Ugly 18

162 5 0
                                    

Liann's PoV

*Hingang malalim

"Are you ready YURA?" tanong sa akin ni Manager/Tita, tumango ako saka inayos ang buhok ko, bale wala akong bangs ngayon. Rinig ko sa labas ang hiyawan ng mga tao. Ako lang naman ang guest at ang magiging isa sa mga judges sa folkdance contest na sinalihan nila Tarzan. Syempre magiging patas ako hindi porket kasali si tarzan sa contest ay ipapanalo ko na yung grupo nila.

Alam ko nang alam ni Drake na ako si YURA, sinabi kasi nila tita sa kanya para daw kung sakaling may mangyari ulit sa akin atleast may tatawagan daw sila. Hmm. Ayos lang naman sa akin basta hindi niya ipagkakalat na ako nga to. Naku, subukan lang niya makakapatay ako ng tarzan dito. 

"YURAbels, handa ka na ba? Kung ready ka na hintayin mo yung signal ko tas saka ka lalabas ha."   sabi sa akin ni Tita, tumango ulit ako sa kanya. Si tita kapag nasa trabaho yan katulad nalang ngayon e medyo seryoso siya dahil ayaw niyang pumapalpak pero kapag nasa bahay ayos lang naman, happy happy kami. hehe. Pero sa pangalawang pagkakataon di ko maiwasang hindi kabahan, ewan ko ba kung bakit. Nakita kong sinenyasan ako ni tita kaya lumabas na ako ng backstage at kita ko ang dami nga ng tao dito. Syempre hindi mawawala ang mga fanatic ko lalo na sila Felice, yung YURAnsters.

"WoooH.. We love you YURAAAA~"  sigaw nila, kaya ngumiti ako sa kanila bago ako kumanta.

*Para-paraan* by Nadine Lustre with James Reid

Para-Paraan, Para-Paraan
Para para lang, Para para lang [3x]

Sinasabayan ko ng pagsayaw ang pagkanta ko para naman maingganyo mga nanonood noh. Hehehe.

Napapatingin, Napapakilig
Madalas sa iyo napapatitig
Tuwing dumadaan, napapagaan
Araw na punong-puno ng kaguluhan

Mas lalo akong napangiti ng makita ko si Tarzan na may itinaas na banner na may nakasulat na...

"GO BOSS YURA. Pwede ba kitang idate mamaya? ^_____^

From: Drake the Tarzan."

Pfft. Loko talaga tong taong to. Kung wala lang ako dito sa stage babatukan ko yan.

[Pre-Chorus:]
Oh hihikain yata ang tinamaang bata
Para lang sa sulyap mo ako'y mamamanata

Langya! Habang kumakanta ako siya naman parang umaacting na parang hihikain. Haha. Mamaya lang yan sa akin. Hahaha.^__^

[Chorus:]
Para-Paraan, Para-Paraan
Para para lang, Para para lang
Makasilay lang, makasilay lang
Makasilay lang sayo
Para-Paraan, Para-Paraan
Para para lang, Para para lang
Makasimple lang, makasimple lang
Makasimple lang sayo

Pagkatapos kong kumanta ay nilapitan ako ng emcee at chinika nang chinika pagkatapos ay pinaupo na ako sa harap ng stage kasabay ng pagbigay ng bouquet, nakipagkamay ako kay Mr. Makwento ang Principal ng school, sa OIC pati na rin sa iba ko pang kasama na magjujudge dito. Pagkaupo ko bigla namang nagbeep ang phone ko kaya chineck ko. Napangiti na naman ako ng makita ko ang pangalan ng nagtext, walang iba lang naman kundi si Drake the Tarzan. Haha.

"From Tarzan,

Hi Miss, pwedeng makipagfriends?"

Ang kulit talaga ng taong 'to, wala nang ginawa kundi pangitiin ako buong araw. Haha. Nagtype ako ng irereply ko...

"Who you? Where did you get my number? :D"

Wala pang isang minuto nagreply na siya agad...

My Ugly SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon