IVER'S POV❤:
Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos magmula nung madaling araw na mayroon akong nakitang babae sa tagong parte ng garahe nila ate jes.
Kung sino-sino na ang ipinagkuhanan ko ng impormasyon na sa tingin ko naman ay hindi naman nakatulong sa aking pag-iimbestiga. Paniguradong ang mga kabarkada ko ay napapaisip na rin sa biglaan kong pagtatanong ng mga weirdong bagay.
Wala ako ni isang pinagsabihan sa nakita ko. Isinarili ko ang lahat para maprotektahan ang nakararami.
Alam kong sa side nila ang puntirya ng misteryosong babae na iyon. Wala pa mang kababalaghan na nangyayari sa ngayon ngunit nakasisiguro akong paglipas ng araw ay mayroon ng biglaang mangyayari, at iyon ang hindi ko pupwedeng ipagsawalang- bahala na lamang.
Alasingko ng hapon ngayon at kasalukuyan akong nakakulong sa aking kwarto. Nag-iisip ng lahat ng posibilidad sa mga nangyayari at pupwedeng mangyari sa hinaharap.
Napapapilig ako ng ulo kapag sumasagi sa isipan ko na mayroong dadanak ang dugo sa aming angkan.
Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa kung sino man sa amin. Kailangan kong magkalap ng impormasyon at maghanap ng agarang solusyon nang sa gayon ay maibsan ang lahat ng mga ikinatatakutan kong mangyari.
Napabuntong-hininga ako kasabay ng pagbubukas ng aking laptop.
Paulit-ulit kong isini-search ang mga pangalan ng mga babaeng nakalap ko sa aking pag-iimbestiga.
At nakatutuwang isipin ngunit mayroong nahagip ang mata ko na weirdo'ng babae na isa rin sa mga babae na sinabi sa akin ni lejan kaninang madaling araw.
'Nathalia Sy'
I'm sure hindi sila nalalayo ng katangian ni franchessca. This person is indeed lesbian.
At tama nga ako, she really is. Napangalumbaba ako atsaka inisip ang maaaring koneksyon nito sa misteryosong babae, meron nga ba talaga? Napa-iling ako sa mga isipin kasabay ng pag-scroll down ko at pag-stalk sa kanyang timeline.
Muling napukaw ng atensyon ko ang isang ito ng makita sa mutual friends niya ang iba pang mga babae'ng kilala ni lejan. The siblings 'yoi'.
I immediately click the one whose lejan says he's close with.
'Cecilia Yoi'
I could tell that this person is a bi. And hindi ko maipagkakaila ang ganda niya. She looks like an angel, hindi mo siya mapagbibintangan sa mga ganitong bagay sa unang kita. But looks can be deceiving, right?
I unconciously shrugged sa mga isipin ko. I also scrolled down and looked for her sister instead. I saw it on her mutual friends as i clicked it.
'Crizilia Yoi'
Ang isa namang ito ay girly. Maganda rin ito at mala-anghel ang mukha gaya ng ate niya.
Nawawalan na ako ng pag-asang bumuntong-hininga na lamang ako at saka nag-scrolled down.
Balak ko na sanang ipatay ang aking laptop ngunit kusang naglakbay ang aking mga mata at nanlaki ang mga ito sa aking nakita.
I immediately checked twice kung siya nga iyon, and yes. What the fuck?
Isa sa mga mutual friends ng di ko kilalang babae na to si francisca. Franchessca's younger sister. Sa nakalap kong impormasyon sa ngayon ay mayroon akong napagtagpi-tagping isang bagay na malapit at naaayon sa aking imbestigasyon.
ALEX'S POV❤:
Natatandaan kong huling labas ko ng bahay ay noong naaksidente si franchessca, specifically last week.
Nagkulong ako sa kwarto ko ng buong bakasyon this year. Andami kong isipin to the point na pati ang kaisa-isang babae na minamahal ko ay nagsawa na sa akin.
Ang dami kong gustong sabihing tagong impormasyon tungkol sa iilang nakita kong kahina-hinalang galaw ng isang misteryosong babae, ngunit ang tanong kanino? Sino ang mapagkakatiwalaan tungkol dito? Ang hindi magpapahamak sa nasimulan kong imbestigasyon? Sa tingin ko ay wala, kaya sa ganitong bagay ay nagsasarili akong tumuklas ng impormasyon hanggang ngayon.
Sa iilang buwan na pag-iimbestiga ko ay andami kong nalaman na kahina-hinalang bagay. Ang daming koneksyon ng misteryosong babae na iyon, kung sino man iyon.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya kilala ngunit nararamdam kong malapit-lapit na ang araw kung kailan ko ito siguradong makikilala.
Mayroon na akong hinala, ngunit hindi pa ako sigurado at wala pa itong sapat na ebidensya. Sa panahon ngayon ay mahirap ng magpabara-bara ng desisyon.
Marami ang posibilidad na mga bagay na mawawala and worst... tao. The concequence might be this hard so i should keep it all to myself instead.
Even my curious brother is clueless. Kahit alam kong nawi-weirduhan na siya sa akin ay lagi ko siyang tinitingnan ng seryoso more in a way that my eyes speak to him. A stare that could possibly talks. I don't want him to dig in sort of things na sinimulan ko na. Masyadong delikado kapag dalawa pa kaming kumikilos.
I stare at my laptop as i typed for a fifth time. A possibly evidence in a safer way. Tiyak ang tanging pasasalamat na lang ang masasabi sa akin ng mga taong ikinamumuhian ako sa ngayon. I'm doing all of this for them.
MATT'S POV❤:
Kasalukuyan akong tumutugtog ng isang klasikong awitin gamit ang aking gitara.
'Nasan na siya ngayon?
Hinahanap mo't di mo alam ang lahat ng iyong gagawin, nawala siya sa piling mo''Ang puso kong ito'y inaalay ko sayo lamang kaya't wag ng magparamdam pag-ibig ko sayo'y nakalaan'
'Kailanman hindi ka masasaktan at kahit na anong mangyari tayo ay magmamahalan'
'At sa pagsapit ng dilim hindi mawawalay pag-ibig ko ay tunay'
Musika ang nagmimistulan kong kaibigan sa kabila anong pait at gulo na kasalukuyang nangyayari sa mundo.
Ang daming weirdo'ng inaakto ang iilan sa mga kabarkada ko at hindi ko maiwasang mag-isip ng negatibo at malalim sa ngayon.
Maaaring mayroon silang itinatago sa akin, sa amin. Hindi ko alam. Sa ganitong dahilan ay wala akong ideya sa lahat. Wala akong kwenta. Masasabi kong magugulat na lamang ang lahat na mayroon ng pumanaw sa aming angkan. At hindi iyon imposibleng mangyari. Ngunit wala akong ambag sa lahat, tangina.
Ako ang taong naghihintay na lang sa kamatayan ng kung sino man.
Ako ang taong gusto lamang ng saya ngunit lungkot ang ipinaparanas ng mundo sa akin.
Ako ang taong hindi masyadong inaalam ang mga bagay-bagay dahil alam kong may kumikilos na rito at hinihiling kong ang mga bagay-bagay na weirdo sa ngayon ay maglaho na lang parang bula sa pang-araw-araw na buhay ng bawat isa...
At ako ang taong may tiwala sa mga kabarkada ko na hindi nila ilalagay ang buhay ng bawat isa sa peligro at ginagawa ang lahat upang sa huli ang lahat ay maligtas sa kung ano mang trahedya ang maaaring maganap.
A/N: Enjoy reading guys, next u.d ko ay this week din po. I LOVE Y'ALL! 😊❤ (1,145 words)
I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞
SONG IN THIS CHAPTER:
'Kailanman- Introvoys'
YOU ARE READING
What If? (Book 1 of Questions Trilogy)
RomanceWhat if? Isang katanungan ngunit maraming utak ang lilituhin at paglalaruan. Isang katanungang walang espesipiko o katiyakang dahilan ngunit mahihinuha ng bawat mambabasa ang sagot sa nakakubling katanungan ng bawat mga tauhang kani-kaniya ang uri n...