*SPECIAL CHAPTER*CHAPTER 14: DE-STRESS (PART 1)

254 7 0
                                    

FRANCHESSCA'S POV❤:

'Tok tok tok tok'

"Mmmm!" nakapikit ang matang naalimpungatan ako sa kung sino man ang kumakatok.

'Tok tok tok tok'

"Pasok!" naiirita kong sambit atsaka unti-unting iminulat ang mga mata.

Tumambad sa akin ang mayroong malapad na ngiti na si te jes.

Napatingin ako sa bintana kung saan nakasarado ito ngunit kita sa labas na hindi pa ito nasisinagan ng liwanag, so madaling araw pa lang, pucha.

Tinaasan ko lang ng kilay si te jes samantalang humahalakhak naman ang isang ito at umupo sa gilid ng kama ko.

"Ay! Marunong ka ng magtaray, chessy ha?" tatawa-tawa pa ring panimula nito.

Napa-ismid naman ako sa sinabi niya.

"Ang aga-aga pa te bat mo naman ako ginising." nakahiga pa ring tugon ko rito. Napahikab pa ako at muling napapikit.

"Wake up! Wake up!" malakas ang boses kasabay ng pag-aalog nito sa katawan ko.

Napamulat muli ako ng mga mata atsaka naiiritang binalingan si te jes.

"Can't remember?!" nakataas ang kilay na muling paninimula ni te jes.

"Hmm?" walang-gana kong tugon dito.

"I'm disappointed." umiiling-iling na sabi nito.

Pilit kong inalala ang sinasabi niya sa akin at sa wakas naalala ko na, kung sinuswerte ka nga naman.

"Trip to Palawan ba kamo?" nakataas ang kilay na tanong ko rito.

Agad sumilay ang mga ngisi sa labi niya atsaka napatili ng parang bata.

"Excited akooo!" nalolokang sambit ni te jes.

"Di naman obvious te nuh?" sarkastikong tugon ko rito.

"Che! Kung ako sayo nag-wa-wash up ka na!" nagtataray na ani nito ngunit hindi mawala sa labi ang ngiti.

"Required pa bang mag-wash up?" sarkastikong tanong ko rito na nagpa-ismid naman sa kanya.

"May point ka dyan actually doon na talaga tayo maliligo chessy ang kaso nga lang pupunta ata si Nathalia ba yun? Pero okay lang naman din kung di ka ma--"
pinutol ko na ang sasabihin niya at agarang nagmadali papunta sa banyo ng kwarto ko.

"Madali ka naman palang kausap chessy ih, hihihi!" ngiting tagumpay ang nasilayan ko kay te jes bago ko tuluyang maisara ang pintuan ng banyo.

Napairap ako sa salamin ng makita ang magulo kong kabuuan.

Syeteee, kasama siya? Huhuhu, kailangan ko mag-ayos.

Muli akong napairap ng maisip na nagsisimula na naman akong ma-concious sa sarili ko kasabay ng pag-iisip sa kabilang banda ng taong unang nagparanas sa akin ng ganito.

Pupunta rin ba siya?

Napataas ang kilay ko ng wala sa sarili. Kung ako ang tatanungin, ayos na naman ako. Ang impokrita ko naman kung sasabihin ko sa ngayon na nakapag-move on na talaga ako ng as in, wala na. Nope, and i'm still not sure.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga isipin atsaka sinimulan ang araw ko ng isang totoong ngiti kasabay ng mga isipin at pakiramdam na maggiging masaya ang aming bakasyon sa ngayon.

Matapos ang ilang minutong paliligo ay inilock ko muna ang pintuan bago mag-isip kung ano ba ang dapat kong suotin sa ngayon.

Naalala ko ang sinabi niya sa akin noong friday. Kailangan ko pa bang mag-make up? Ang tanong meron ba akong make-up. Napaismid ako lalo sa mga isipin. Kaunti na lamang at mababatukan ko na ang aking sarili sa aligaga kong ikinikilos ngayon.

What If? (Book 1 of Questions Trilogy)Where stories live. Discover now