Drake's PoV
"Hindi mo ba bibisitahin si Liamm?" Tanong ko sa pinsan kong nerd na bestfriend ni Liann. Imbes na sagutin ay dinaanan lang niya ako. Hinawakan ko siya sa braso kaya napahinto siya sa paglalakad.
"May sakit siya at kailangan ka niya dun." Sabi ko sa kanya. Pero parang wala siyang pakialam. Kung hindi ko lang to pinsan matagal ko nang binugbog to.
"Para san pa, busy ako. May pupuntahan kami ni Megan." Walang ganang sagot niya saka dumeretso sa paglalakad.
"Sige, Mag-enjoy kang sumama sama kay Megan, sana lang wag mong pagsisihan na iniwan mo ang sarili mong bestfriend dahil diyan sa kahibangan mo." Sigaw ko sa kanya bago pa siya tuluyang umalis. Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Nang-iwan siya at ipinagpalit ang bestfriend niya sa nililigawan niya, para ano? Para magpauto. Tsk.
Nagpaalam ako kina tita na dadalawin ko si Liann, baka kasi hindi ko siya mapuntahan bukas dahil opening na ng school fiesta namin sa school kaya busy ang lahat. Yung contest ay sa susunod na araw pa naman kaya kailangan magpahinga muna sa practice. Si Liann ang kailangan magpahinga ngayon para makapunta siya sa school fiesta...
*Flashback
"We need to talk, dear." sabi sa skin ni tita pagkalabas niya ng kwarto ni Liann kaya hindi ko na nahawakan ang picture frame na dapat ay titignan ko. Pumunta kami sa veranda ng bahay nila at doon nag-usap.
"Ano po bang pag-uusapan natin tita? Tungkol saan po?" Tanong ko.
"Tungkol kay Liann." sagot nito. "I know mapagkakatiwalaan kita but can you promise me na hindi mo sasabihin sa iba 'tong sasabihin ko sayo?" Nagtaka naman ako kaya nagpromise ako.
"opo. Promise po."
He sighed, a deep deep sigh, so I waited him to talk again... "Liann has this work, a very hard work but enjoyable work and now I'm only telling you this because I need too and I know you are the only one that can help me about this and we can trust you about this matter." Huminto siya at parang hindi alam ang susunod na sasabihin.
"Ano po ba yun?" Tanong ko.
"You know the artist named YURA, right?"
"Opo. 'Yung nakasama ko sa isang TV commercial po."
"Si YURA at si Liann ay iisa."
"Ahh. I know!"
"Ahhh. alam mo---- Wait. What did you said? Y-you know that she----"
"Opo. Kasasabi mo lang e." sagot ko sa kanya. Napafacepalm nalang siya sa sinabi ko. Kaya pala nong nakita kong nagtataping sila ng TVC niya, parang ang gaan ng loob ko sa kanya at parang matagal ko na siyang kilala. Dahil si Liann na mukhang nerd sa school ay si YURA na hinahangaan ng marami sa harap ng telebisyon.
*End of Flashback
"Ayos ka na ba talaga, boss?" Tanong ko kay Liann sabay kuha sa kanya ng bag niya. Hinatid kami ng Daddy niya kanina at pinaalalahanan ako na alagaan ko daw ang unica hija nila. Syempre kailangan kong magpalakas sa kanila kaya umuo naman ako.
Inalis ni Liann ang kamay kong nakaakbay sa kanya habang inaalalayan siyang maglakad.. "Tanggalin mo nga yang kamay mo tarzan, baka mamaya makita pa tayo ng mga tao dito sa school pagkamalan pang inaagaw ko sa kanila ang campus heartthrob na si Prince Drake G. Feliciano. At baka sabihin nilang masyado na akong ilusyunada, isa pa ayaw kong ako na naman ang usapan dito." Napatawa ako sa sinabi niya saka siya sinagot.
BINABASA MO ANG
My Ugly Suitor
RomanceUgly? Yes, HE'S ugly. naranasan niyo na bang magkaroon ng manliligaw na pangit, nerdy, and freak na guy? Well, ngayon nararanasan ko na. like ewww! *flip of hair with matching irap... You want to know about my story? well, im free to share this to a...