisi niya?"
Kumalma si Miggy at Piyo at nagtanong muli sila sa ispiritu ng board. "Bakit kami ang sinisisi mo?" Tanong ni Piyo.
Hindi gumalaw ang baso at inulit muli ni Piyo ang kaniyang tanong. Bigla itong gumalaw at mabilis na nagpapalit palit sa letrang H at A.
"Sagutin mo kami ispiritu," sabi ni Alex na hindi pa rin nawawala ang kaba. "Bakit kami ang sinisisi mo? Anong ginawa namin sayo?"
Patuloy pa rin ang pagtawa ng ispiritu sa kanila. Paulit ulit ang pagbalik nito sa dalawang letra na tila ba hinahamon at tinatakot pa silang mabuti.
"Guys I don't want to play na," sabi ni Hannah na sira sira na ang make up dahil sa tulos ng kaniyang luha. "I'm super scared."
"Akis din sis. Ayoko na," sabi ni Elle na nanginginig na.
"Tama na," sabi ni Janine sa ispiritu pero hindi pa rin ito tumitigil.
"Tama na!"
Walang pagbabago.
"Tama na!!!"
Patuloy pa rin ang halakhak ng ispiritu. Hindi pinapakinggan ang hinanaing ng magkakaibigan.
"TAMA NA!" Isang malakas na sigaw ni Janine at bigla niyang pinigilan ng libre niyang kamay ang paggalaw ng baso. Tumigil ito sa paggalaw at dahan dahan nalang pumwesto sa gitna ng board.
"Tapusin na natin ito," sabi ni Alex. Lahat naman ay sumang ayon sa sinabi ng kaibigan at nagpaalam na sila sa kaluluwa. Pagkatapos ay sinimulan na nilang iikot ito pakanan nang biglang napatigil sila sa nakita.
Gumalaw muli ang baso at pumunta sa mga letra. Binasa muli nila ang nabuo nitong mga salita.
"Lahat kayo," bigkas ni Piyo. Tila lalo silang naguluhan sa sinabi ng ispiritu.
"Lahat kami ay ano?" Tanong ni Ed sa nabitin na salita ng ispiritu.
Dahan dahang gumalaw ang baso at pumunta ito sa mga letra ng M-A-M-A-T-A-Y.
Pagkatapos mabuo ng salita ay umihip ang malakas na hangin at namatay ang apoy ng kaisa isang kandila sa harap nila. Nabalot ang magkakaibigan ng kadiliman na naging sanhi para magbitaw bitaw sila at magyakapan.
Isang malakas na tunog ang kanilang narinig na nagpataas pa ng kanilang pinaghalo halong kaba at takot. Isang tunog na alam nilang magiging hudyat ng masalimoot na pangyayari sa magaganap sa kanila.
Ito ay ang tunog ng baso na nabasag sa gitna ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
The Game (Completed)140918
HorrorSa di inaasahang pagkakataon ay natagpuan ng mga magkakaibigan na sina Janine, Alex, Hannah, Elle, Piyo, Miggy at Ed ang isang Ouija Board. Inakalang ito ay simple lamang na laro at walang katotohanan, sinubukan ng mga magkakabigan na maglaro nito. ...