Megan's PoV
Sobrang UGGGGHHHH! Like nakaka.... Nakakabadtrip!! Sirang-sira na reputation ko dahil sa Freak-Ugly-Nerdy-Beast na yun... >_< Ayoko ng lumabas ng kwarto ko, ayoko ng pumasok sa school, ayoko ng kumain, ayoko na... Ayoko naaaaaa~ huhuhubelssss this... I Can't... I can't... I can't take it anymoreeeeee! Ahhh!
"Megan"
Im sorry Mommy, I'm sorry Daddy, I'm sorry bunso... Huhubels,. mas mabuting mawala nalang ako sa mundo kesa pagtawanan ako ng ibang tao dahil may manliligaw akong pangit! At ang kapal ng mukha niyang pumunta dito sa pamamahay namin, hindi na siya nahiya sa sarili niya...
Alam niyo ba, alam niyo ba guys?? Mas nagulat ako sa mukha niya nong pumunta siya dito sa bahay dahil he's like a hinog na tomato na binebenta sa palengke dahil sa pulang-pula niyang mukha! Myghash!! like nakaka... nakakaewwww~
"Megan, ano ba kakain na... Papasok ka pa sa school!!" Ayan na galit na tuloy si Mommy sa akin! Anong gagawin ko? Ayokong pumasok sa school... Magpakamatay nalang ata ako? huhubels... Like nakaka... nakakapanghinayang ang precious life ko noh!!
"MEGANNNN!!!!!"
"O-opo Mommy.. Lalabas na po!" I bangon bangon from my bed at saka lumabas ng kwarto. I saw my Mom looking at me na galit na galit... "Bakit ba antagal mong lumabas bata ka ha? Alam mo bang malelate na rin kami ng Daddy mo sa Clinic... My God Megan... Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa amin ng Daddy mo pati na rin doon sa bisita mo nong isang araw? Gosh! Hindi lang sayo tumatakbo ang oras! At saka bat hindi ka pa nakaligo at nakabihis? My Ghad!! Like Nakaka... Nakakalerki kang bata ka! Bilisan mo maligo ka na..." I did what Mom told me, wala na akong nagawa they will only scold me pag hindi ako pumasok. Like i wanna cry now!
***********
"Megan bakit late ka?" tanong sa akin ni Cuttie. OA naman niya parang 5 minutes lang ako nalate e... Walang gana akong umupo sa precious chair ko at nagtaklob ako, baka kasi makita ako nong Freak-Ugly-Nerdy-Beast na yun pasukin niya pa ako dito sa room namin...
"What happen to you Bebe Megan?" second question ni Cuttie... Sorry Cuttie, Im not in the mood to talk right now!
"Ouch!"
"Hoy Megan, anong ginawa mo sa bestfriend ko?" Oh my ghash... Binatukan ba naman ako ng isang Nerdy na pangit!... Ouch ha!
"Ano bang pinagsasabi mo diyan panget?" sagot naman ni Cuttie kay Fiona...
"Nilalagnat lang naman si Anghelo at nasa hospital ngayon dahil diyan *sabay turo sa akin kay Megan na masama ang ugali..." Huh? my fault? No its not my fault... Sasabunutan sana ulit ako ni Fiona ng mahawakan ko ang kamay niya.. And hindi masama ang ugali ko. Look oh mukhang ako pa nga ang kawawa here e... :(
"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko naman kasalanan kung mahohospital siya o hindi ah..." Depensa ko sa sarili ko like im mabait... like true naman e, im mabait naman talaga... at saka Im right naman eh, that's not my fault...
"Pumunta siya ng bahay niyo kagabi tapos pinagpupukpok mo lang siya and worst binuhusan mo ng maraming tubig sa may garden niyo gamit ang hose na parang halaman... Ngayon, sabihin mo sa akin na hindi mo kasalanan yun at talagang hindi lang sabunot ang aabutin mo sa akin..." Hmm. Kasalanan ko ba kung t*t-nga-t*nga siya at hindi siya umilag sa hose namin na pinagbuhos ko sa kanya? Tsk. hindi naman pala talaga matalino tong mga to e... Hmm..
"Pumunta si Anghelo sa bahay nila Megan?"
"Ano naman kaya ang ginawa niya don?"
"Baka sila na ni Anghelo, pero nililihim lang ni Megan!"
BINABASA MO ANG
My Ugly Suitor
Lãng mạnUgly? Yes, HE'S ugly. naranasan niyo na bang magkaroon ng manliligaw na pangit, nerdy, and freak na guy? Well, ngayon nararanasan ko na. like ewww! *flip of hair with matching irap... You want to know about my story? well, im free to share this to a...