"One of the most important things you've to keep in mind: YOU ARE GENUINELY UNIQUE IN YOUR OWN WAY."FRANCHESSCA'S POV❤:
"Oh doon na muna tay--" naputol ang pagsasalita ng bakla.
"Doon na lang sa bahay, winniebells." nakaismid na tugon ni son.
"Pero namimiss na rin siya ni tita Jeya!" nabubugnot habang inaayos ang buhok na tugon nito.
"Ayun nga yung iniiwasan natin eh, dapat sa bahay--"
"Bawal ako magdesisyon sa sarili ko?" sarkastikong binalingan ko ang dalawa.
"Samin ka muna te! Hayaan mo yan si beki, hmp!"
"Oy hindi ako bakla ah!"
"Che! Lika na nga te, epsi yan!" maarte niyang inikutan ng mga mata si son habang ang isa namang ito ay napapakamot ng ulo na sumunod na lamang sa aming dalawa.
Hindi kalayuan ang bahay ng kaniyang tita rito. Ayun ang higit na nakakaintindi sa kaniya dahil may pagkakahawig sila ng mga pinagdaanan.
Nang tuluyan kaming makapasok sa bahay ay halos hindi ko na makilala ang lugar na ito. Naging magarbo, elegante at madisenyo.
"Franchesscaaa biii!" agad akong napangiti gayundin ang muntikan ng matawa ng makita ko si tita jeya na muntikan ng matalisod sa pagkataas-taas ng kaniyang heels habang pababa sa hagdan dahil sa pagmamadali nito papunta sa gawi ko.
"Tito, este tita jeyaaa!" tatawa-tawang
sinalubong ko ang mahigpit na yakap nito.Siya ang tumayong magulang ni winniebells. Ang nag-aruga sa kaniya mula pa lamang noong maliit siya. Ang mga magulang ng bakla ay kung hindi adik sa pagsusugal ay yosi, droga at alak ang bisyo. Kung tutuusin nakabibilib na hanggang ngayon ay nanatili ang tibay ng loob ng bakla.
At hindi kayo nagkakamali ng iniisip, transgender si tita jeya.
"Ay jusq! Muntikan ko ng hindi makilala ang batang ito! Ang pogi kadiha!" si sonson naman ngayon na nakangisi rin ang niyakap niya.
Nang mapansin nito ang maleta ko ay agad siyang napataas ng kilay.
"Sa amin ka na titira, biii?" maligalig na inagaw sa akin nito ang maleta ng hindi ako sumagot sa tanong niya.
"Hindi man lang ako na-miss nung isa dyan." nakabusangot na drama ni winniebells na kasalukuyang pinagigitnaan pa namin ni son.
Bahagya kaming natawa sa banat niya. Maging si tita jeya ay nakangisi siyang binalingan.
"Echosera ka! Laki'ng jeya ka ng bakla ka ha! Wag kang mag-jinarte dyan! Hindi mo keri!" palong-palo ang boses na singhal nito.
Inirapan lang siya ni winniebells habang siya naman ay maarteng ipinalipad patungo sa likod ang kaniyang mahabang buhok.
"Oh ano pang hinihintay ninyo? Mga junakis, meryendahan na!"
Nanatili ang ngisi sa aming mga labi habang kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa kusina.
Nang tuluyan kaming makarating dito ay hindi ko muli naiwasan ang mamangha sa nakita ko.
"Grabe naman mag-evolve yung bahay mo titaaa!" mapagbiro kong panimula sa usapan.
Dumagundong ang tawanan bago muling may magsalita.
"Mabilis lang ang panahon kaya ipinangako ko rin sa sarili ko na kailangan kong makapagpundar ng bahay at negosyo na ipapamana kay Jr. Willie," mapagbirong binalingan ni tita si winniebells habang ang isa namang ito ay nakangising napairap.
YOU ARE READING
What If? (Book 1 of Questions Trilogy)
RomansaWhat if? Isang katanungan ngunit maraming utak ang lilituhin at paglalaruan. Isang katanungang walang espesipiko o katiyakang dahilan ngunit mahihinuha ng bawat mambabasa ang sagot sa nakakubling katanungan ng bawat mga tauhang kani-kaniya ang uri n...