CHAPTER 17: TROUBLE

106 7 0
                                    


"If it isn't your time yet, nobody could revise it."

FRANCISCA'S POV❤:

Hindi ko maipagkakaila na ibang-iba ang mga pangyayari ngayong mga nagdaang araw.

Ikauna, si Crizilia. Ikalawa, sa Palawan at ang pang-huli ay ang pagpunta ng mga magulang namin sa bahay nila ate jes.

Hindi ako nakasisiguro sa hinala ko sa ngayon, ngunit isa lang ang maisisiguro ko, at ito ay ang mayroong kakaiba sa ikinikilos ng bawat isa sa amin.

Nang pumunta ang mga magulang namin ay tila mayroon silang nais ipaliwanag. Ngunit sa kabilang banda ay napakahirap pakinggan ng mga sasabihin nila.

Kapag ipinagpilitan naman nila ang mga bagay-bagay ay tiyak wala sa amin ang magkakaintindihan. Nakalilito. Nakagigimbal. Nakababalisa.

Hinilot ko ng panandalian ang aking sentido kasabay ng paghinto ko sa paglalakad.

Mayroon akong nakitang anino sa bandang likuran ko. Ito ay anino ng isang babae na para bang kanina pang nakasunod sa akin.

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko dahilan ng paglakad-takbo kong akto.

Nang mabilisan kong sulyapan ang aking likuran ay nakasisiguro akong nagtatago ang isang yon.

Ipinagpatuloy ko ang aking lakad-takbo. Unti-unting tumulo ang mga pawis pababa sa magkabilang gilid ng noo ko.

Inilabas ko ang aking panyo para magpunas ng tumatagaktak na mga pawis sa noo ko.

Kasabay ng aking pagyuko ang naaninag kong paggalaw ng anino, tila may idinukot ito sa kaniyang bulsa.

Kasalukuyang nakatutok sa gawi ko ang baril na inilabas nito! Nasaan siya banda nakapwesto? Sadya ba talaga ang pagpapakita nito sa akin ng kaniyang anino?

Hindi pa natatapos ang samu't sari kong isipin ng biglaan akong makarinig ng isang malakas na putok ng baril.

Sa isang iglap lang ay mayroon akong naramdaman na pananakit at pagkahilo sa aking bandang ulo. Gayundin ang pamilyar na amoy ng isang tao na kasalukuyang nakayapos sa akin.

Makalipas ang iilang segundo ay unti-unting nang nagdilim ang aking paningin.

FRANCHESSCA'S POV❤:

*Unknown calling

Naalimpungatan ako sa biglaang pagtunog ng aking telepono.

Ang mga tao rito ay bagsak na. Nakarami kami ng inom kanina at magkakatabi kami ngayong lahat sa iisang malaking kama.

Nilingon ko ng panandalian ang orasan nito, alas-dose pa lang pala,haist! Eh sino naman to?

Hindi ko mawari kung sasagutin ko ba ang tawag o ipagpapatuloy ko na lang ang naudlot kong tulog.

Sa huli, sinagot ko na lang.

"Hmm?" mamikit-mikit na panimula ko.

"Nasa ospital ang kapatid mo," agad akong napamulat ng mga mata kasabay ng pagpinting ng aking tainga.

"H-ha? Ano kamo?!" nagtataka at kinakabahang sagot ko sa kabilang linya.

"U already heard, sa ospital sa binondo," nakakunot ang noo ko habang patuloy na pinakikinggan ang nasa kabilang linya.

Ano na namang naisipan ng kapatid ko? Pucha eh ang layo sa amin non!

"Give me the address." seryoso kong tugon dito.

"I'll text." maikling sagot nito atsaka ipinatay ang tawag.

Hindi na ako nag-alinlangan pang bumangon. Saglit kong sinulyapan ang mahimbing na tulog na si son atsaka dahan-dahang ikinuha ang susi ng kaniyang kotse sa loob ng bulsa ng shorts nito. Mabilisan ko ring ikinuha ang aking kulay black na jacket.

Nagkukumahog ngunit isinikap kong magdahan-dahan sa pagbaba upang hindi maistorbo ang mga natutulog.

Nang tuluyan kong matahak ang daan sa garahe ay agad akong pumasok sa kotse at mabilisang ipinagana ang makina.

Hindi ko na alam pa ang aking mararamdaman sa sobrang pagkahalo ng mga ito.

Matulin ang aking pagmamaneho at diretso ang tingin ko sa daan, maging ang mga stop lights ay hindi ako napahinto sa hindi matawarang bilis ng aking pagmamaniubra ng sasakyan.

Hindi ito maaaring mangyari. Hindi pupwede, hindi pupwedeng sa kapatid ko.

UNKNOWN'S POV:

Matalim ang diretsong titig sa akin ng babae na ito habang ang kaniyang mga labi ay ipinaglalaruan niya.

"Why did you do that?" mahinahon ngunit mariin ang boses na tanong nito.

"Ikaw, why? Why her?" balik tanong ko rito.

Sumilay ang ngisi niya sa mga labi habang ipinagmamasdan ako. Nang matunton ng kaniyang mga mata ang patuloy sa pagdurugong sugat sa likod ko ay marahan niya itong hinaplos.

"You're not a hero, remember huh?" she tries to sounds sweet but in the end it's still sounds sadistically sarcastic.

Ipinantayan niya ang mga matatalim na titig ko sa kanya maging ang lebel ng aming mga mukha.

"You just crossed the line," bahagya siyang humikbi atsaka tumango-tango.

"And...," she smiled again.












"You'll pay for it next time." muling bumalik ang kaniyang pagseseryoso.











~~~
A/N: Ready for the next 3 chapters? Gonna update it all tomorrow! ILY'ALL SO MUCH!😊❤

I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞
(778 words)

What If? (Book 1 of Questions Trilogy)Where stories live. Discover now