XI

685 19 2
                                    

Isang linggo matapos ang libing ni Miggy ay naging normal na ang lahat sa magkakaibigan maliban nalang sa alitan na naganap sa pagitan ni Janine at Hannah. Simula noon ay hindi na sila nagpansinan at tila ba lumalayo na si Hannah sa barkada. Umalis na rin siya sa kanilang group chat at si Elle nalang ang palagi niyang nakakasama.

Nang kinagabihang iyon ang basketball tournament nila Ed at inimbitahan niya ang kaniyang mga barkada na manuod ng kanilang laro. Kalaban nila ang school sa kabilang bayan at sa gym ng school nila mismo sila maglalaro. Lahat naman ay sumangayon para na rin siguro mawala sa isip nila ang pagkawala ng isa nilang kaibigan at ang away na namuo sa kanilang barkada.

Magkatabing nakaupo si Janine, Piyo at Alex sa bleachers ng kanilang gym habang iniintay na magsimula ang laro. Halos mapuno na rin ng tao ang gym sa dami ng gustong manuod. Si Elle naman at si Hannah ay napagdisisyunang umupo ng medyo malayo sa mga kaibigan para hindi na magkagulo.

Nag aya si Hannah na magpunta sa CR para mag ayos ng sarili. Kaagad namang sumama si Elle para hindi maiwan at para ilabas na rin ang laman ng kaniyang pantog na kanina pa pinipigilan.

Silang dalawa lang ang nasa loob ng CR dahil malapit ng magsimula ang laro. Katahimikan lang ang bumalot sa lugar na iyon at ang mga yapak at kaluskos lang nila ang maririnig.

"Sis wit mo na ba talaga papansinin si sis Janine?" Tanong ni Elle kay Hannah habang nasa loob ng cubicle.

"Yuck!" Sabi kaagad ni Hannah na nagaayos ng buhok sa harap ng salamin. "As if! She's like nakakairita kaya. Feeling niya she's so important."

"Ang tagal na kaya nating friendships," sabi ni Elle. "First year palang tayis magkakasama na us."

"So?" Sagot ni Hannah. "She started it. That slap! Ugh! Hintayin lang niya. I'll make her pay for what she did. I hope she's next!"

"Uy sis. Wit ka naman magbanta ng ganern," sabi ni Elle. "Kakashookt kaya yung jumbagan niyong dalawa nung lamay."

"I just happened to make suot my lovely dress that I bought pa sa Paris nun kaya I did not make away," paliwanag ni Hannah. "And away is for cheap and low life. She's anak pa naman ng Mayor but she thinks and acts like a squatter. Ew."

"Pero sis, anes ba yung splook mo nun? May pa-you don't know everything ka pa?" Tanong ni Elle. "Anes  ba ang nangyari sa inyo ni Papa Miggy?"

Napatahimik si Hannah sa tanong ng kaibigan. Natatakot at nahihiya siyang ipaliwanag lahat sa kaibigan.

"Sis andiyan pa you?" Tanong ni Elle. "Ay! Anes ba yan. Iniwanan akes ng gaga."

"I'm here pa," sabi ni Hannah. "Don't worry about it. It's not impo—,"

Napatahimik muli si Hannah nang may narinig siyang sipol na umalingawngaw sa CR. Isang matinis at nakakakilabot na sipol.

"Elle is that you?" Tanong ni Hannah. "So cheap ha. You're like a boy when you make sipol," dagdag niya na may pabirong ngisi.

"Huh. Sis akala mes ikaw yun," pagtataka ni Elle. "Pagtatawanan pa naman sana kita." Kaagad namang tinapos ni Elle ang kaniyang gawain at lumabas ng cubicle.

"Di ba sis tayis lang dalawa ditey?" Tanong ulit ni Elle pagkalabas ng cubicle. "May umenter pa ba na iba?"

"No-none," nanginginig na sagot ni Hannah. Pagkasagot niya ay isang malakas halakhak ang pumalit sa sipol na kanilang narinig. Kasunod nito ay ang nakakangilong tunog ng isang metal na bagay na hinila sa tiles ng CR.

Nangtinginan ang dalawa at kaagad namang nagtatakbo palabas ng CR. Hindi na nila tiningnan ang isa't isa at nag unahan nalang sila papunta sa lugar kung saan may makikita silang tao. Huminto sila sa may hagdanan at hinabol ang kanilang mga hininga.

"What the— eff is that?" Tanong ni Hannah sa kaibigan.

"Wit ko knows—line sis pero kina—bahan akes," paliwanag naman ni Elle na hirap pa ring magsalita sa kakahabol ng hininga.

"That's probably nothing. Let's make lakad nalang. I got tired running kanina," sabi ni Hannah. Sumangayon naman ang kaibigan at naglakad nalang sila paakyat ng hagdanan papunta sa gym.

Bigla nilang nakasalubong ang tatlo pa nilang kaibigan na tila tumatakbo din at pagod na pagod.

"Anes ang ginagawa niyo?" Tanong ni Elle.

"Ma—may nakita si Alex," paliwanag ni Piyo. "Nagpa—paramdam na siya."

"Who? Miggy?" Tanong ni Hannah.

"Sana si Miggy nalang," sabi ni Piyo at tumingin siya kay Alex at hinintay na magpaliwanag.

Huminga ng malalim si Alex bago magsalita para hindi paputol putol ang kaniyang sasabihin. "Bibili sana ako ng chips at inumin kanina bago magsimula yung game. Nung pababa nako ng hagdanan narinig ko na magsisimula na daw kaya nagtatakbo muna ako pabalik para makita yung jump ball," paliwanag ni Alex. "Pero iba ang nakita ko. Nakatayo siya malapit sa may ring. Akala ko nung una anino lang kaya hindi ko masyadong pinansin pero nung nakita ko ulit—,"

Hindi na nakapagsalita pa si Alex ang humagulgol na siya. Kaagad namang niyakap ni Janine ang kaibigan at pinatigil ang pagluha niya.

"Isang hugis tao na nababalot ng itim na usok ang nakita niya," pagpapatuloy ni Piyo. "Nakangiti ito sa kaniya at nanlilisik ang mga mata na parang may intensyon na pumatay."

Nagulat at natakot ang dalawa sa narinig. Kaagad naman itong nagtingin at nagkaintindihan.

"U—us rin may naramdaman kanina," sabi ni Elle at hinawakan niya ang kamay ni Hannah.

Napatigil naman sa pagluha si Alex at tumingin sa mga kaibigan. Pati si Janine na hindi pinapansin si Hannah ay napatingin na rin.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Piyo.

Nagtinginan mula ang dalawa at kinuwento ni Elle ang nakakakilabot na pangyayari sa loob ng CR. Habang nagkukwento siya ay lalong humihigpit ang taban ni Hannah sa kaniyang kamay. Pagkatapos niyang magkwento ay kitang kita sa mga mata ng mga kaibigan na nadagdagan ang kanilang mga nararamdaman na takot.

"Lumalapit na siya sa atin," sabi ni Piyo. Ito ang unang beses na hindi tumanggi ang mga magkakaibigan sa sinasabi ni Piyo. Lahat sila ay kinabahan sa mga mangyayari.

"Lahat tayo ay mamamatay," sabi ni Elle na inulit lang ang sinabi ng ispiritu na kanilang tinawag.

Isang matinding tanong ang binitawan ni Janine na lalong nagpakaba sa mga magkakabigan. Lahat sila ay nangtinginan at umasa na may makakasagot ng nasabing tanong.

"Sino na ang susunod?"

A/N:
Weeeee. Eeeni-miniii-sino susunod? 😂😂

Abangan guys.😜

Votes and comments guys. Labyuuuu

The Game (Completed)140918Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon