Chapter 23
News report
"Magandang tanghali mga kababayan...Ngayon araw ibabalita ko ang isang mainit at kahindik-hindik na balita. Isang babae na nagtagpuan sa bakanteng lote, nakagapos may sapal ang bibig at halatang pinagsamatahan pa, hindi natin makikila ang itsura ng biktima dahil sa tinamo nitong mga sasaksak sa mukha. Ito ang mga litrato na kuha." Pinakita ang mga litrato na kuha ng isang babae.
Lahat sila naghihintay sa mga litrato na ipapakita sa news report at umaasa silang hindi si Cameron iyong babae ngayon.
"Please Lord! Hindi po namin sana kapatid ang nasa bews ngayon"
"Lord, she's not Cameron"
"Hindi siya ang anak ko...alam kong buhay pa siya at nararamdaman ko iyon"
"No!"
Pinakita din ang sandals na suot ng babae na katulad ng kay Cameron at ultimo ang damit nito.
"No! Hindi siya si Cameron...Hindi! Magkatulad lang sila ng damit"Pilit nilang pinapasok sa kanilang isip na hindi si Cameron iyon at hindi iyon mangyayari.
"Yana ng aking ulat,ngayong tanghali"Pagkatapos ng news...pinatay na nila ang TV at sakto namang tumawag ang police sa kanila at pinapapunta sila sa Morque para ipakita kung ito ba ang hinahanap nila.
Nang makapasok sila sa loob dahan-dahan nilang tinanggal ang takip nito sa mukha na may pangangatal. Nakayuko ang iba sa kanila at nagdadasal na san hindi iyon si Cameron. Nang tuluyan ng maialis ang takip sa mukha...napalihod si Dwight sa sahig at umiyak ng umiyak.
"Thank you! Hindi si Cameron ito"Lahat sila naalisan ng tinik sa kanilang dibdib.
"Hindi po siya ang anak ko"Sabi ng matanda sa pulis.
"Hanggang ngayon po hindi parin tumatawag ang mga dumukot sa kanya"Sabi ni Dwight.
"Kahit isang araw palang ang nakakalipas pero parang ang tagal na naming naghahanap sa kapatid ko"sabi ng isang niyang kapatid.
"Ginagawa po namin ang lahat para mahanap siya. Tawagan nalang po namin kayo pag meron na kaming lead about this case"
"Salamat"
Pinauna na ni Dwight ang pamilya ni Cameron na umuwi dahil may dadaanan pa siya sa Ianthe na mga gamit. Hindi na muna siya papasok sa Company hanggang hindi nila nahahanap si Cameron. Hindi siya titigil hanggang hindi niya makikita si Cameron.
"Dwight!"Napatitig si Dwight sa tumawag sa kanya.
Nagtatagbo ito papaunta sa kanya."Dwight, nabalitaan ko yung kay Cameron...pasensiya kana at ngayon lang ako nakapunta"Napakurap nalang si Dwight ng makita niyang malapitan ang tumawag sa kanya at si Faith ito na mukhang nagaalala.
"Faith..."
"Dwight...alam ko masakit na mawala si Cameron...pero umaasa ako na makikita mo siya"Sabi nito kaya napatango nalang si Dwight at naglakad na.
Kung magkikita pa kayo! Sorry, pero baka hinfi mo na makita si Cameron dahil nandoon siya sa lugar na hindi niyo alam. She's my prisoner.
Sumabay naman ng lakad si Faith habang napapangiti ng patago. Sinakbit niya ang kamay sa brso ni Dwight na halatang nilalandi niya ito. Wala namang pakialam si Dwight at nagpatuloy ito sa paglalakad.
"Makikita mo na din siya...pag patay na si Cameron"bulong lang ang pagkakasabi niya sa dulo.
"What did you say?"Nanlaki ang mata niya sa tanong ni Dwight.
"Hmm? I didn't say anything, Dwight"at nag patuloy na siya sa paglalakad.
Napalingon naman si Faith at nakita doon si Thana na may hawak na camera.
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin (Book 2)
RomanceHanda mo pa bang patawarin..ang taong pinagkatiwalaan mo pero sa huli ay sinaktan ka parin nila? Tama pa bang magtiwala sa taong minsan ka ng sinaktan ng todo? Tama pa bang magmahal muli, kahit nasaktan ka na ng sobra? Tama pa bang mag bigay ng seco...