Chapter 18
Pagkababa ko sa sasakyan kaaga akong tumakbo sa OR para puntahan doon ang mga ate ko. Nang makita ko sila Ate...tumakbo ako kaagad sa kanila at yumakap.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa pagkakataon na ito. Nanghihina ako dahil hindi ako sanay na napupunta si papa sa hospital. Kahinaan ko yun dahil ayokong isipin na iiwan niya ako. Hindi! Ayokong mangyari yun, mahal ako ni Papa kaya hindi niya ako iiwan. Hindi! No! Not this time! Please!.
"Ate..."Nasasabi ko nalang sa kanila."Si Papa"Wala kong tigil sa pag iyak sa braso ni Ate Pin na panay ang patahan sa akin.
"Magiging ayos din ang lahat. Pahinga ka muna,Cameron."Iling ako ng iling sa sinabi ni Ate.
"Ayoko, dito lang ako hanggang maging ayos ang lahat. Ano ba kasi ang nangyari?"Tanong ko sa kanila.
"Nawalan kasi sila ng preno"Nahihirapang sabi ni Ate Clein sa akin.
"Preno? Paano? Hindi naman umaalis si Papa na hindi niya pinapatingnan ang preno ng sasakyan?"Piyok na ako ng piyok dahil sa pagiyak ko. Hindi ko na nga pansin si Dwight na nakaupo na at katabi ng mga tita ko.
"Inaalam pa ng mga pulis kung ano ang tunay na nangyari"Sagot nung asawa ni Tita Clein sa akin.
"Dwight...Iuwi mo muna si Cameron"
"No! Ayoko!"Lumingon ako kay Dwight at nagmamakaawa."Dwight no! Ayokong umuwi"sabi ko at bigla niya akong niyakap.
"Shhhh...Hindi kita iuuwi. Tahan na hindi gusto ng Papa mo na umiiyak ka"Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Naramdaman kong umupo na kami at isinandal ko ang uli ko sa braso niya.
"Tahan na....magiging ayos ang lahat"wala parin akong tigil sa kakaiyak.
Dumating ang mga puli at kinausap sila ate. Lumapit na din kami ni Dwight at doon namin nalaman na sinadyang putulin ang preno ng kotse ni Papa. Pero hindi ma-identify kung sino ang may salarin at kung ano ang motibo kung gusto niyang patayin si Papa. Nag-init ang ulo ko sa narinig ko, sino ang bwesit na gustong patayin si Papa?. Pag may nangyaring masama kay Papa....hindi ko mapapatawad ang gumawa nun. Mabubulok siya sa bilangguan, sinisigurado ko yan.
Hindi na naubos ang luha ko dahil hindi ko mapigilan. Inabot ng oras ang pagoopera kay Papa at hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang doktor na nagoopera.
Pumikit ako at nagdasal kay Lord. Lord, Huwag mo namang kunin ang Papa ko sa akin. Please, hindi ko pa kasi kaya na wala siya...please Lord alam ko sobra na yung mga blessings pero Lord ito lang ang hinihiling ko sa pagkakataon na ito. Ligtas mo po ang Papa ko sana po ayos lang siya sa loob ng Operating Room. Alam ko pong naririnig niyo Lord, please po...nagmamakaawa po ako. Ito po ang aking panalangin. Amen.
Tumayo kami na biglang nagbukas ang pintuan ng OR at inilabas nito ang Doktor.
"Sino ang pamilya ng pasyente?"Bungad na tanong ng doktor kay sumagot kaming lahat.
"Ahm...Okay na naman siya pero, Na-comatose siya at pag nagising siya magkakaroon siya ng temporary amnesia"Napakagat ako sa sinabi ng Doktor at umiyak ng umiyak.
"Ililipat namin siya sa private room"
.
.
.
.
.
Ilang araw na ang nakalipas at hindi parin gunigising si Papa at ilang araw narin akong hindi umuuwi sa amin.
Kahit pilit nila akong pinapauwi,hindi ako pumapayag. Gusto ko dito muna ako kay Papa hanggang magising siya...gusto ko maalala niya ako pagnagising siya. Kahit temporary lang yun..pero ang sakit parin nun eh, hindi ka maaalala ng taong mahal mo.
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin (Book 2)
RomanceHanda mo pa bang patawarin..ang taong pinagkatiwalaan mo pero sa huli ay sinaktan ka parin nila? Tama pa bang magtiwala sa taong minsan ka ng sinaktan ng todo? Tama pa bang magmahal muli, kahit nasaktan ka na ng sobra? Tama pa bang mag bigay ng seco...
