Chapter 26

117 4 1
                                    

Chapter 26

"Mia"Tawag ng kasamahan niya sa kanya. Lumingon naman ito at lumapit at inabot ang hawak nitong folder kay Mia. Isa siyang empleyado dito sa Ianthe nakasama narin niya minsan si Cameron at nabaitan siya dito.

"Bigay mo kay Miss Faith"Sabi ng kausap niya.

"Sige ako na magbibigay nito"Magalang na sabi niya sa kanyang ka-trabaho na mas matanda sa kanya.

Hindi nagtagal ay nakaharap na siya sa pintuan ni Faith ng ibinukas niya ito ng bahagya at tatawagin na sana niya si Faith ay parang nanging yelo siya s akanyang kinatatayuan ng may marinig siyang usapan sa loob. Sinilip niya ito..nakatayo doon si Faith at may nakita din siyang sapatos na may takong. Hindi naman niya makita ang mukha nito pero naninigurado siya na pamilyar ang boses ng babae na kausap ni Faith.

"Naiinis ako! Alam mo ba na ilang beses kong sinabi na patay na si Cameron, but sh*t hindi siya naniwala at nagalit pa siya!"Makikita mo ang pagkainis sa mukha niya na akala mo ay makakapatay na.

"Bakit kasi sinabi mo yun? Alam mo namang patay na patay si Dwight kay Cameron. Hahaha"Natatwang sabi ni Thana kay Faith. Hindi niya pinansin ang inis ni Faith dahil sa sanay na siyang ganito ito. Baliw! Baliw sa pagmamahal kay Dwight.

"Eh bakit kaya..hindi nalang natin patayin si Cameron?. Tutal..nag enjoy na naman tayo sa pagpapahirap sa kanya"Suggestion ni Thana kay Faith.

Napahawak sa bibig si Mia ng marinig miya ang usapan ng dalawa. Tama siya kilala niya ang boses na iyon..at si Thana iyon. Ang sekretarya ni Cameron na pinagkakatiwalaan din niya. Pero sa huli ay niloko din siya ni Thana. Mabilis ang bawat pintig ng puso ni Mia dahil sa usapan ng dalawa.

Sila ang kumuha kay Miss Cameron, sila ang may pakana nito! Sila ang papatay kay Miss Cameron. Magkasabwat ang dalawang ito!

Pinipigilan ni Mia ang paghigbi niya dahil pag narinig iyon, siguradong hindi magdadalawang isip ang dalawa na patayin din siya o i-torture katulad ng ginawa nila kay Cameron.

"Wag muna natin siyang patayin. Siya ang alas para makuha ko si Dwight"Ngiting sabi niya.

"Tsaka hindi sila gagalaw ng hindi natin alam...may maliliit na camera sa bawat gilid ng bahay nila haha"At nagapir pa ang dalawa.

Dahan-dahang isinarado ni Mia ang pinto para hindi gumawa ng ingay pero kahit anong ingat niya ay napalakas ito dahil sa nanginginig niyang kamay. Tumakbo kaaga dsiya para hindi siya makita kung may sisilip man sa kanya.

Mabilis na nagtungo si Thana sa pinto at binuksan ito. She roam her eyes para makita kung may tao. Kinakabahan si Mia sa mangyayari man sa kanya pag nahuli siya ni Thana. Hinawakan niya ang bibig para mapigilan ang sarili.

"May tao ba?"Tanong ni Faith.

"Wala"Tipid na sabi ni Thana bilang sagot kay Faith.

"Lock the door,Thana. Baka makita ka pa nila sa office ko"Sinunod naman niya ang utos at sinarado na ito.

Nakahinga ng maluwag si Mia at bumalik sa kanilang office. Napaupo siya na may namumutlang mukha. Hindi parin niya matanggap na nandito lang pala ang kumuha kay Cameron at matagal na silang pinapaikot-ikot ng mga ito.

"Ohh, anong nangyari sayo?"Tanong ng katrabaho niya na nagutos sa kanya. Napadako ito sa folder na nakalagay sa lamesa"bakit di mo pa ito binibigay kay Miss Faith?"Usisang tanong nito.

"Ma-Maam,su-sumama po ang pa-paki-kiramdam ko"Nabubulol na sagot niya.

Napakunot naman ang noo ng babae at hinipo ang noo nito"Hindi ka naman mainit"

Let The Love Begin (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon