🎶I tried to run from your side, but each place I hide it only reminds me of you🎶
*C2's POV*
(FRANCISCA'S POV❤:)*Flashback
🎶I see you beside me it's only a dream....🎶
Magkahawak kamay naming tinahak ang daan patungong parke...
Parkeng natural na laruan, parkeng may mga nagpapalakasang halakhakan ang mga bata't may mga edaran, parkeng hindi ko inakalang wala nang saysay ngayong wala na pala ang taong nagsilbing pundasyon at aking pinanindigan sapagkat sa kanya nanggaling ang salitang ma-ti-bay....
*End of flashback
Nagising ako sa tunog ng alarm clock kong hindi ko namalayang kanina pa pala tumutunog... masyadong busy ang buong pagkatao ko sensya na, tsk!
Nagmulat ako ng mga matang maga pa dahil hanggang ngayo'y hindi sya mawala-wala sa naglalarong mga katanungan at ideya sa mala-snake-en-ladder kong utak. Mautak ako, men.
Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang bumangon ngunit bago ko gawin yon eh malamang sa malamang pinatay ko muna ang alarm clock, common sense dude, tsk!
Nag-inat muna ako ng iilang saglit ngunit nanatiling naglalaro sa kaniya ang aking isip, hindi ko alam kung minahal nya ba ako o ano, pero isa lang ang nasisiguro ko... sa kaniya umikot ang buo kong pagkatao.. pati nga kaluluwa ko eh kinuwa nya tignan nyo ko ngayon.... literal na wala sa sarili.. high na high pero low na low. Hays, kung di nyo ko maintindihan eh bahala na nga kayo! Kaya ako nagkakaganito kasi nga wala na sya, tsk tanga!
Tuluyan na akong tumayo at dumeretso sa banyo. Naligo ng iilang minuto at lumabas sa pintuan ng banyo na nanatiling sya parin ang laman ng buo kong pagkatao, hindi lang isip ko mga chong.. di lang isip ko, okay?
Nagbihis na ako ng v-neck white shirt at maong pants. Nag-kwintas pa ako ng krus at nagsuot ng inarbor kong loom bands, trip ko eh bakit baa?
Nang matapos ang mga sampung minuto ang tancha ko sa tagal ng oras na ginugol ko sa pagkilos ko kasama na ang pagbangon ko... Ganito ako katipid sa oras, time is gold, men don't waste your time. Marami na akong nalalamang mga paganti-ganto simula nung sya'y maglaho eh bakit ba ulit? Huwag nga kayong maano! Masyadong malungkot ang araw ko ngayon, at ganun din pala kahapon.. ewan basta simula nung mawala sya di na ako sumaya... humuhugot na rin pala ako no? Ngayon ko lang nalaman putsaa di ko to inaasahan tsk, tsk!
Nag-cap pako ng itim na nike malamang naka-check yun at may kulay white at ang kulay white nun ay yung check, baka di nyo pa makuha eh, mahirap na nakakatamad kasing umulit. At tsaka ako nagsapatos ng nike din para medyo cool diba? Tas nag-shades pako ng itim para mas cool at para mag mega-cool nako eh nagpabango pako ng hanes men, o putsaang yan diba? Napakacool haha!
Tuluyan na akong lumabas ng kwarto ko matapos kong magsintas ng orihinal na sapatos ko, wag kayo dahil orihinal at may tatak lahaaaattt ng gamit ko! Haha! Panay ang pabili ko noon eh, di naman halata kasi mahilig rin akong mag-dahilan at sapilitan ang kunwaring pagkagusto-gusto ng mga pambabaeng kasuotan, natural kelangan eh! Tsk!
Nang makalabas ng kwarto ay sinadya kong daanan ang kwarto ng kapatid ko.
Ang kwartong bigay sa kanya este, baka naman akalain nyo eh nang-aangkin na kami eh sensya na, ha?Binuksan ko ang pintuan non at hindi nga ako nagkamali, hindi iyon naka-lock malamang sa malamang eh diba hinawakan ko ang door knob at inikot kaya nalaman kong di sya naka-clock at hindi naglo-lock ang magaling kong kapatid, tsk! Sana may loko-lokong pumasok sa kwarto neto ng matauhan eh no? Sana pumasok dito ung isa pang tibong pinsan ko, haha! Basag na naman to! May ugali pa namang pagkamabugnutin ang kupal, hays! Tama na kwento, masyado ng humahaba eh no? Hehe.
YOU ARE READING
What If? (Book 1 of Questions Trilogy)
RomanceWhat if? Isang katanungan ngunit maraming utak ang lilituhin at paglalaruan. Isang katanungang walang espesipiko o katiyakang dahilan ngunit mahihinuha ng bawat mambabasa ang sagot sa nakakubling katanungan ng bawat mga tauhang kani-kaniya ang uri n...