Chapter 7: The rain

186 3 0
                                        

Chapter 7: The rain

Tatlong araw na ang lumipas at tatlong araw na rin akong naiinis kay Faith dahil sa mga walang kwenta niyang pinagsasabi sa akin. Nag tungo ako sa kusina para uminom at nadatnan ko doon si Ate Pin at si Ate Clein.

"Ate Pin nakita mo na ito?"Tanong ni Ate Clein habang hawak ang newspaper na may gulat sa kanyang mga mata. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy akong pumunta sa ref para kumuha ng tubig. Wala akong pasok ngayon dahil day off ko.

"Is that Cameron and Dwight?"Gulat na tanong ni ate Pin at napatingin pa sa akin.

"Why?"Clueless kung tanong.

"Nasa magazine kayo ni Dwight oh"naibaba ko nalang ang basong hawak ko at pumunta kala ate. Ano ba ang sinasabi nila.

Nang makapunta ako sa kanila ibinigay nila kaagad sa akin yung magazine na may picture namin ni Dwight. Now i know, ito yung Pictorial namin.

"Ang sweet niyo"Sabay na sabi nilang dalawa...kaya napairap nalang. Anong sweet doon?. Hmm?

"Bagay kayo"sabi pa ni Ate pin

"Nah!. Lubayan niyo nga ako mga Ate. Just an Pictorial at siya lang ang nakasama ko diyan. Wag niyo bigyan ng ibang kahulugan"Pagkatapos kong sabihin yun tinalikuran ko na sila para makaalis muna dahil pupunta ako sa dati kong shop.

"Basta umaasa pa rin kami"Dagdag pa nilang dalawa. Ewan ko sa kanilang dalawa!. Naka-moveon na ako. And i won't change my mind.

Pumara na ako ng taxi kasi hanggang ngayon hindi parin gawa ang sasakyan yun ang hirap kayang mag-commute. Pero wala akong magagawa..sira parin hanggang ngayon yung sasakyan ko.

"Saan po tayo?"Tanong nung driver kaya naman sinabi ko kung saan.

Habang umaandar hindi ko mapihilan ang pagngiti dahil madadalawa ko na ang kaisa-isa kong shop kung saan ako namalagi. Kasama si Callie sa lahat ng araw pag andoon kaming dalawa. Ang tagal na rin ng panahon,kamusta na kaya ang shop ko?. Hindi ko na namalayan na nakahinto na pala ang taxi kaya mabilis na akong lumabas at isinarado ang pintuan.

Nakatingin ako ngayon sa Shop ko na walang pinagbago. Tumawid na ako para mabuksan ko na ito. Kinuha ko ang susi sa aking bulsa at ipinasok na sa padlock nang magbukas na dahan-dahan na akong pumasok. Inilibot ko ang paningin ko sa loob nito, Nakikita ko parin ang ayos nito at yung mga kaunting damit na andito. Inihakba ko ang aking mga paa patungo sa lahat ng gamit dito at hinahaplos ito.

"Nakakamiss din pala ito"Nausal ko nalang at pinagpatuloy pa ang pagtingin sa mga gamit ko. Nagpunta ako sa office ko at nakita ko pa diin yung litrato namin ni Callie na magkasama, kinuha ko ito at tinitigan. At may lumandas na luha sa aking mga mata na marahan ko lang itong pinunasan.

Napaupo ako sa upuan ko na matagal ko na ring hindi nagagamit. Napangiti ako sa mga ala-ala dati,kung gaano pa ako kasaya ng mga araw na iyon at ang mga illusyon ko noon para kay Jacob."And I'm stupid that time. Na akala ko Jacob loves me pero hindi pala. Haist!"Ang baliw ko nga sa araw na yun.

Bigla nalang bumubos ang ulan na napakalakas. Wala pa naman akong payong o kaya phone para matawagan ang driver namin. Haist!. Umalis ba naman ako kaagad sa amin kahit nakapambahay lang ako.

Tumitig nalang ako sa loob ng opisina ko pero bigla nalang akong nakaramdaman na parang may pumasok sa loob kaya napatayo ako para tignan kung sino iyon. Akala siguro nag bukas na ako ng shop.

"Hindi na p---"Hindi ko na naituloy dahil pagkakita ko sa taong iyon ay si Dwight."Ano ang ginagawa mo dito,Mr. Dwight?"Tanong ko sa kanya.

Ano ginagawa niya dito?. Wag niyang sabihin na naligaw lang siya dito tapos dinatnan ng ulan kaya pumasok siya. Akala naman niya maniniwala ako?. Hindi ako magpapaloko, Duh! I learn from my mistake before. So, why i did it again?.

Let The Love Begin (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon