Ugly 11

230 9 4
                                    

Megan's PoV

"*sigh Like nakaka, nakakatamad pumasok. I think im not magaling pa. huhuhu. Im not feelin' well pa."

*Achoo

*Achoo

*Achoo

"Huhubels!"

"Oh my gosh Meggie, your sick! Bakit ka pa pumasok baka mahawaan mo me. eh me gesh! Lumayo ka sa akin!" -_- naningkit tuloy ang mata ko ng di oras. Langyang bakla 'to. Sinisipon lang ako pero wala na akong lagnat. Kachenes naman nito.

"Lagnatin ka sana.." bulong ko sa sarili ko at tinignan niya ako ng masama, aba sana magkatotoo para maranasan niya ang hirap ng may sakit.

Pagkatapos naming maglokohan nitong si Cuttie, bumalik na kami ng room at saktong pagpasok ko nasalubong ko si Drake. Tsss. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglakad pero kung minamalas ka nga naman...

"Ano bang problema mo?!" medyo pabulong pero madiin na tanong ko sa kanya. Good thing iilan palang ang mga nandito sa room na classmate ko, si Cuttie naman pinanlalakihan ako ng mata.

Eh anong magagawa ko kung kausapin ako nitong Drake na 'to.

"I heard, you're sick. Okay ka na ba?"

"Paki mo kung ok na ko o hindi? Bitawan mo nga ako!" I said sarcastically, at hinila ko ang braso ko sa kanya. Pero bago pa ko tuluyang umalis ay may sinabi muna ako. "You don't need to worry about me because from the start wala ka namang pakialam, di ba?"

Nanginginig kong pinunasan ang likidong dumadaloy sa mukha ko mula sa mga mata ko gamit ang panyo ko at saka tahimik na umupo sa tabi ng bintana, na lagi kong pinag-uupuan.

Anong akala niya sa akin, ganun ganun nalang? Mamamatay muna lahat ng kuko ko bago ko makalimutan ang mga ginawa niya. Siguro hindi pa dumadating ang karma niya pero hihintayin kong mangyari yun at si God na ang bahala don.

Natapos ang maghapon na para bang may dumaan na anghel at ako lang ang nakapansin. Discussions, lecture at kung anu-ano pa ang ginawa ng mga teacher namin pero sa lahat ng yun papasok sa right ear ko then lalabas sa kabila.

Nawawala ako sa sarili ko at ngayon para akong naglalakad na baliw sa lansangan at hindi alam ang patutunguhan. After how many years, he suddenly appears infront of me after he leaved me unclue. How pathetic he is!

"Megan, san ka pupunta?"

"Kahit saan!" sagot ko sa panget na katabi ko ngayon at inaayos ang salamin niya saka sinuot ulit at lumingon sa akin. "Hmm? Meron bang lugar na ganun, kahit saan?" tanong niya. Ahy. ewan ko talaga, matalino ba talaga 'tong taong 'to o tanga lang talaga?! tss.

Binilisan ko ang lakad ko para hindi masabayan si Anghelo. "Bat' ba sunod ka ng sunod sa akin? Iwan mo na nga ako dito." bwisit na sabi ko sa kanya. Ang kulit din e, ayaw akong lubayan. Like nakaka, nakakainis!

Hinabol niya ako at sinabayan sa paglalakad. "Hindi kita iiwan, hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung saan ka pupunta. ^__^"

"Ugh! Sa ano... Sa ice cream house ako pupunta... Sa ice cream house. Ano, susunod ka pa?" sabay turo ko sa ice cream house na nakita ko sa kabilang kalsada.

"Ahm. Ano... S-Syempre naman. \m/ tara na! Yehey! Magddate kami ng Megan ko!" Masayang sabi nito saka ako hinatak papasok ng ice cream house. Demonchi... Badtrip naman 'to. Panira ng image e.

"Anong gusto mong flavor Megan?" nakangiting tanong ni Anghelo sa akin.

Tsss. "Strawberry.." tipid na sagot ko saka nilabas ang wallet ko at inabot sa kanya ang 100 pesos. Iniharang ni Anghelo ang kamay niya saka umiling. "Ako na ang magbabayad ng sayo, libre na kita. ^__^v"

My Ugly SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon