CHAPTER 25: BAD NEWS

177 5 0
                                    

IVER'S POV❤:

Kasalukuyang nakabusangot ang pagmumukha ko sa ngayon dahil sa ginagawa ng maton na 'to.

May gana pa talaga siyang ngumiti ng magharap kami, dala-dala nito ang maleta niya.

"Balik.," seryoso at nakasimagot kong panimula rito.

Tinaasan naman ako nito ng kilay na para bang naghahamon na kaagad ng away.

"Nakapag-desisyon na 'ko tungak ka ba?" pabalang nitong sagot atsaka nagtangkang lampasan ako ngunit agad kong hinila ng marahan ang palapulsuhan niya.

"Saan ka naman lilipat, ha?" seryoso ko pa ring tanong dito.

Pagalit niya namang itinanggal ang kamay ko sa kaniyang palapulsuhan bago magsalita.

"Maraming salamat son pero hindi na ako pwedeng magtagal pa rito," may diin ngunit mahinahon nitong sambit, ang pananalitang siya lang ang bukod tanging nakagagawa.

"Saan ka nga lilipat?" nakakunot ang noo kong tanong dito.

"Nakahanap na nga ako," masama na ang tingin at tono ng pananalita nitong sabi.

"Bigay mo buong address sa'kin at ihahatid kita papunta ron," nauna na akong tumalikod ngayon ngunit sa pagkakataong ito ay siya naman ang pumigil sa akin.

"Huwag na, kaya kong mag-isa nuh ako pa ba?" nakangising saad nito na muli kong sinimangutan.

"Ihahatid kita.," i insist.

"Huwag na nga sabi! Aiishhh!" napakamot na ito sa kaniyang ulo.

"Bakit? Kasi wala naman talaga, right?" sarkastiko akong ngumisi rito.

"Stay.," seryoso ang ekspresyon na dagdag ko.

"Tas ano? Para saan, ha?! Para ikaw naman ang mapahamak?!" nanlilisik ang mga mata nitong bulyaw sa akin.

"Franchessc--"

"Bulag ka ba son, ha?! Kami! Kami ang target! Sa side nami--"

"Bakit nawala si lejan kung ganoon? In short, tayo ang target. Kaya hindi ako papayag na ngayong gabi ka pa maglalakbay para lang maghanap ng matirahan at mapahamak samantalang pwede ka namang magpalipas ng kahit ilang gusto mo pang araw dito.," nagmamadali at mahinahon ngunit may diin'g sabi ko,kasalukuyang hinihingal sa tension.

"Kailangan ko ng umalis.," sabi nito na agad ko uling pinigilan ang kaniyang tangkang paghakbang.

"Hindi, hindi ka aalis., hindi pwede." padarag niyang muling hinila ang kaniyang siko paalis sa kamay ko.

"Mas lalong hindi na pwede pang may mapahamak, kailangan lumayo ako sa inyo, kailangan kong lumipad ng ibang bansa o kung di yun afford sa ngayon ay kaila--" agad siyang napahinto sa pagsasalita ng biglaan ko siyang hinila upang mayakap.

Makalipas ang iilang minuto ay hindi pa rin ito nagalaw sa balikat ko.

Narinig ko rin ang unti-unti nitong paghikbi. Bagaman di ko siya nakikita  ngayon sa posisyon namin, naisisiguro ko namang bumigay na ang kaniyang mga luha.

Hindi man ako niyakap nito pabalik ay sapat na ang lahat para sa akin.

Kailangan kong gawin ito dahil alam kong masyado nang mabigat ang ipinagdaraanan niya.

Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng ulo niya sa balikat ko, inihilig niya pa ito at tuluyan ng napahagulgol.

Dahan-dahan kong itinapik ang kaniyang likuran, masasabi kong walang sing sakit ang marinig ang bawat pagluha niya.

Iba ang epekto nito sa akin at masasabi kong labis akong nasasaktan kapag nakikita ko ang babae'ng minahal ko ng buong buhay ko na hindi na kinakaya pa ang pasanin ng mundo.

Ang babae'ng nagturo sa aking maging malakas na sa ngayon ay unti-unti ng nanghihina at nawawalan ng pag-asa.

Ang babae'ng halos puro kabutihan lamang ang ginawa sa buong buhay niya ngunit maski ang sariling pamilya ay hindi matanggap ang totoong pagkatao niya.

At ang babae'ng hindi sinukuan ang buhay kahit ilang beses na siyang binigo ng mapait na kapalaran.

Sa tanan ng buhay ko, ngayon ko lang siya nakitang umiyak. At hindi lang iyak, kundi hagulgol.

Bahagya kaming nagulat ng mag-vibrate ang telepono niya, dahilan para kumalas siya sa yakap ko at inilabas ito.

Marahas niyang pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi atsaka bumuntong-hininga ng malalim.

Nagtagal ito ng ilang segundo sa pagtitig sa kaniyang telepono ng tuluyan niya na itong nailabas.

Sa huli, sinagot niya ito ngunit hindi siya ang nagsimula ng usapan.


















"Franchessca anak..., " boses ni tita jaz ang narinig ko sa kabilang linya.






Hindi pa rin sumagot si chessy sa halip ay nanatili lamang itong nakikinig.





"W-wala n-na a-ang p-papa m-m-mo..."










~~~
I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞
(712 words)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What If? (Book 1 of Questions Trilogy)Where stories live. Discover now