Megan's PoV
"Ugh! Ugh! Ugh!"
Inuntog-untog ko ang ulo ko sa malambot na unan ko saka bumangon.
"That nerdy ugly witch..." pagcucurse ko. "...She dares to threaten me. Ha-ha. Ang galing naman niya. Ang kapal pa ng kilay. Tsk." umupo ako sa gilid ng kama ko saka kinuha ang phone ko para makapagselfie ako at para maipost ko sa IG at Facebook ko.
"Hey witch. Your ugly suitor is waiting for you downstairs." Biglang sulpot ng kapatid kong brat si Mereece. Napa-'tsk' ako saka siya inirapan. "Sabihin mo tulog ako!" sagot ko sakanya.
"I'm not a liar, so you better go down there bago ko pa siya paakyatin dito." Pagsusuplada niya at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Binelatan pa niya ako bago niya isara ang pinto ng kwarto ko. Wala akong nagawa kundi...
"...G R R R R!! Nakakainis talaga yang batang yan!"
Inis na inis akong tumayo saka padabog na binuksan ang pinto at bumaba sa may sala. Nadatnan ko lang naman yung panget sa may sala na kalaro si Mereece. Tsk. Nagsama ang dalawang panget!
"Oh anak, meryenda niyo." sabi ni Mama na may dalang juice and biscuits.
"Salamat po tita." sagot nito. Feeling close!
I rolled my eyes secretly saka ngumiti at lumapit sa kanilang dalawa, I need to be nice to this ugly para makuha ko ang gusto ko at para hindi isipin ni Liann na natatakot ako sa kanya. She's just no one para maagaw ang atensiyon ng lahat sa school. Nakakatawa siya, knowing na wala naman siyang ibubuga sa akin.
"Hi Anghelo. " bati ko sa kanya saka umupo sa tabi niya kahit na labag sa kalooban ko.
"Plastik!" rinig kong sabi ni Mereece. Napangiwi ako at pasimple siya pinisil sa may pisngi niya. "...Ang cuteeee mo talaga Mereece!"
"Ouch! Get off your dirty hands on me." Pagtatampal niya sa kamay ko. Tss.
"Hi Meg. Meryenda mo oh. Kain ka ng madami ha." sabi ni Anghelo saka inilagay sa kamay ko ang juice at biscuit. "Galing ako ng SM tas naisip ko dumaan na muna dito sa inyo bago ako umuwi, malapit lang naman dito sa inyo ang SM e." sabi nito kahit na hindi ko naman tinatanong.
Be nice Meg... Be nice!
Usap ko sa sarili ko. Kailangan maging mabait ako simula ngayon para makuha ko ang gusto ko. Inhale... Exhale...
"Ahh. Anghelo, magmeryenda ka rin ha. Kumain ka ng marami para mabusog ka." nakangiting sabi ko sa kanya saka ako kumuha ng biscuit at isinubo ito sa kanya. "Ayan... Masarap yan, eto pa ang isa oh. Subo ka lang ng subo para mabusog ka agad." sabi ko saka sunod sunod na isinubo sa bibig niya ang mga biscuits.
Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa itsura niya. Halos hindi na rin siya makapagsalita at makanguya sa ginawa ko. Deserves him, ayt? Hahaha.
"Want some more?" tanong ko habang nakangiti at kumuha muli ng biscuits sa center table. Isusubo ko na sana sa kanya ang biscuit nang iharang niya ang isang kamay niya sa akin at saka tinakpan niya ng isa pa niyang kamay ang bibig niya.
"Hahaha." Tawa ko pa.
"Fa--ma na.. Meg---gan..." Pilit na sabi nito at saka umiling habang pinipigilan ang mga kamay ko sa pagsubo sa kanya.
"Ok... Fine..." I surrendered. This time kinuha ko ang baso ng juice saka ito inabot sa kanya. "...Oh uminom ka na, baka mabilaukan ka pa." sabi ko at kinuha naman niya ito at nilagok lahat.
Pagkatapos niyang uminom ay tinignan niya ako... "Grabe ka naman Megan, halos hindi ako makanguya sa ginawa mo."
"Hahaha. Masarap naman di ba?" natatawang tanong ko sa kanya pero hindi ko nagustuhan yung reaksyong niya ng bigla nalang siyang ngumiti sa akin at para bang may binabalak.
BINABASA MO ANG
My Ugly Suitor
RomanceUgly? Yes, HE'S ugly. naranasan niyo na bang magkaroon ng manliligaw na pangit, nerdy, and freak na guy? Well, ngayon nararanasan ko na. like ewww! *flip of hair with matching irap... You want to know about my story? well, im free to share this to a...