Chapter 28

112 5 0
                                    

Chapter 28

"Ow..you're here"Lumapit si Faith pero bago pa niya nagawa na ikawit ang kamay niya kay Dwight. Kaagad siyang iniwasan nito at lumuhod sa harapan ni Cameron.

"Ca-Cameron.."Nahihirapang sabi ni Dwight sa pangalan niya.

Iniangat ni Cameron ang kanyang mukha at nakita niya si Dwight na may luha. Gusto niyang hawakan ang mukha ni Dwight pero hindi niya magawa dahil nakatali ang kanyang mga kamay. Umiyak nalang siya at si Dwight na ang nagpunas nito. Pinagdikit nila ang kanilang noo.

"Shhh! Andito na ako..ililigtas na kita"Napairap nalang si Faith sa sinabi ni Dwight at marahan niyang hinila ang binata.

"Tama na iyan!"Sigaw niya.

"Bakit kapa nagpunta dito?"Naiiyak na tanong ni Cameron."Umalis kana Dwight..please!"

"No! Andito ako para iligtas ka"Hahawakan pa sana niya si Cameron pero isang malakas na putok ng baril ang pinakawalan ni Faith.

"Sige, isang hawak pa! Papatayin ko si Cameron!"Pagbabanta niya habang nakataas ang baril sa ere. Napaatras si Dwight kay Cameron."Good! Ngayon,susundin mo ang lahat ng ipaguutos ko, Babe. Kung ayaw mong mamatay ang babaeng iyan."Itinutok niya ang baril sa ulo ni Cameron.

"Kung ayaw mong mamatay si Cameron"Dagdag pa niya.

"Put down your gun,Faith. Please! Gagawin ko ang lahat wag mo lang siyang sasaktan. Lahat-lahat gagawin ko"Sabi ni Dwight habang nakatingin kay Cameron na umiiling.

"No...Please!"She mouthed.

Inalis na niya ang nakatutok na baril sa ulo ni Cameron."Good! Now,kiss me in front of her"Utos ni Faith. Napatingin naman dito si Dwight na may nanlalaking mata at pati si Cameron.

"No! Dwight!"

"Kiss me or I kill her?"She give a choice to him.

"Walang hiya ka,Faith!...Wag mong gagawin Dwight! Don't listen to her!"Utos niya kay Dwight pero nakita niyang iniyuko ni Dwight ang ulo nito.

Mali ang iniisip niya,hindi gagawin ni Dwight ang sinabi ni Faith. Hindi!

Pero nanghina siya na iniangat ni Dwight ang mukha at humarap kay Faith na nakangiti.

Ayaw mang gawin ni Dwight ito..pero kailangan niya para sa buhay ng babaeng mahal niya. Kahit masakit para sa kanya at lalo na kay Cameron, na humalik siya ng ibang babae sa harap ng taong mahal niya. Wala siyang magagawa, because this is the only way to spare her life.

"I'm waiting"Bored na sabi ni Faith.

"No..."

"Sorry, pero kailangan kong gawin ito,Cameron."Parang sinaksak siya ng paulit-ulit sa sinabi ni Dwight sa kanya.

Inabot niya ang mukha ni Faith at hinalikan niya ito ng paulit-ulit.

Hindi makatingin si Cameron sa ginagawa ng dalwa sa kanyang harapan pero kahit ayaw niyang panoorin, wala siyang magagawa dahil may nakatapat sa ulo niya na isang baril pag hindi niya pinanood ang nangyayari sa dalawa.

"Try to close your eyes and your brain will explode here"Pagbabanta ni Thana sa kanya while the gun pointing her head.

Paulit-ulit na sinasaksak ang puso niya, hindi na niya kayang makita ang taong mahal niya na nakikipaghalikan sa ibang tao. Sana panaginip nalang ang lahat ng ito. Sana hindi nalang ito totoo,sana hindi nalang ito nangyayari.

Gusto na niyang bumalik sa dati,kung sana hindi nalang siya umalis at iniwan si Dwight sana hindi ito nangyayari. Dahil mas doble pa ang sakit na nararamdaman niya, ayaw na niya.

Let The Love Begin (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon