Chapter 3: She's Here

287 5 5
                                    

Chapter 3: She's Here

Kasalukuyan ng umaandar ang sasakyan papuntang Studio para sa isang interview na magaganap ngayong araw. Nakakaramdam ng kaba si Cameron na hindi naman dapat niyang maramdaman dahil unang-una sanay na siya sa mga ganitong interview. Pero iba ang pakiramdam niya ngayon, hindi niya malaman ano nga ba ito?.

She's confused.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagrelax sandali para maalis ang kaba na kanyang nararamdaman sa pagkakataon na ito. She open her eyes because her phone is ringing. She suddenly answer the call.

"Hello"

"Wayne...."Napangiti siya na marinig niya ang boses ni Callie ang matalik niyang kaibigan"Good luck sa Interview mo"Magiliw na saad niya.

"Thank you Callie"Sa oras na ito parang naalis na niya ang kanyang kaba."Nasaan naba kayo?"Tanong niya sa kaibigan. Alam niya kasing manobood ito sa kanyang Interview ngayon araw. Hindi nga lang sila nagkasabay dalawa kasi nauna na si Callie para pumunta doon.

"Nandito na kami"Excited na sabi nito sa kabilang linya.

"Malapit na rin kami eh"tipid na sagot ni Cameron.

"Ohhh sige na, ingat ka"at binaba na ang tawag sa kabilang linya

"Please...Umayos ka you have no reason para kabahan ka"Kausap niya sa kanyang sarili.

Nang makarating na siya sa Studio kaagad siyang pinadiretso sa isang Room para ayusan ang kanyang mukha kahit hindi na naman kailangan na dahil sa tanyag niyang kagandahan na mapapahanga ka talaga.

Lumapit sa kanya ang makeup artist at saka siya inayusan ng natural na makeup kasi ito ang sinabi ni Cameron na simple lang.

"Ang ganda ganda niyo naman po"Napangiti nalang si Cameron sa sinabi ng makeup artist.

"Hindi lang maganda,Sexy pa"Pambobolera ng bakla sa kanya"Kung lalaki lang ako liligawan ko si Miss Wayne..Kaso sorry Dyosa ako eh"Pagpapatuloy pa niya.

"Hahaha"Tumawa na lamang si Cameron dahil sa biro ng bakla sa kanya. Maganda ang baklang nagaayos sa kanya,aakalain mo ngang hindi ito bakla kung hindi pa siya magsasalita.

"May boyfriend kaba Miss Wayne?"Kusang tumaas ang dulo ng kanyang labi dahil sa tanong ng bakla. Hindi naman niya ito na sagot kaagad dahil ayaw niya itong pagusapan sa pagkakataon na ito.

"Ayy..Tahimik. Sige na nga hindi na ako magtatanong"At doon na tumahimik ang bakla na kanina pa siya binibidahan.

Maya-maya may pumasok na sa loob at para sabihan si Cameron na maguumpisa na ang Interview. Tumayo an siya at sumunod sa babae.

Nasa back stage na siya at lahat ng camera ay nakaayos na. Nandoon na rin ang sikat na magiinterview sa kanya si Iya Choi.

"Camera rolling in 1..2..3."at nagumpisa na ang Interview na magaganap.

"Welcome to my Show. Ngayong araw ipapakilala natin ang sikat na Fashion designer at Model sa Korea. Hindi naman talaga magpapahuli ang mga pinoy sa ganitong mga larangan...So, Wag na nating patagalin"Introduce ng Host na si Iya Choi. Huminga ng malalalim si Cameron at pumikit.

"Kaya mo yan"Sabi niya sa kaniyang sarili.

"Please Welcome....Cameron Wayne Mendez"Inihakbang na niya ang kanyang mga paa kasabay ng pagtutok ng ilaw sa kanyang katawan.

Pumasok siya na confident sa kanyang sarili at nakangiti pa habang kumakaway sa mga tao. Nakasuot siya ng blue green na dress na offshoulder at flat na sandals.

"Wow! Ang ganda ah"Gulat na sabi ni Iya dahil sa ganda ni Cameron ng makita niya ito. Kahit nakita na niya si Cameron sa mga litrato iba parin sa personal.

Let The Love Begin (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon