Pagkatapos ng magbabarkada sa library ay dumiretso sila sa canteen. Tila lahat sila ay nakaramdam ng gutom sa dinalang pagkain ni Miggy para kay Janine kaya doon sila napadpad. Nakasunod na rin si Ed sa kanila dahil maaga daw silang natapos sa practice at may pupuntahan daw kasi ang coach nila. Kinuwento naman kaagad ni Alex sa boyfriend niya ang plano ng barkada at hindi naman ito kumontra.
"So saan na us?" Tanong ni Elle kay Piyo na nagsisimula pa lang haluin ang spaghetti na inorder nya.
"Itanong mo kay Alex," sagot niya. "Kumakain pa ako eh."
"Bakit ako?" Gulat na tanong ni Alex. "Akala ko ba ikaw bahala tapos ipapasa mo sa akin."
"Eh ikaw nakakaalam ng lugar eh," sagot niya. Mukhang hindi pa rin naliliwanagan si Alex sa sinasabi ni Piyo.
"Di ba Alex may kinuwento ka sa akin nung nakaraan. Tungkol dun sa mamamatay tao ten years ago," pagpapaliwanag ni Piyo. Nanlaki ang mata ni Alex pagkasabi ng mga salitang yon ni Piyo.
"Sinong mamamatay tao?" Tanong ni Janine kay Alex.
Huminga muna ng malalim si Alex bago magsalita. "Nagyayabang kasi sa akin non si Piyo tungkol sa mga nababasa niya sa internet. Sakto noon, may narinig akong kwento tungkol sa lalaki na pinatay yung buong pamilya niya at pagkatapos ay sinunog yung bahay nila kasama ang sarili nya."
"For real?" Tanong ni Hannah.
"Parang narinig ko na to," sabi ni Janine. "Baliw daw yan eh. Nagsisisigaw ng kung ano ano sa daan."
"Mali ka yata eh," singit ni Ed. "Ang pagkakarinig ko ay nakatali lang daw yan sa bahay. Hindi nga pinapakawalan dahil nga baliw kaso nung nakatakas saka pinagpapatay yung pamilya."
"Wis mga besh," dagdag ni Elle. "Yung splook sa akes eh wis naman daw baliw. Nabaon lang sa jutang si fatherhood. Was na daw maibigay na fudang sa family kaya jinembang nalang para wis majutom."
"Parang ganyan din narinig ko eh," sagot naman ni Miggy.
"How come na hindi ko alam this?" Tanong ni Hannah.
Sabay na sumagot ang anim niyang kaibigan. "Make-up and stuff."
"Oh ayos!" Singit ni Piyo. "May rason na tayo para kausapin yung kaluluwa nung tao. Aalamin natin kung bakit niya pinatay yung pamilya niya."
"Saan daw ba yung bahay na yun?" Tanong ni Ed.
"Yung nagiisang sunog na bahay malapit sa may palengke," pagpapaliwanag ni Piyo. "May eskinita don. Hindi masyadong napapansin pero pagpasok dun sa pinakadulo may sunog na bahay."
"Settled na pala eh," sagot ni Ed. "Kailan nalang ang tanong na kailangan nating sagutin."
"Later!" Sabi ni Elle na nagtaas ng kamay na parang nagbotohan sila.
"Hindi pwede. Kailangang matapos ang assignment di ba?" Kontra ni Alex.
"Ay true sis. Na forgot mes. Naexcite kasi akes. Bukas ng hating gabi?"
Wala namang umangal sa sinabi ni Elle kaya nakapagdesisyon na ang barkada na bukas ng hating gabi nila sisimulang maglaro ng board. Bukas ng hating gabi magsisimula ang malalagim na pangyayari sa buhay ng magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
The Game (Completed)140918
HorrorSa di inaasahang pagkakataon ay natagpuan ng mga magkakaibigan na sina Janine, Alex, Hannah, Elle, Piyo, Miggy at Ed ang isang Ouija Board. Inakalang ito ay simple lamang na laro at walang katotohanan, sinubukan ng mga magkakabigan na maglaro nito. ...