Liann's PoV
"...guys, you help me find the girl in my dreams. Ang masasabi ko lang, Its destiny men, its destiny!"
"Destiny... Okay. Destiny! Narinig mo yan girl in the rain, so nasan ka na? Wag mo naman sana kaming biguin, wag mong biguin si David... asdfghjjkk!"
Girl in the rain, girl in the rain! Tss. Kasalukuyan naming pinapanood ni Drake and movie na "She's the One" Ni ate Bea, Dingdong and Enrique Gil. Napanood ko na to pero itong kasama ko hindi pa daw kaya ayan, masayang nanunuod ang bata. -_-" Well, gusto ko rin naman to dahil nakakapagpahinga ako dito kahit papano.
Langyang Drake 'to! Biruin niyo pinsan pala niya si Anghelo. Nagulat nalang ako kanina nang bigla siyang papasukin ng katulong nila Anghelo at tinawag pa siyang 'Sir'.
Kaya pala ganun nalang ang galit ni Anghelo kay Drake dahil magpinsan sila. Pero parang ang layo ata. I mean, gwapo si Drake at makinis ang mukha tapos si Anghelo. Hays. ayoko na ngang magcomment. Mahirap na.
"Boss!" Tawag ni Drake. Lumingon lingon ako sa paligid namin pero wala naman ibang tao kundi kami lang dalawa dito sa theater room. Oo may theater room sila, mayaman sila Anghelo e. Marami silang resto, isa na dun yung Heaven's Cafe malapit sa school. "Boss, pahinging popcorn." at inaabot niya sa akin ang kamay niya.
Nakupo kasi ako sa couch at siya naman ay nakadapa sa sahig habang nakatutok sa TV.
"Oi boss..." sabi niya saka niya ako nilingon kaya nagtaka naman ako. Boss daw? Ako? "Ito naman, ang slow. Tsk tsk."
"Sino ba kasing boss ang tinatawag mo?" inosenteng tanong ko sa kanya.
"Edi ikaw, sino pa nga ba, eh dadalawa lang tayo dito.!" iritadong sabi niya saka inagaw sa lap ko ang popcorn bowl. Errr. Akin lang yun e. Kainis naman tong Drake na to.-_-"
"Kalma ka lang Liann, Kalma lang!" pagpapakalma ko sa sarili ko saka huminga ng malalim.
Nilapitan ko si Drake at dumapa din ako sa tabi niya. Wala naman sigurong masama dahil mabait naman siya. "Bakit ba 'boss' ang tawag mo?" tanong ko at sumubo ako sa popcorn.
Nagkamot siya ng ulo niya saka iritadong sumagot... "Nanonood ka ba o hindi? 'Boss' ang tawag ko sa'yo kasi 'boss' din ang tawag ni Wacky kay Kat. Kaya dapat 'Tarzan' din ang itawag mo sa akin para masaya. ^__^ " sabay akbay niya sa akin. Agad ko namang tinanggal ang kamay niya sa balikat ko saka ngumiti ng pilit.
"Ano?! Nahihibang ka na ba? Para lang sa kanila yun dahil magbestfriends sila at tayo, hindi tayo magbestfriend or kahit ano, okay?" paliwanag ko sa kanya. Aba, nanggagaya pa ng endearment atsaka di ko naman siya bestfriend e. Tsss.
Napapout siya at saka pinause ang pinapanood namin. "Bakit mo pinause?!" tanong ko sa kanya. Pero mas nagpout pa siya na parang bata.
"Tawagin mo muna akong 'tarzan'. Puhlease!" saka siya nagpuppy eyes sa akin kaya natawa ako sa inasal niya. Kakaloka tong taong to, isip bata talaga. Hahaha...
"Oi boss chige na~" saka niya isinandal sa balikat ko ang ulo niya na para bang pusa na inaamo ang amo niya.
"Pffft... Hahaha. Tumigil ka na nga Drake, para kang baliw, alam mo ba yun? pfft."sabay tulak ko sa ulo niya na siyang nagpatumba sa kanya pero parang wala lang sa kanya at humarap uli siya sa akin.
"Eeeiih~ Sige na kasi. Ang dali lang naman sabihin e. T-A-R-Z-A-N, Tarzan. Oh di ba? Sige na. Sige na. Sige na. pleaseeeee~" Napailing nalang ako habang tumatawa dahil sa ginagawa niya.
"Oh sige na nga. Monnnnnkey! Hehehe" Nag-indian seat siya saka nagcross-arm. Awww. Mukhang nagtatampo na ang batang si Drake. Hahaha.
"Hmm. Bahala ka na nga diyan!" biglang sabi niya saka tumayo at magwawalk-out na sana, pero hinila ko ang kamay niya para umupo siya pero na-out of balance siya. Kaya ang resulta...
BINABASA MO ANG
My Ugly Suitor
RomanceUgly? Yes, HE'S ugly. naranasan niyo na bang magkaroon ng manliligaw na pangit, nerdy, and freak na guy? Well, ngayon nararanasan ko na. like ewww! *flip of hair with matching irap... You want to know about my story? well, im free to share this to a...