XIX

624 14 1
                                    

Isang malakas na ulan ang nagpagising sa mahimbing na tulog ng mga magkakaibigan. Umaga na ngunit tila ang araw ay ayaw pa ring magpakita sa kanila. Halos sabay sabay naman silang nakareceive ng text na kanselado ang klase sa araw na iyon dahil sa lakas ng ulan na kanilang nararanasan.

"Emeghed! Enebeyen," bulalas ni Elle. "Moyket naman jumulan pa."

"Ayaw mo nun," sagot ni Piyo. "Walang klase. Ibig sabihin maraming oras pa para matulog muli. Halos alas kwatro na rin kaya tayo nakahiga."

"Ay true," sabi ni Elle. "Lakas nga ng hilik mo kagabi papa eh."

"Oo nga," dagdag ni Janine. "Parang walang konsiderasyon sa amin. Una ka pang nakatulog. Parang wala kang inaalala ah," pagbibiro niya.

"Hoy hindi ako naghihilik ah!" pagtatanggol ni Piyo sa sarili. "Patigilin mo nga Alex itong dalawa."

Hindi sumagot ang kanilang kaibigan bagkus ay nakatulala lang ito at pinagmamasdan ang pagtulo ng ulan sa kanilang bintana.

"Uy Alex," tawag muli ni Piyo sa kaibigan. Kaagad naman siyang natauhan at napatingin muli sa mga kausap.

"Ha?" sagot niya. "Ano yon? May iniisip kasi ako."

"Ano na namana ng bumabagabag sa yo Alex?" Tanong ni Janine.

Kinagat ni Alex ang kaniyang mga labi bago magbigay ng kasagutan. "Wala naman," panimula niya. "Iniisip ko lang ang nangyari kagabi. Kataka taka lang na hindi nagparamdam kagabi sa atin ang ispiritu. Ngayon pa na gumagawa tayo ng paraan para mapigilan siya."

"Mmm," sabi ni Elle. "Baka naman nashokot siya sa full force natin kagabi or baka nashogod. Rest day ganern."

"O baka nakakota na siya," sabi ni Piyo na may halong biro. Hindi naman nagustuhan ng mga magkakaibigan ang kaniyang sinabi ngunit hindi nalang nila ito pinagtuunan ng pansin.

"Okay na rin yun sis," singit ni Janine. "Hindi ba good sign na hindi siya nagparamdam sa atin? Ano man ang dahilan ay mas mabuti nalang na hindi natin masyadong pag isipan. Dapat nga ay matuwa pa tayo at ligtas nating natapos ang pagbuo sa baso."

"Hindi pa rin tayo dapat maging kampante," ani ni Alex. "Hangga't hindi natin natatapos ang laro ay hindi pa rin natin masisigurado na ligtas ang mga buhay natin."

Nagdala naman ng katahimikan ang pagpapaliwanag niya. Tanging ang maririnig lang sa kanilang bahay ay ang rumaragasang mga patak ng ulan at malakas na ihip ng hangin.

"Eh di tapusin na natin ngayern," suhestyon ni Elle sa barkada. "Habang may ara—este liwanag pa."

"Hindi pwede," kontra ni Piyo. Lahat naman ay nagtinginan sa kaniya sa pagpigil sa ideya ng kaibigan. "Sabi kasi sa nabasa ko, kailangan na tapusin natin ang laro kung saan din tayo nagsimula. Pati ang oras ay dapat akma sa pagtatapos ng laro."

"It all ends to how it starts," seryosong sabi ni Janine.

"Ay enebeyen sis," sabi ni Elle sabay kamot ng ulo. "Moyket ang creepy nung ikaw yung nagsplook."

"Ironic di ba?" dagdag ni Piyo. "Pero mas mabuti na rin iyon para matahimik na talaga ng tuluyan ang ginambala nating ispiritu."

Sinangayunan naman ng magbabarkada ang sinabi ng kaibigan. Pagkatapos noon ay pinagpatuloy nalang nila ang pagpapahinga para sa paparating na pagsubok na mangyayari sa kanila mamayang gabi.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at halos tila lalo pa itong lumakas nang kinagabihan ngunit hindi nito napigil ang magkakaibigan na magkita kitang muli sa tapat ng palengke isang oras bago sumapit ang hating gabi.

Muli ay tinunton nila ang masikip na eskenita patungo sa nasabing bahay. Bawat yapak ay hinihiling ng magkakaibigan na sana ay ito na ang huli nilang pagbalik sa lugar na iyon. Maputik man ang dinadaanan ay patuloy pa rin silang naglalakad at iniiinda ang malakas na ihip ng hangin. Buo ang loob ng mga ito na tapusin na ang lahat bago pa umabot sa panibagong karumal dumal na pangyayari.

The Game (Completed)140918Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon