Ugly 8

285 10 4
                                    

Megan's PoV

"Ano bang problema mo? Layuan mo nga ko!!"

"Makikipagkaibigan lang naman ako sayo e."

"Ang kulit mo ayoko nga sabi e."

"Hoy bitawan mo siya!!" sigaw ng isa pang lalaki. Like Oh my gosh! Why is he here? *takip bibig

"Ano bang problema mo? Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanya ah..."

"Pwes kung ayaw niya wag mo siyang pilitin!"

"e g*go ka naman pala e"

*bogsh

Like oh my gash again. I am now witnessing an away here at some iskenita. Ang pinagtataka ko lang anong ginagawa niya dito? Nagtago ako para hindi nila ako makita and to confirm kung siya nga kasi baka namamalik mata lang ako e.

And confirmed!

Bumalik na ako ng school para maikwento kay Cuttie ang nakita ko. Sigurado akong siya yun, hindi ako pwedeng magkamali.

Kelan pa siya nakabalik?

At anong ginagawa niya doon?

Liann's PoV

Naglalakad ako papunta ng school ng may humawak sa braso ko. Paglingon ko isang creepy na lalaki. Gwapo pero mukhang manyak at basag ulo.

"Miss pwede bang makipagkaibigan?"

Nilapit niya yung mukha niya sa akin kaya umatras ako ng isang hakbang. "Ano bang problema mo? Layuan mo nga ko!!" sigaw ko sa kanya.

"Makikipagkaibigan lang naman ako sayo e."

Hinila ko ang kamay ko sa kanya at umatras pa ng ilang hakbang... "Ang kulit mo, ayoko nga sabi e." sabay tulak ko sa braso niya palayo.

Gwapo nga talaga pero manyak naman at bastos. Sabi ng ayoko e... Can somebody help me here? huhu. Wala pa man din yung bodyguard ko ngayon dito. Lagot na ako!

"Hoy bitawan mo siya!!" sigaw ng isang lalaki, akala ko si Anghelo pero hindi pala.

  Anyways, thank God na rin dahil may tumulong.  

"Ano bang problema mo? Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanya ah..."

Sige magsabunutan kayo sa harap ko habang inaayos ko yung wig ko. Ang g-gwapo pa naman tas mga basag ulo. tsk. tsk.

"Pwes kung ayaw niya wag mo siyang pilitin!" Sige ipagtanggol mo ko manong para mapasalamatan kita mamaya. Natatanggal kasi wig ko kaya ayusin ko muna saglit.

"e g*go ka naman pala e"

*bogsh

Hala nagsusuntukan na nga. Anong gagawin ko? Oh my ghad! Mas nanlaki ang mata ko ng bumulagta sa harap ko yung lalaking namimilit sa akin kanina na makipagkaibigan. Kawawa naman siya! Lagottt~

"Tara na!"

"H-hoy...saan mo ko dadalhin?"

"Sa heaven! *wink "

Kyaah! Saan ako dadalhin ni manong gwapo? Anla! Feeling ko tuloy nasa isang koreanovela kami dahil hila-hila niya ang kamay ko habang tumatakbo kami sa may kalsada. Kadalasan gantong-ganto mga eksenang napapanood ko sa kdrama eh.

‘Yun bang may lalapit sa babae na hindi niya kilala tapos pipilitin siyang makipagkaibigan tapos may lalapit na isa pang lalaki para ipagtanggol siya pagkatapos non hihilain niya si babae sa kamay tapos tatakbo sila palayo para makatakas dun sa isa pang lalaki. Mga ganitong eksena lang naman mga napanood ko. Hehe

My Ugly SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon