Mahilo hilo pa ng nagkaroon ng ulirat si Janine. Ramdam niya ang mainit na pagdaloy ng kaniyang dugo mula sa sugat sa kaniyang ulo. Dahan dahan niyang inilingay ang paningin at napansin niya na nakagapos siya sa isang poste. Abot lakas siyang kumawala rito ngunit walang epekto ang kaniyang ginawa. Ninais niyang sumigaw ngunit may nakabara sa kaniyang bibig. Naghahalong luha at dugo ang tumutulo sa kaniyang mukha. Tanging mahinang ungol lang ang kaniyang nailalabas mula sa bibig. Mas lalo siyang nagulantang nang napansin ang kinalulugaran niya. Napunta na siya sa lugar na ito. Ito ang bahay ng nilalang na pumaslang sa mga kaibigan niya.
Bawat kaluskos at pagaspas ng hangin ay pinakikiramdaman niya. Natatakot siya na ilang sandali nalang ay babalik na ang nilalang na nagdala sa kaniya sa lugar na iyon. Halos nagtatalon na siya para lumawag ang tali ngunit hindi pa rin ito lumuwag. Nanginginig na ang kaniyang mga tuhod sa pagod at tila nauubusan na siya ng lakas.
Napatigil ang kaniyang pagwawala ng bigla siyang nakarinig ng mabibigat na yabag mula sa labas ng bahay. Napansin niya ang anino nito sa bintana at nakitang papalapit ito sa pintuan ng bahay. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at muli ay pinilit makatakas sa pagkakatali. Dahan dahang bumukas ang pinto at napatitig nalang siya sa nakita.
Napuno siya ng ligaya nang nakilala ang tao sa may pintuan. Pinilit niyang tawagin ang pangalan nito ngunit hindi maintindihan ang lumabas sa kaniyang labi.
"Janine?" sabi ni Alex. Pawis na pawis ito at tila ba tumakbo ng malayo. "Buti at naabutan pa kitang buhay." Tinanggal niya ang bigkis sa bibig ng kaibigan para makapagsalita ito.
"Alex!" Bungad niya. Lalong bumuhos ang kaninang mga luha sa pagdating ng kakampi. Malaki ang pasasalamat niya at natagpuan siya ng kaibigan sa lugar na iyon. "Tulungan mo ako Alex. Dinala niya ako dito."
Kaagad namang naglabas ng panyo ang kaibigan at pinunasan ang mga dugo at luha sa kaniyang mukha. "Paano ka napunta dito?" Tanong ni Alex.
"Hindi ko alam," sagot ni Janine. "Binuksan ko lang yung pinto ng bahay namin kanina dahil akala ko kayo na yung dumating pero walang tao tapos biglang may humampas sa ulo ko at hindi ko na naalala ang nagyari."
"Hindi mo nakita kung sino yung humampas sa yo?" Tanong muli ni Alex.
"Hindi," matipid nitong sagot. "Nasa likod ko siya kanina."
"Pinadlahan niya ako ng mensahe," dagdag ni Janine. "Akala ko noong una ay prank lang iyon pero tinakot niya ako at inayang maglaro pagkatapos ay biglang namatay ang mga ilaw."
"Di ba tinawagan mo si Piyo? Nasan na siya?" dagdag na tanong ni Alex.
"Hindi ko rin alam," sagot niya. "Papatayin daw niya tayo Alex. Iisa isahin niya tayo. Hindi pa natatapos ang laro. Ayaw niya tayong patahimikin."
"Hindi mangyayari yon," sagot ni Alex.
"Bilisan mo na jan Alex," dagdag ni Janine. "Tanggalin mo na ang pagkakatali ko. Natatakot na ako. Baka dumating na siya."
Sumunod sa utos si Alex at lumuhod ito para simulang tanggalin ang tali sa paa ni Janine. "Ang sikip naman nito," sabi ni Alex na tila hirap na hirap tanggalin ang mga buhol.
"Nasa loob siya ng bahay namin kanina," kwento muli ng kaibigan. "Binabantayan niya ako. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa loob. Nakasarado lahat ng pintuan sa bahay namin."
"Sa susunod kasi huwag kang magbibigay ng spare key," sagot ni Alex.
"Anong spare key?" Naguguluhan na tanong ni Janine. "Ikaw lang naman ang binig—,"
Napatigil si Janine sa kaniyang sasabihin. Nabalot siya ng kaba sa pagkakasabi ng kaibigan. "Alex paano mo nalaman na andito ako?" Nagtatakang tanong ni Janine.
Hindi sumagot ang kaniyang kaibigan. Patuloy lang ito sa pagtanggal ng mga buhol sa kaniyang paanan. Nilingon niya ito at napansin na lalong nadagdagan ang buhol sa mga ito.
"Alex?"
Tumigil sa ginagawa niya si Alex at tumayo ito. Binigyan lang siya nito ng nakakakilabot na ngiti. Inilabas niya ang kutsilyo na nakatago sa kaniyang likuran at ibinaon ito sa tiyan ng kaharap.
A/N:
Owkay? 🤔
Nuff said. Bahala kayo jan! HahaSo this is my very short UD for today. Sana nagustuhan niyo!😈😈
Labyuol!
BINABASA MO ANG
The Game (Completed)140918
HorrorSa di inaasahang pagkakataon ay natagpuan ng mga magkakaibigan na sina Janine, Alex, Hannah, Elle, Piyo, Miggy at Ed ang isang Ouija Board. Inakalang ito ay simple lamang na laro at walang katotohanan, sinubukan ng mga magkakabigan na maglaro nito. ...