"Nobody could change what is meant to be happen."
JESSY'S POV❤:
"Naiintindihan ko po," nakayuko na sagot ko sa malinaw na paliwanag ni tito.
"Mauuna na kami, hija." tipid ang ngiti na sambit ni tito, maging ang mga mata nito ay makikitaan ng tamlay at pagkabalisa.
Bago pa man sila makaalis ay agad akong tumayo para yakapin si tito.
He patted my head while i'm gently tapping his back.
Gayundin ang iginawa ko kay tita na nanatili ang pagluha at paulit-ulit na pagdutdot sa kaniyang telepono.
Maybe she's still trying to reach their daughters.
Agad namang yumakap pabalik sa akin si tita atsaka ako hinalikan sa pisngi.
"Jes, take care of them for us, please." i held tita's hands just to feel that it was moist and cold.
"I would tita, hahanapin ko po si franchessca, she deserves an explanation, for sure po maiintindihan niya rin po ang lahat when the time comes." she hugged me again ngunit saglit lang ito.
She smiled at me kahit na alam kong pilit ito. I smiled back atsaka na sila tuluyang pumihit papatalikod.
Kumaway ako sa kanila ng malapit na sila sa pintuan papalabas. Gayundin ang ginawa ni tita kahit na matamlay ang buo nitong pangangatawan.
Tita Jazmine is getting thinner.
I massage my temples as I headed my way upstairs, directly in my room.
Nang tuluyan ng makapasok sa kwarto ay agad akong humilata sa kama.
Tears escaped from my eyes while reminiscing the whole story behind them.
I thought before tito didn't accept who they really are. Wheareas it's a total opposite. Tito's protecting them at all costs.
Ang pinakamasakit na part sa nangyayari sa pamilya nila ay ang katotohanan na hindi nila kayang intindihin ang isa't isa. But you can't blame any of them. Kasi lahat ng mga nararamdaman at saloobin ay tiyak malalim ang pinaghuhugutan.
Why is it hard to forgive someone? Why is it hard to believe in them once again? Lalo na at pamilya sila. Bakit hindi nalang nila muling ayusin ang kanilang samahan?
Ang hirap intindihin ng mga bagay-bagay. Kaya kung hirap na ako sa pag-iintindi pa lang sa sitwasyong ito, ay tiyak wala ito sa kalingkingan ng kanilang ipinagdaraanan at ipinipilit lampasan na pagsubok sa kani-kanilang mga buhay.
Maybe in time, nope, I hope someday they would understand it all.
FRANCHESSCA'S POV❤:
Napatungaga nung bigla kitang makita pagkalipas ng mahabang panahon
Kasalukuyang tumutugtog si sonson gamit ang gitara habang ang sintunadong mag-tiyahin naman ay sumasabay din sa kanta.
Highschool pa tayo nung una kang nakilala at tandang tanda ko pa noon pa may sobrang lupit mo na!
Binalot bigla ako ng guilt at kalungkutan. Para bang wala na akong karapatan na mabuhay sa mundo dahil sa muling pag-alis na ginawa ko.
Hindi ko lang alam kung pano basta biglang nagsama tayo
Di nagtagal ay napa-ibig mo akoMuli akong napabuntong-hininga. At pilit pinalis ang mga isipin na matagal ko nang ikinikimkim.
Mula umaga hanggang uwian natin laging magkasama tayong dalawa
YOU ARE READING
What If? (Book 1 of Questions Trilogy)
RomanceWhat if? Isang katanungan ngunit maraming utak ang lilituhin at paglalaruan. Isang katanungang walang espesipiko o katiyakang dahilan ngunit mahihinuha ng bawat mambabasa ang sagot sa nakakubling katanungan ng bawat mga tauhang kani-kaniya ang uri n...