UNKNOWN'S POV:
My head's spinning like shit.
Napamaang ako lalo ng matunton ng mga kamay niya ang namuong sugat sa magkabilang gilid ng paa ko.
Marahan niya itong hinaplos habang kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi. Ipinipigilan ang muling mapabalikwas.
"C'mon i'll take you to the hospital," her eyes concerned na nakapako sa akin habang nanatili ang paulit-ulit na pag-iling.
"What if--"
She hushed me using her fingertips as she untied the thick rope around my hands, body and feet.
I moan loudly while she's untying the feet part. A drop of tears escaped from my eyes as I sighed heavily.
"I wouldn't let this happen to you again." her eyes showing sincerity as I saw her jaw clenched.
ALEX'S POV❤:
Iilang kalabit na lamang sa kalendaryo ay mag-iisang buwan na kaya naman kung anu-ano na ang isinagawa nila mom para makakuha ng impormasyon sa pagkawala ni kuys.
My mom's getting weaker day by day. Kapansin-pansin ang katawan nitong nangangayayat at ang mga labing namumutla.
Dad hired many investigators so as informants. Although hindi pa clearly stated na mayroong kakaibang nangyari sa pagkawala ng kapatid ko, still, ipinaliligiran pa rin ng mga naka-all black outfits na mga tao ang loob ng aming mansion.
Scheria. The mysterious girl which is secretly connected with us in some way.
Masasabi kong mas mabilis pa akong matutunton ang katotohanan kaysa sa di-mabilang na mga propesyunal na mga tao rito sa bahay.
FRANCHESCA'S POV❤:
Te jes❤:
Please come home na chessy, i'm terribly sorry for it.Hindi ko maiwasan ang mapa-iling habang kasalukuyang ipinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
Me:
No, te. I'm the one who should say that. Please give me more time to think.Matapos ma-itype ang mga salitang iyan ay agad ko ng in-off ang phone ko.
Sakto naman ang pagsilip ni sonson dito.
"We, wala na." inismiran ko ito kasabay ng pagtago ko sa bulsa ng aking telepono.
Napansin ko ang kaninang wala sa mesa, alak.
Nagkakamali na kayo ng iniisip ngayon dahil wala na kami kayla winniebells, oo naitakas niya na ako nasa condo niya kami ngayon.
Nagsalin ito sa dalawang shot glass habang nanatili ang pag-iling.
"Simpleng harot ka rin eh no," ginulo nito ang buhok ko habang ako naman ay binatukan ang loko na 'to.
"Gago ka ba? Si te jes yon tukmol, oh sige kahit maghalungkat ka pa rito, tingnan ko lang kung may mahanap ka dyan!" hinagis ko sa kanya ang telepono na muli kong inilabas sa bulsa ko.
Napahalakhak naman siya atsaka muling ipinatong sa hita ko ito. Inambahan ko ang mokong ng suntok.
"Oh," nakangisi nitong inabot ang shot glass.Agad ko naman itong kinuha at nilagok ng diretso.
Napangiwi siya sa ginawa ko, iiling-iling ako na kumuha sa maliit na planggana ng hating lemon na pinalilibutan ng yelo sa ngayon.
Tinaasan ko naman ito ng kilay dahil di naalis ang ngiwi sa mokong sa ginawa ko.
"Putangina ka ba?" nababanas ng saad ko na agad nakapagpahalakhak sa kanya.
"Grabe, buti pa yung pag-inom mo straight." sarkastikong saad nito na nakapag-paismid ng agaran sa akin.
Muli kong sinalinan ang baso at ipinaghalo-halo ang tatlong bote ng alak; margarita, tequila at vodka, nakangisi kong iniharap si sonson na muling napangiwi sa ginawa ko.
"Kadiri ka.," parang bading nitong saad.
"Mahina ka pala eh," nanatili ang tingin at ngisi ko rito habang nilalagok ang mga ito ng walang halong chaser.
Iiling-iling na inagaw sa akin nito ang baso samantalang di ko pa ubos! Umiinom pako, bastos amp!
"Alam mo, di maganda sa babae yan." nakasimangot na sermon nito.
"Hanggang ngayon ba ay babae pa rin ang tingin mo sakin?" nakangisi at tatawa-tawa kong tugon dito.
"At lalong mas hindi maganda yung ganyan kapag ang dahilan mo ng pag-inom ay ang para makalimot sa lahat," muli nitong seryosong banat.
Hindi naman ako naimik. Bingo.
"Para makalimot ka sa lahat, hithit paloob ang sagot diyan!" malokong dagdag nito na nakapagpahalakhak sa akin.
"Laro tayo!" parang batang animo'y biglang nag-transform ito.
Tatawa-tawa naman akong tumango.
"Ang mechanics ng game magpapanggap ka na babae for 1 hr," nakangisi nitong saad.
"Easy," mayabang na tugon ko na nakapagpaismid dito.
Humiga ako sa balikat nito at ipinaglapat ang mga daliri namin, holding hands kineme.
Humiga rin ito sa ulo ko habang nakahiga ako sa balikat niya, nasa sahig ang paningin ko.
"Usap tayo," mahinahon ang boses na panimula nito.
"Nag-uusap na tayo, son." sarkastikong saad ko.
Muli kaming ibinalot ng katahimikan ng iilang segundo bago ito muling nagsalita.
"Kung ikaw papipiliin, mahal mo o mahal ka?" hugot ng loko.
"Syempre wala, sa totoo lang eh ayaw ko ng magka-love life." kumawala ako sa pwesto namin na nagpahulog ng ulo niya sa kaniyang balikat.
Bahagya akong natawa bago magsalita ulit.
"Thumb wrestling tayo?" nakangising tugon ko rito.
"Babae nga ikaw kunwari sabi eh!" nakabusangot na saad nito na muling nakapagpahalakhak sa akin.
Masasabi kong higit na matibay sa anumang lovelife ninyo ang pagkakaibigan namin ni son.
ALEX'S POV❤:
"Mom, bat ko naman gagawin yon!" bulyaw ko rito.
"Alexis! Watch your voice!" mariin ang boses ni dad na suway sa akin.
Nanatili ang panlilisik ng mga mata sa akin ni mom.
Hindi na muling tumagal pa ng segundo ay naramdaman ko ang init ang hapdi ng pisngi ko.
Nanatili ang pagtagilid ng mukha ko at hindi na nag-abala pang hawakan ang pisngi.
Itinikom ko ng mariin ang bibig atsaka unti-unting iniangat ang aking paningin kay mom.
"I don't lie," seryoso at malamig ang boses na tugon ko rito.
"Walang taong hindi nagsisinunghaling, Alexis! At knowing you, you hate your brother so much! Na kahit dumating sa punto na mamatay na ang kuya mo, wala ka man lang pakialam!" humahangos at nanatili ang pagluha maging ang paghuhuramentado'ng bulyaw nito.
Agad akong pumihit papatalikod at hindi na pinansin pa ang mga sita sa akin ni dad.
"It's negligence's fault then, hahanapin ninyo lang kasi kapag nawala na, hindi ninyo ipagtuunan ng pansin habang nandito pa."
~~~
I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞
(1,039 words)
YOU ARE READING
What If? (Book 1 of Questions Trilogy)
RomansaWhat if? Isang katanungan ngunit maraming utak ang lilituhin at paglalaruan. Isang katanungang walang espesipiko o katiyakang dahilan ngunit mahihinuha ng bawat mambabasa ang sagot sa nakakubling katanungan ng bawat mga tauhang kani-kaniya ang uri n...