Megan's PoV
Kakapasok ko pa lang sa school and I was like naiinis because malayo palang nakikita ko na yung freak-nerdy-ugly-beast guy with his bestfriend na nerdy ugly din na si Liann. Well, hindi naman talaga niya bagay ang pangalang Liann mas bagay niya ang pangalang Fiora sounds like Fiona tutal mukha naman siyang ogre e... hahaha... Well, bagay sila. Si Shrek and Fiona. Oh di ba? *smirking
"H-Hi Megan..." and he smiled at me like na para bang wala ng bukas... ang dami pa nilang dalang book ha, as in~ like duh!! nilagpasan ko yung dalawang freak at dumeretso lang ako ng lakad, ramdam ko naman na sumusunod silang dalawa sa akin na para bang mga pet ko sila.
"Tara na, Anghelo." Bulong ng bestfriend niyang si Fiona the Ogre. Lahat naman ng masasalubong ko sa daanan ko ay nagpapagilid at umiiwas dahil alam nilang ayaw kong may nakaharang sa daraanan ko.
Hindi ko naman pinapansin ang nakabuntot sa likuran ko na kanina pa tawag ng tawag sa akin hanggang sa paakyat na ako ng second floor papunta sa room ko... Pero ikinabigla ko nong hawakan niya ako sa braso ko kaya tinabig ko siya and nagulat ako nong malaglag ang mga dala niyang mga libro pati na rin ang dala ni Fiona. Well, hindi ko na kasalanan pa yan dahil tat*nga t*nga silang dalawa. Hawakan ba naman ang precious arms ko. the nerve! Like ewww!
Liann's PoV
Nagulat ako ng biglang tabigin ni Megan ang kamay ni Anghelo dahilan para malaglag ang dala niya pati na rin ang mga dala ko dahil nasagi rin ni Anghelo ang hawak ko... "Kasi naman Anghelo kung hindi na sana natin sinundan pa si Megan edi sana hindi mangyayari 'to... ayan tuloy nalaglag lahat ng dala natin..." panenermon ko kay Anghelo habang isa-isang pinupulot ang mga libro ko saka inayos ang salamin ko.
"Sorry na Liann, gusto ko lang naman ibigay sa kanya yung regalo kong biscuits na binake ko e..." sagot naman niya sa akin. Napailing nalang ako sa sinabi niya.
Since first year kami ay inlove na inlove na yan kay Megan Grace at nong kamakailan lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para ipagtapat sa kanya ang nararamdaman nito pero as I expected tinawanan lang siya ni Megan at nang iba pang estudyante dito sa school dahil sa lakas ng loob niyang ligawan ang Miss WNA.
Naawa na ko sa bestfriend ko pero wala akong magagawa sa katangahan niya sa pag-ibig na yan e alam naman ng lahat na hindi siya papatulan ni Megan. Ewan ko ba diyan sa taong yan sa dami-dami ng mamahalin niya ay ang Miss WNA pa ng school na isang maarte at mapangarap na babae. Sabagay 'Love is Blind' nga naman.
"Gelo, alis na ko ha punta pa ako sa trabaho ko e." pagpapaalam ko kay Anghelo at iniwan ko na siya habang nag-aayos pa siya ng gamit niya sa upuan niya. As usual, siya nalang ang naiwan sa loob ng classroom tapos maglilinis pa siya. kawawa naman si bhest!
Naglakad ako hanggang sa makarating ako ng Heaven's Cafe... "Miss Yura aalis na po tayo!"
"Sige po Manong"
Nakalimutan ko nga palang magpakilala. By the way, I'm Liann de Vera na bestfriend ni Anghelo since first year highschool. Maganda ang maging isang ordinaryong estudyante sa Watty NorthWest Academy kahit na minsan binubully ako ni Megan. Hindi ako naaawa sa sarili ko na lagi akong inaapi ni Megan kundi naaawa ako kay Anghelo na lagi nalang inaapi, pinapahiya, inaalipusta ng isang Megan Grace Rivera.
Kung gaano kamahal ni Anghelo si Megan ay ganoon din naman ang pandidiri nito sa kanya. Sobra niyang pinandidirihan si Anghelo kung kayat tao rin naman siya yun nga lang maraming pimples. Kung minsan nga kung anu-ano na ang nasasabi ko kay Anghelo para lang kalimutan na niya si Megan pero hetong bestfriend kong engot wala pa rin.
I'll clear something lang, WALA po akong gusto kay Anghelo hanggang sa bestfriend lang talaga ang turing ko sa kanya at wala ng iba. Hindi ako katulad ng iba na magbestfriend sila tapos nagkakainlove-ban pa. Jusko! mahirap kaya yun. Bumuo kayo ng friendship tapos masisira lang ng dahil mahal mo siya o kaya mahal ka niya pero hindi mo siya mahal, ano yun lokohan? Maganda yung ibang kwento ng magbestfriend na alam mong inlove sila pero blinded sila, kumbaga alam na ng ibang tao na inlove sila sa isa't-isa pero silang dalawa wala man lang clue.
BINABASA MO ANG
My Ugly Suitor
RomanceUgly? Yes, HE'S ugly. naranasan niyo na bang magkaroon ng manliligaw na pangit, nerdy, and freak na guy? Well, ngayon nararanasan ko na. like ewww! *flip of hair with matching irap... You want to know about my story? well, im free to share this to a...