CHAPTER 22: ABSENCE

135 7 0
                                    

FRANCISCA'S POV❤:

Kasalukuyang lumilipad ang isip ko habang nakikinig kay shugo. Oo, yung teacher ko sa math.

Ginagawa kong libangan ang pag-wre-wrestling ng mga ballpen ko sa ngayon.

Napabuntong-hininga ako ng mapasulyap sa kanang bahagi ng upuan, kung saan wala itong laman, ilang araw na.

Nag-aalala na ako.

Magmula nung araw na muntikan na akong madedok, kinabukasan non eh hindi na nagpakita pa si Crizilia.

Isang linggo na ang nakalipas at panibagong linggo na naman ngayon, ngunit wala pa ring bakas ng pinaka-matalik kong kaibigan.

Ilang araw na rin kaming hindi nagpapansinan simula nung marinig ko yung phone call na iyon. Hindi ko alam pero kusa ko siyang dinedma nang malaman ko ang bagay na iyon.

Bahagya akong nagulat ng tumunog na ang bell hudyat ng ikalawang asignatura.

Agad kong kinalabit ang nasa harapan para magtanong kung mayroon bang iniwang assignment si shugo. Kahit alam kong walang araw na ginawa kaming malaya non ay nanatili ang tanong ko---

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Crizilia.

Kasalukuyan itong lumalakad papasok ng aming room at mukhang hindi na naman ito uupo sa tabi ko, kaya inunahan ko na siya sa kaniyang
obvious na inaakto.

Nang mapadaan siya sa ikinauupuan ko ay agad kong hinigit ang kaniyang pulso.

Nang tuluyang mapaharap sa akin ito ay saka ko lamang napansin ang namumutla nitong mukha, maging ang mga labi.

Mabilisan akong pumihit papatayo atsaka niyakap siya ng marahas.

Nagulat ito ng bahagya na napag-alam ko ng gumalaw ang kaniyang magkabilang braso habang yakap-yakap ko siya.

Ipinigilan ko ang pagpatak ng mga luha habang kasalukuyan kong iginagawa iyon.

Makalipas ang ilang minuto ay kumalas na rin ako sa yakapan.

Nang pagmasdan ko siya ay marahas nitong kagat-kagat ang kaniyang pang-ibabang labi.

Ang kaninang nakayuko nitong mukha ay marahan niyang iniangat, binaling niya ang kaniyang paningin sa akin.

Hindi ko mabasa ang nais sabihin ng kaniyang mga mata ng magtama ang mga paningin namin, halo-halo ang emosyon na ipinanggagalingan ng kaniyang mga mata.

Iisang emosyon na nangingibabaw ang aking nabasa mula rito, at ito ay ang sakit. Nasasaktan siya.

Dahan-dahan ang pagngiti nito atsaka marahan ding nawala ang mga ngiti sa labi at unti-unting sumara ang mga mata...

Biglaan ang pagbagsak nito na eksakto sa aking ikinaroroonan.

P-papaanong? N-nawalan siya ng m-m-malay?

Nag-uunahang pumatak ang aking mga luha at mabilisang humingi ng tulong sa aming mga kamag-aral.

*Clinic

Dalawang oras na ang nakalipas ngunit nanatili ang humihimlay na kabuuan nito.

Labis ang pag-aalala ko, bagama't huminahon na ng kaunti ay hindi ko pa rin mapigilan ang maya't mayang pagtulo ng mga luha ko.

"W-what happened to h-her?" naagaw ng atensyon ko ang babae na kasalukuyang naglalakad papunta sa bed ni Crizilia.

Hindi ako nakasagot kaagad, tumagal ang titig ko rito bago tuluyang punasan ang aking mga luha.

"I d-don't know, b-bigla siyang n-nawalan ng m-malay." sinisinok na tugon ko rito.

"Who are y-you?" pinagmamasdan ako nito habang nakakunot ang noo.

"I'm her best friend., and you?" pagbabalik-tanong ko rito.

"I'm Cecilia Yoi, her sister," marahang tugon nito.

Hindi ko maiwasan ang mapa-iling at muling mapahikbi ng ibalik ko ang paningin sa kaibigan kong nakaratay sa hospital bed sa ngayon.

"She'll gonna be okay." bahagya akong nagulat ng hawakan nito ang mga kamay ko.

Nang mapasulyap ako sa gawi nito ay tipid itong ngumiti sa akin na hindi ko rin naman nasuklian.

Muli akong kumuha ng tissue sa katabing table ng higaan nito atsaka doon pinunasan ang mga muling tumulong luha ko.

"Ms. Johnson," napabaling ang atensyon ko sa medic na kasalukuyang papunta sa gawi namin.
"Dalawang class na ang hindi ninyo napasukan, narito na ang magbabantay sa kaniya, pupwede mo na siyang iwanan, hija." paliwanag ng doktora na bahagyang sumulyap sa gawi ng nakatayong kapatid nito.

Paulit-ulit akong napailing atsaka muling binalingan ng tingin ang walang malay na si Crizilia.

"Hindi po ako aalis, hindi ko po siya iiwan."

ALEX'S POV❤:

It's been a week at wala pa ring bakas ng kuya ko sa loob ng aming bahay.

Ayaw ko mang mag-isip ng negatibo ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na maiwasan pang sumagi sa isip ko ng mga posibilidad ng kaniyang pagkawala.

1. Maaaring mayroon itong pinuntahan na outing kasama ang mga kaibigan niya. Na imposible rin naman dahil marunong magpaalam ang isang iyon at isa pa, batugan ang mokong na yon.

2. Maaaring nagkaroon na naman sila ng alitan ni dad. Posible ngang naglayas siya para mag-alala kami sa kanya. Knowing him, tumatanda ang isang iyon ng paurong.

3. Maaaring na-kidnap siya ngayon at nasa peligro ang kaniyang buhay. Ito ang labis kong ikinatatakot at ikinahihina ng loob ko. Papaano ko siya mahahanap? Papaano na ang sinimulan kong pag-iimbestiga kung mauuwi lang naman ang lahat ng ito sa wala?

Mayroon akong pakiramdam na nasa gilid-gilid lang namin ang mga kalaban.

Marahil iniisa-isa na nga kami ng mga ito.

Ngunit sa ganitong kalagayan, ano ang laban namin? Kung maski sa katotohanan at imbestigasyon ay di-sapat ang aming kaalaman?

Kuya naman, bakit ngayon ka pa nawala kung kailan malapit ko ng malaman ang iginagapang kong katotohanan?

~~~
I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞
(902 words)

What If? (Book 1 of Questions Trilogy)Where stories live. Discover now