Chapter 4: I meet him again

248 5 0
                                    


Sorry for the long long update.

Chapter 4: I meet him again

Bumaba na ako sa hagdan pagkatapos kong magayos para sa unang araw ko sa aking trabaho sa Ianthe. I feel excited to work that Company..and this is a big opportunity of my life beacuse this opportunity is priveledge hindi lahat ng taong gustong pumasok sa Company na ito ay nabibigay ng pagkakataon. Kaya ako ito na kusa na silang kumkatok bakit hindi ko pa kukuhanin. Ito ang malaking kompanya sa Pilipinas,lahat ng magagaling na fashion designer, photographer even Modeling.

Tinawag na ako ni Ate Pin ng makita niya ako na papunta na sa kusina"Tara na kumain kana Cam--Wayne. Baka mahuli kapa sa iyong unang araw sa trabaho"Nang makalapit ako hinalikan ko siya sa pisngi pati narin amg ibang ate ko at syempre ang lalaki sa buhay ko na si Papa.

Tinapik ako ni Papa sa braso at ngumiti"Kain na..."Umupo na ako malapit kay Papa at nagsandok na ng kanin.

"Kumain ka ng marami ah.."Sabi ni Papa at bigla siyang napaubo.

Napahinto ako sa pag kain ko"Pa..hindi mo ba iniinom ang gamot mo?"Pagaalalang tanong ko kay Papa.

Hinawakan ako ni Papa sa kamay ko at ngumiti"Hindi ko nakakalimutan, Cameron"

"'Wag kang magalala, kami na ang bahala kay Papa"Sagot ng mga ate ko na sabay-sabay sila.

"Ayan...Nag choir na naman kayo haha"Natatawang sabi ko sa kanila at kinalaunan na puno ng tawa ang hapag kainan dahil sa mga biruan nila ate.

Bago ako pumasok nag picture muna kami sa araw na ito. I capture every moment with my family.

Nagpaalam na ako sa kanila para pumasok na at baka malate na naman ako katulad ng dati kong ginagawa sa shop ko. Kung wala pa si Callie doon siguro matagal ng baon ang Shop ko haha. Haist! Kamusta na kaya ang Shop ko, hindi ko pa ito napupuntahan ng makauwi ako...Kukuha ako ng time para makabisita naman doon.

I glance my watched and it's 8:30 am exactly, I have a 30 minutes left para makapunta sa Ianthe na hindi late. Napatingin ako sa labas ng bintana ko  at nakita ko malalaking bilboard na may mukha ng mga artista. Haist! Traffic na naman, wala bang solusyon sa traffic dito sa Pinas?. Para hindi ako ma-bored sa haba ng traffic na ito, I turned on the radio para makinig ng mga kanta. Pagkabukas ko ang kanta 'Starving'. Pinikit ko ang mata ko habang sinasabayan ang kanta sa radyo, ginagalaw-galaw ko pa ang ulo ko dahil nasisiyahan ako sa tugtog. 

Dwight Lopez

I hate traffic!. Napahampas nalang ako sa manibela ng sasakyan ko dahil sa traffic. Araw-araw laging traffic dito sa Pinas!. Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa inis.

Binaba ko ang bintana ko at napatingin ako sa kanan ko...Napatingin ako sa babaeng nakapikit habang bumubuka ang bibig niya. Nang nakita ko ang kabuuan ng mukha niya...Nanlaki ang mata ko at nakikita ko ngayon si Cameron habang binubuka ang mga bibig niya. Pinagmasdan ko lang siya hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Napangiti ako kasi ganun parin siya...kumakanta sa loob ng sasakyan niya. Hindi na niya talaga maalis ang kinagawian niya.

Tinitigan ko ang mga mata niya na nakapikit, ang ilong niya,ang mga labi niya na kulay rosas. Bumalik ang ala-ala ko na nakita namin siya ni Troy na kumakanta ng malakas sa kanyang sasakyan, yung itsura niya na parang dragon dahil sa inis.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at itinapat sa kanya para makuhanan siya ng litrato. Nang dumilat siya at napalingon kaagad akong yumuko at iniangat ang bintana ng kotse ko. Nakita ko siya na nakatingin sa bintana ng aking sasakyan. Naiangat ko nalang ang mga kamay ko at pilit na inaabot siya...Alam kung mahirap ka nang abutin ngayon.

Let The Love Begin (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon