'She's falling inlove now, losing control now, fighting the truth tryin' to hide'🖤*C10's POV*
(IVER'S CHAPTER🖤)'She's falling inlove now, losing control now, fighting the truth tryin' to hide'🖤
*bzzzzzzzzz
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko at napapagod man ngunit mas pinili kong imulat na muna ang mga mata ko sa pagkakapikit nito.
Nasa flight ako ngayon patungong pilipinas. Hindi ako amerikano wag kayong mag-alala, okay? Pogi lang talaga ko.
*mimaaaa calling
At ayan ang tumatawag, ang mima kong miss na miss ko na. Hayy! Kumusta na kaya sila? Matagal-tagal rin akong nawala.
'She's falling inlove now, losing control now, fighting the truth tryin' to hide'🖤
Naka-headphones ako actually. Mapagpanggap lang, tamang pagpapacool, diba?
Kusang tumigil ang kanta ng tumunog ang ring tone ng phone ko.
'I don't wanna love you anymore, i dont wanna love you anym---'
Panandalian kong ipinause ang kanta at sinagot ang tawag ni mima.
'Hello, anak?!' Magkahalong pagtatanong at excitement ang mababakas sa pagsasalita ng pinakamamahal kong babae sa buong mundo, she's my one and only mima!
'Hmm, mima?' Pagbabalik tanong ko rito, kasabay ng pagkukusa ng labi kong mapangiti sa muling pagkakarinig ng boses ng mima ko.
Ewan ko ba. Pero pakiramdam ko talaga eh matagal akong walang contact sa kanila. Hindi ko nga rin alam kung ano bang klase ng trip ang napagdiskitahan ko nung araw na umalis ako ng bahay. At hindi lang bahay kundi nilisan ko rin ang pilipinas, oh ano lodi diba? Tas napagpasyahan kong pumunta ng U.S.
Yan na pinish na. Ni di ko talaga alam kung anong pumasok sa kokote ko noong mga panahong yun, peksman mga tol, crossed my heart pa para maniwala kayo, oh okay na ba?'Biy, Are you sure you're here within 3 hours? We're waiting for you! Please kung pupuwede lang pagmadaliin mo na yung nagmamaneho, nak!' Mas lalo akong napangiti sa sinabi ni mima ngunit sa kabilang banda ay namura ko rin ang aking sarili ng iilang mga salita.
Ano ba kasing nagawa nilang masama?
Wala naman eh. Ako lang talaga yung may problema, at akala ko na kapag nagpakalayo-layo ay mawawala nalang sa isang kisap mata. Pero hindi eh, sa katunayan mas lumala pa nga.Huli na ng mapagtanto kong hindi pala pag-alis ang solusyon, masyado ko lang tuloy napalala yung naging sitwasyon, mahirap kasing tumanggap pero di pa rin pala sapat yung ginawa kong pag-alis para makalimot sa lahat lahat.
Napabuntong hininga ako at nakalimot ng panandalian. Pero sadyang 'panandalian' nga lang. Ayaw ko man makasakit ng kahit na sino pero andami kong naperwisyo sa pag-alis-alis ko. I---
'Biy? Are you still there?' Nabigla ako ng mapagtantong hindi ko pa pala napapatay yung telepono. Hays.
'A-ahm, yes mi?'
'Ayss! Answer me immediately nga nak! May nangyayari ba dyan?' Nag-aalala ang tono ng boses nya.
'Nothing mi, I just wanna rest,' Pag-iiba ko ng usapan. I just don't wanna talk, at baka makaperwisyo na naman ako. I'm just a disaster to everyone, so it's better not to talk.
YOU ARE READING
What If? (Book 1 of Questions Trilogy)
RomanceWhat if? Isang katanungan ngunit maraming utak ang lilituhin at paglalaruan. Isang katanungang walang espesipiko o katiyakang dahilan ngunit mahihinuha ng bawat mambabasa ang sagot sa nakakubling katanungan ng bawat mga tauhang kani-kaniya ang uri n...