Liann's PoV
"Ok.. ok... sa left side naman Yura. Give me your brightest smile. Ayan... ok. DONE!... You can rest now Yura."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas natapos na rin kami sa photoshoot ko for another timeline magazine. Kailangan kasing iadvance ang ibang photoshoot ko para hindi makasagabal sa darating na exams ko.
"Yurabels, gora na ba tayo?" Tanong ni tita. Nakapagbihis naman na ako at nakapag-ayos ng gamit kaya pwedeng pwede na umalis.
"Sure tita..."
"Yurabels tawagan mo nga si Drakey, papuntahin mo sa bahay mamaya." Napalingon ako kay tita sa sinabi niya. Arrg! Ano na naman gagawin ng Drake na yun sa bahay namin. Ilang araw na akong natotorete sa presenaiya niya, mapabahay at mapaschool lagi ko nalang nakakasama si Drake pwedeng si Anghelo naman? >_
"Siya nga pala, papuntahin mo rin sila Anghelo, Cuttie and that Megan." Ngayon naman nanlaki ang mata ko sa sinabi niya? Yung totoo, tama ba tong naririnig ko kay tita?
"P-Pero bakit tita?"
"Gusto ko lang makapagbonding tayo. Masama ba?"
"Pero bakit naman kasama pa sila Megan?"
"Ah basta..." sagot niya at napapadyak nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko, si tita yan e.
********
"Ohh. Hi Gelo. Kumusta?" Sinalubong ni tita si Anghelo sa may pinto, napailing nalang ako ng makita kong nasa likod niya si Megan kasunod non si Cuttie kaya napangiti ako at nilapitan sila.
"Hi Cuttie..." bati ko sa kanya at hinila siya papasok ng bahay.
"Wow Liann, ang laki pala ng bahay niyo... Nasan parents mo?" Tanong niya. pinaayos ni tita itong bahay at tinakpan lahat ng pictures ko bilang Yura.
Pasadya yung ginawa namin sa wall dito sa bahay, kumbaga, nakaukit na yung mga frames ng picture ko sa ding-ding at kapag may bisita kami ay may hihilain lang sa taas nito para lumabas ang ibang picture dito. Unique di ba? Kaya hindi mahahalatang ako si Yura.
"Ahh. Nasa bakasyon sila kaya kami lang ng tita ko ang naiwan dito. :)" sagot ko sa kanya. Umupo kami sa couch at nagkwentuhan.
"Teka... yang tita mo yung manager ni YURA di ba?" Napahinto ako sa sinabi niya at saglit na nag-isip ng isasagot.
"Ah oo. Si tita nga yung manager ni Yura." Nakangiting sagot ko...
"Waaah... Ang swerte mo naman girl. Wait lang nakita mo na din ba si Yura? Friend mo ba siya? Kyaaaa~" kilig na kilig na sabi niya. Natawa tuloy ako sa kanya dahil sa sunod aunod na sinabi niya at nahinto lang kami sa pag-uusap ng biglang magreact si Megan.
"Tsss. Hoy Cuttie kung makatili ka naman diyan, wagas." Sabi nito saka umupo sa tapat namin. Tumabi sa kanya si Anghelo, asual buntot niya yang si Anghelo e.
"Bestfriend ngayon lang ulit ako nakabalik dito sa bahay niyo andaming pinagbago ah..." sabi ni Anghelo saka naglakad lakad sa sala hanggang sa kusina.
"Oo nga e." Yun nalang ang naisagot ko dahil nandoon na siya sa kusina ng bahay.
Megan's PoV
I was like ugghhh! Ayoko sana pumunta dito sa creepy na bahay na 'to pero hinila nila ako. Like nakakainis si Cuttie at lalong lalo na yang Anghelo na yan.
Sinalubong kami ng tita ni Liann at nakipagbeso sa akin. Like ewww! Arrg. Kadiri.
Isa pa tong Cuttie na to, so sila na ang magbestfriend ngayon niyang nerdy Liann na yan? Kung makipagkwentuhan akala mo naman kung matagal na silang close sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
My Ugly Suitor
RomanceUgly? Yes, HE'S ugly. naranasan niyo na bang magkaroon ng manliligaw na pangit, nerdy, and freak na guy? Well, ngayon nararanasan ko na. like ewww! *flip of hair with matching irap... You want to know about my story? well, im free to share this to a...