Ugly 4

339 11 0
                                    

Megan's PoV

Nakakalerki naman si Mommy, nandoon na e tas biglang nawala. Sarap kasing imaginin na binibisita ka ng mahal mo di ba? Hehe...

Pababa na ko ng makita ko ang likod ng mahal kong si Papa Jeje na nakaupo sa may couch namin, nagpalit pa talaga siya ng damit niya para lang sa akin, at nagpagupit pa ata... Oh my Gee! I can't wait to hug him na... *o* Dahan-dahan akong lumapit sa kanya and dahan dahan ko siyang niyakap sa may leeg niya...

Hmm. Ang bango~ "I miss you Babe!" sabi ko ng nakapikit at sinasaulo ko ang amoy niya, parang nastiff pa siya sa ginawa ko. Hinawakan naman niya ang kamay kong nakayakap sa kanya at feel ko ay humarap siya sa akin kaya unti-unti kong minulat ang mata ko para makita ang magandang mukha ng maha——-

"WAAAAAAAAHHHHHHHHHHHh! ANONG GINAGAWA MO DITO? YUCK!! KADIRI... LUMAYAS KA SA BAHAY KO, LUMAYAS KANG PANGIT KAAAAA~ AAAAHHHHHHH!!!"

Anghelo's PoV

Pinasukat kami ng damit ng Tita ni Fiora, ayaw ko pa sanang itry kaso naitulak na niya ako sa loob ng fitting room. Tapos tinawag pa niya akong 'Gelo' daw e, Anghelo naman ang pangalan ko. Gusto ko Anghelo lang ang tinatawag sa akin para kapag tinawag ang pangalan ko, alam ng lahat kung sinong Anghelo ang tinutukoy nila.

Ang Gwapo, pogi, matangkad, matipuno, habulin ng babae at mahal na mahal ng nag-iisang prinsesa sa buhay ko na si Megan ay walang iba kundi AKO. Ang Mister Pogi ng buong mundo na tinalo at walang-wala sa kagwapuhan ko sila Daniel Padilla, Enrique Gil at James Reid, pati na rin ang taga Korea na si Lee Min Ho o di kaya naman si Mateo Do ay walang sinabi sa kagwapuhan at kakisigan ko... Aba, madami kaya ang nagkakagusto sa mukha kong 'to... *wink sabay pogi pose with matching sipol pa

"Gelo, matagal ka pa ba diyan? Aba, damit lang yung sinukat mo pero dinaig mo pa si Liann sa pagsusukat..." Napatigil ako sa pagpoposing ko ng magsalita ang Tita ni Liann... Tinawag na naman niya akong Gelo e Anghelo naman ang pangalan ko... >_<

"Anghelo po..." sabi ko sa kanya ng makalabas ako ng fitting room pero binaliwala niya yung sinabi ko. Humarap ako kay Liann at parehas na parehas kami ng damit... Ang ganda... Parang couple's shirt lang, bagay sa aming dalawa.... Pero mas bagay sana kung si Megan ko ang nakasuot niyan.. ^__^

"Okey... Tara na!" Napalingon ako kay Tita ng mag-aya siya, teka... Hindi ba namin babayaran 'tong damit baka habulin kami ng saleslady o kaya naman nong manager o yung guard nila??

"Don't worry Gelo. Yang damit na suot niyong yan ay sponsored by this shop para sa alaga ko, so wag kang mag-alala dahil hindi nila tayo sisitahin tungkol diyan... " Nabasa niya isip ko? Ang galing naman~ Saan na kaya kami pupunta? Haiyst! Gusto ko ng umuwi... >_<

"Bhest, di ka ba naiilang sa damit natin?"

"Hindi naman... Ang cute nga e, para tayong couple... He-he-he!"

*pakk

"Aray naman Liann... Ang bigat ng kamay mo..." Pinalo ba naman ako, ang bigat pa man din ng kamay niya. Napahimas nalang ako sa pinalo niya. "Anong cute dito?? Hindi naman tayo couple... May pangiti-ngiti ka pa diyan!"

Inirapan niya ako at nauna ng naglakad at hinabol ang Tita niya. Grabe! Para yun lang nagalit na siya. Ang arte naman ni Bhest, siguro may dalaw siya ngayon kaya mainit ang ulo niya? hahaha... "Tita, magpapalit lang ako ng damit!" rinig kong pagpapaalam ni Liann kaya huminto kami sa paglalakad, sakto naman nasa tapat ng kami ng comfort room ng Mall.

Nilapitan ako ng Tita ni Liann at tinabihan dito sa isang tabi... "Balita ko, may nililigawan ka daw?" Tumango ako bilang sagot. "Gusto mo bang sagutin ka niya?" Ngayon naman ay napalingon na ako sa kanya. May magagawa kaya siya para sagutin na ako ni Megan?

My Ugly SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon