CHAPTER 7: HINT

207 6 0
                                    

PS: Ito po ang kauna-unahang chapter na magsisimula ang love story ng mga unnie't oppa ko, hehez! Hindi na po kasi nasundan ang weightlifting eh! Kaya eto ako ngayon at nag-iimbento, hehe! Iba na talaga pag fan na fan, diba po? Hehe. Ilang taon din akong nagpakabaliw kay bok joo yah at joon hyung ah, hahaha! Kaya ayan! Sa mga katulad kong fan nila, heloww po! Enjoy reading this chapter! Sana po ay ma-enjoy nyo ang pagbabasa gaya ng pagka-enjoy ko nung sinusulat ko ang bahaging ito, hehe! As usual THANK YOU PO! I LOVE Y'ALL AND GOD BLESS!❤

CHESSY'S POV❤:

Isang linggo na ang nakalipas magmula nung na-ospital ako. Sa pangyayari'ng naganap ay hindi tuloy ako makalabas ng bahay ni te jes ngayon, haist. Miss ko na ang mundo, punyemas! Ang bobo ko kasi magmaneho eh,kainis!

Kasalukuyan akong nakaupo sa couch at lumalantak ng alibaba kaharap ang telebisyon na naglalaman ng corny'ng love story na hindi ko alam kung bakit ko pinanonood.

Agaran kong nilipat ang channel sa yey at mas nag-enjoy pa ako sa napapanood ko. Doraemon na madla, hehehe.

Nabigla ako ng may balabag na umupo sa tabi ko. Walang iba kung hindi ang panget kong kapatid. Saglit niya akong binalingan ng tingin at biglaan na lamang kumuha ng isang alibaba na nasa malaking plastic na binili ko lang naman. Wala ng mas i
kakapal pa ang mukha sa panget na kapatid kong to.

Napailing na lamang ako at muling bumaling sa telebisyon. Maya-maya pa'y narinig ko ang halakhak ng kumag sa tabi ko. Dahilan ng pangingialam ko na sa presensya niya rito.

"Wala ka bang magawa,ha?" nakakunot ang noo kong binalingan ito.

Hindi niya lang ako pinansin at muling nagbukas ng alibaba chips na kinakain ko. Argh! Buyset, tangina.

Muli ay galit na naman akong napaharap sa telebisyon. Di ko nalang din siya papansinin, ma-i-stress pa ko sa kanya. Ampanget naman ng mukha.

Nang mawala si novita sa istorya ay muli akong napabaling sa katabi ko. Humihikbi ang loko, baliw na ata to.

Nang mapatingin sa supot kung nasaan ang sandamukal na alibaba ko ay nagulat ako nang makitang nag-iisa na lang ito. Kukuhanin ko na dapat ito ng may biglang kamay na agarang kumuha rito. Mas lalo lang nangunot ang noo ko at hindi na pinalampas pa ang ginawa ng napakapanget kong kapatid.

"Akin na yan!" Sigaw ko rito.

Agad niyang pinunasan ang mga luha niya at nakakunot din ang noo'ng bumaling sa akin.

"Bakit? Ikaw ba bumili nito?!" namumula ang mga mata at ilong niyang singhal sakin.

"Oo ako! Akin na nga yan panget, isa!" pinandilatan ko pa siya ng mata.

"Ayaw ko nga! Nauna na akong kumuha eh, nyenye!" dinilaan pa ako nito at nilayo pa sa akin lalo ang chips.

Aagawin ko na dapat ang chips ngunit naagaw ang atensyon ko ng may biglaang maglapag sa amin ng dalawang malaking plastic na ang laman ay puros chichirya.

Napalingon kaming dalawa rito at agarang tumayo ang panget kong kapatid at natuwa sa nakita niya.

"Kuya iverrrr!!!" tili nito at agarang niyakap ang mokong na nakatayo sa harap namin ngayon.

Niyakap din niya ang kapatid ko at ginulo ang buhok nito.

"Na-miss kita kuya, ambango mo naman!" masayang sabi nito na nagpaikot ng mata ko, plastik pwe!

"Oh ikaw senyora musta?" nakangising baling sa akin ng mokong.

"Pwede huwag ka humarang sa tv? Kung pwede lang sana nuh,hehehe!" sarkastiko kong tugon na nagpahalakhak dito.

What If? (Book 1 of Questions Trilogy)Where stories live. Discover now