"Narinig mo na ba?" Sabi ng isang babae. "May nasunog daw na bahay sa may malapit sa palengke. Natagpuan daw yung bangkay ng lalaki na nakabigti sa bahay at yung mag-ina naman ay tadtad ng saksak at magkayakap sa kusina."
"Mamamatay tao daw yung lalaki na yun eh," sabi ng isa pang babae. "Pinatay daw muna niya ang kaniyang mag-ina bago magpakamatay. Sayang pa naman. Sabi ng iba, hindi raw magagawa ng lalaki yon dahil mahal na mahal niya ang pamilya niya."
"Iba rin talaga nagagawa ng kahirapan noh?" Singit ng pangatlong babae. "Wala na daw silang makain kaya pinagpapatay ng lalaki ang pamilya. Baon daw sa utang at kahit asin ay hindi man lang sila makabili."
"Kawawa naman pala," sabi ng una. "Kinain ng kalungkutan. Ayon pa sa pagkakarinig ko ay nabaliw na daw yung lalaki. Kung ano ano raw ang iniisip at nagsisigaw sa kalye."
"Baka yun yung tunay na dahilan kung bakit pinatay yung pamilya," singit ng pangatlo. "Hindi kinaya ang problema."
"Ano daw ba yung sinasabi nung baliw?" Tanong ng pangalawa.
"Meron bang nakikinig sa baliw?" Paliwanag ng una. "Mabuti nalang siguro at nawala na sila sa mundo dahil maghihirap pa sila sa gutom at pangungutya ng mga tao."
"Tama ka," sabi ng pangatlo. "Yung din siguro ang naisip ng lalaki kaya niya ginawa yon."
"Sana ay matahimik na ang kaluluwa nilang tatlo," sabi ng pangalawa.
"Sana nga," sabi ng pangatlo. "Huwag nalang tayong lalapit sa lugar na iyon at baka mahawa pa tayo ng sa kabaliwan ng lalaki."
"Tama,"sabi ng una. "Basta masaya na ako at nabawasan na ang kasamaan sa mundong ito."
BINABASA MO ANG
The Game (Completed)140918
HorrorSa di inaasahang pagkakataon ay natagpuan ng mga magkakaibigan na sina Janine, Alex, Hannah, Elle, Piyo, Miggy at Ed ang isang Ouija Board. Inakalang ito ay simple lamang na laro at walang katotohanan, sinubukan ng mga magkakabigan na maglaro nito. ...