What If? (Book 1 Of Questions Trilogy)

1.1K 37 2
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

NOTE: This story includes grammatical and typographical errors, i'm sorry for that. I will try my best to edit all of those if i have an extra or free time. Still improving my writing skills here.

WARNING: This story also includes violence and prohibited language but I'll also try my best to control or avoid using it. Thanks a lot for reading guys!

God bless and I hope you'll enjoy reading this!😊💖

ALL RIGHTS RESERVED 2018 ©ATTHALIA❤

⚠️ MATURE CONTENT


PROLOGUE:

'Di na muling luluha 'di na pipilitin pang ikaw ay aking iibigin hanggang sa walang hanggan~

Nangibabaw ang mga liriko ng kantang nangagaling sa telepono ko kasabay ng malakas na pag-ihip ng hanging sumabay sa pag-eemo ko. Hays malas ka!

Ngunit naagaw ng atensyon ko ang nasa gawing kanan ko na napahihilamos sa kan'yang mukha gamit ang dalawang kamay na nagsisilbing panyo sa luhaan n'yang sistema, siya ang magiting na kapatid ko, hays!

Masyadong nakakaloko ang buhay, kaya naman magiging kaloko-loko rin ang kaganapang mangyayari sa iyong pamumuhay.

Pinaglalaruan tayo ng mundo't pinagpapakatanga sa mga taong nagsisilbing kahinaan ng bawat isa sa atin.

Ang mga taong walang ginawa kundi ang paglaruan ang bawat mada-dramang mga damdamin natin.

Tao tayo, nasasaktan, nagpapakatanga at higit sa lahat ay nagmamahal.

Dun nila tayo tinitira, sa kadahilanang alam nilang mahal natin sila't wala tayong magagawa kundi ang sumunod sa kanila't lumuha.

Mga natuturingang may mga utak, ngunit bobo.

Sa madaling salita kami ay ang tinagurian na matalinong bobo.

Para kaming ginawang buy-1-take-one ng kapatid ko, akalain mo nga namang itinuhog kaming pareho!

Sa kadahilanang ako ang naunang maloko't lokohin at sumunod naman ang mokong na wala ng ginawa kundi rin ang humagulgol.

Wala rin naman ako sa tamang huwisyo para man lang mag-advice at pagaanin ang loob nya sa kadahilanang maski ako ay hindi alam kung paano ito sisimulan eh tapos na nga, psh! hugot yun wag kang maano r'yan.

Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit.

Mas mahirap pang pag-aralan ang mga nararamdaman kaysa sa mga academics na pinangungunahan ng algebra't calculus na kahit isang pangresulba sa problemang pang-mate-matika ay hindi ko makuha, mahina ako dyan e, bakit ba putsaa ka, Haha!

Nakabibingi ang katahimikan na namamagitan sa'min ng loko at walang nag-atubiling sirain ang moment namin.

Ang moment ng katangahan.

Nakakaloko lang na halos parehas kami ng pinagdaanan, hindi man magkaparehong-magkapareho ay nandoon ang puntong pareho ang ikinahinatnan.

What If? (Book 1 of Questions Trilogy)Where stories live. Discover now